Chapter 9| Tasteless/Salty

423 185 11
                                    

|TEMPORARY MADNESS|

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐍𝐈𝐍𝐄


Pagkaraan ng ilang minuto ay nagpasya akong sundan ito upang humingi uli ng paumanhin. Sinuyod ko lahat ng pasilyo upang hanapin siya ngunit hindi ko siya makita. Sa huli ay sumuko na lamang ako at nanghihinang naupo sa malaking sofa.

Ngumuso ako. Galit ba sya, dahil hindi ko tinugon ang halik niya? Hindi naman iyon ang unang beses na iniwasan ko ang labi niya ngunit ngayon lang siya nagalit. Kadalasan ay ito pa nga ang hihingi tawad, O kaya ay tatango lang at sasabihing naintindihan niya.

Wala sa sariling napahawak ako sa aking tiyan, kanina pa ito kumakalam. Simula kanina ay hindi parin ako nakakain ng pangumagahan. Hindi ko naman kayang galawin yong kusina dahil natatakot akong baka masunog yong niluto ko. Hindi pa naman ako bihasa sa kusina. Kadalasan sa mga niluluto ko sa bahay ay 'iyong mga easy to cook lang, tulad ng hotdog, itlog, ham, tuyo saka kanton.

Itinukod ko ang aking siko sa aking hita at pumangalumbaba. Nakanguso parin ako at kunot ang noo.

Nasa ganoong posisyon ako ng bigla na lamang bumukas ang Pambungad na pintuan at iniluwa niyon ang lalaking kanina kupa hinahagilap. Maysuot na itong damit ngayon kumpara kanina. Sa kanang kamay naman nito ay may bit-bit itong paper bag.

Nang magtama ang aming paningin ay agaran akong tumayo.

"Where have you been...?" mahina ang boses ko ng itanong iyon. Hahakbang na sana ako upang lumapit sa kanya ng maunahan ako nito sa paghakbang.

Naglakad ito. Akala ko ay lalagpasan niya lamang ako ng tumigil ito sa may gilid ko.

Humarap ako sa kanya ng inilahad niya sa'kin ang paper bag na dala.

"Here," ani nito. Nagtataka ko syang tinignan bago abutin ang paper bag.

Nang usisain ko ang laman 'non ay agad akong naglaway sa nakita.

"You didn't get a morning meal, earlier. So, I guess your hungry. Eat that, I bought that for you."

Pagkatapos nito iyung sabihin ay kaagad na niya akong tinalikuran at akma ng lalakad ngunit natigil din ng pigilan ko siya.

"How about you? hindi kaba kakain, 'di mo ako sasabayan?" nagbabakasakaling tanong ko. Nasanay na kasi akong kasalo siya palagi tuwing kakain. Pero kaagad din akong nadismaya sa naging sagot niya.

"No, thanks. I'm done." Saka ito tuluyang naglakad paalis.

Napahigpit naman ang hawak ko sa paper bag na may lamang tupperware. Talagang galit siya. Tuloy ay magisa kong kinain lahat ng pagkaing binili niya.

Kinagabihan ay ganon parin ang timpla nito. Kanina ko pa siya inaamo ngunit parang hindi naman tumatalab. Kapansin pansin ang pagiwas niya saakin tuwing sinusubukan ko siyang lapitan O kausapin.

"Adron, kain na. Ako nagluto!" masiglang aniya ko ng makita ko siyang papasok palang sana sa intrada ng kusina. Malaki ang ngiti ko at hindi halatang kagagaling lang sa pagkakapaso.

Natigilan ito sa akmang paghakbang. Hindi siguro nito inaasahan na sasalubungin ko siya dito sa kusina.

Nagdalawang isip pa akong magpunta dito at galawin ang mga kagamitan dahil nga baka maka sira ako, ngunit ng maisip kong hindi pa' pala siya bumababa upang mag hapunan ay naging determinado akong ipagluto siya ng nakakain. Naisip ko 'ring baka sa ganong paraan ay makausap ko 'na siya ng maayos.

Hindi naman ako nabigo ng makita ko ang banayad na paghakbang nito palapit sa hapagkainan. Ako naman ay mas napangiti pa.

Kita ko nang pasimple nitong pinasadahan ng tingin ang niluto kong ulam na ngayon ay maayos na nakapatong sa pabilog na mesa. Isa iyung adobo, at sinigang na manok. Pinanood kupa kong paano mag luto niyon sa Youtube dahil nga sa kawalan ko ng alam sa pagluluto. Bago-e hain ay tinikman ko muna iyun kanina at masasabi kong sakto lang ang pagkakatimpla ko.

Nang umupo siya ay agaran din akong umupo sa katapat na upuan. Pinagmasdan ko kung paano niya swabing nilalagyan ng kanin at ulam ang kanyang pinggan.

Mayat-maya pa ay tinigil nito ang ginagawa saka ako kunot noong tinignan.

"Don't just stare at me. Eat something!" ani nito ngunit hindi ko siya sinunod, inaabangan ko ang pagsubo niya.

Bumuntong hininga ito nang makitang hindi ako gumalaw. Dumampot ito ng isang piraso ng adobo at sinubo iyon.

"Ano, Adron? okay lang ba?" nasasabik na tanong ko ngunit agad ding naalarma ng makita kong iniluwa nito ang ulam. Dali-dali akong kumuha ng tubig at nanginginig na inabot iyon sa kanya. Kita ko ang gitla nito sa noo at ang pagasim ng kanyang mukha.

"Damn! your adobo is salty," reklamo nito bago nagsandok ng kaunting sinigang sa hawak na kutsara. Tinikman nito iyon. "And the sinigang were tasteless!" padabog nitong ibinaba ang kutsarang hawak at walang sabi-sabing tumayo.

"Sandali!" naaalarmang pigil ko nang akma na itong aalis. Tinikman ko muli ang mga niluto, at gaya ng unang impresyon ko ay, okay lang naman ang lasa.

"Gusto mo bang timplahan ko ulit ang ulam? Promise sa pagkakataong to' hindi na maalat O walang lasa." nagbabakasakaling kumbinsi ko ngunit agad ding nanlumo ng umiling-iling ito.

"I've already lost my appetite." tugon niya bago tuluyang umalis sa kusina.

Nanghihina naman akong napahawak sa dulo ng mesa.

Naiiyak kong tinignan ang adobo at sinigang na pinaghirapna kong lutuin, nabaling ang paningin ko sa kamay kong napaso, saka mapait na napangiti.

Pinaghirapan ko 'yon, e...

♘𝐽𝑒𝑠𝑚𝑎𝑛𝑖𝑐𝑣𝑒𝑟𝑜

Temporary MadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon