Chapter 17| Poured

598 100 11
                                    

|TEMPORARY MADNESS|

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐒𝐄𝐕𝐄𝐍𝐓𝐄𝐄𝐍


“Nukos, bulinaw, tilapya! presko pa kaayo, palit namo!”

(Pusit, dilis, tilapya! presko pa masyado, bili na kayo!)

Malayo paman ay rinig na rinig ko na ang malakas na sigaw ni Tatay Erni, ang paborito kong bilhan ng mga pagkaing-dagat.

Suki niya ako, at halos walang araw na hindi ako bumibili sa kanya ng pusit. Alas singko pa lamang, at malamig pa sa labas, ay naka-abang na kaagad ako sa kanya, upang makabili.

Ngunit iba nga lang sa araw na ito. Napahimbing masyado ang tulog ko kaya hindi ko na namalayan ang oras. Kaya naman ng marinig ko iyong sigaw ni Tatay Erni, ay taranta kong sinuot ang aking ruba at tsinelas, saka dali-daling lumabas ng hindi pa naghihilamos.

Saktong paglabas ko sa maliit na tarangkahan, ay bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni Tatay.

Maaliwalas ang itsura nito at parang hindi nagkaroon ng problema, noong mga nakaraang araw.

“Nganong awahi 'ka ron, Day Cha?”

(Bat na huli ka ngayon, Day Cha?) 

tanong nito habang ang atinsyon ay naroon na sa kinukuhang plastik na nakasabit sa kanyang habal-habal.

“Lagi, tay. Napa lami akong tug. Wa 'ko ka bantay sa oras. Maayo nalang kay naka mata ko sa imong sing-git.”

(Kaya nga, tay.  Napa sarap tulog ko. Hindi ko namalayan ang oras. Buti nalang at nagising ako sa sigaw mo.) 

Aniya ko, na ikina-tawa lamang nito.

Nag-angat ito ng tingin sa akin at na punta iyon sa aking tiyan, na ngayon ay kasing laki na nang pakwan.

Muli ay, inangat nito ang tingin sa aking mukha. Malaki ang ngisi.

“Ay sus, si Inday. Basin baja'g ang Amahan ana mao'y sulod sa imong damgo, mao ng napalami?”

(Ay, sus, si Inday. Ba'ka naman ang Ama niyan ang syang laman ng panaginip mo, kaya napasarap?)

Natigilan ako, at halos manlaki ang mata sa narinig.

Nang-tignan ko si Tatay Erni, ay  nakabungis-ngis lamang ito, habang ang nanunuksong tingin ay naka baling sa akin.

Sinimangutan ko lamang siya, saka maktol na bumadyak, padyak. Mahina lang iyon, sapat lang upang hindi tuluyang maalog ang aking tiyan.

“Tatay naman! sabing ayaw ko ng makarinig ni kahit katiting na kataga sa lalaking iyan! Umiinit ang ulo ko, tatay. Makakasama iyon sa baby.” Sabi habang busangot parin.

Natatawa na lamang si Tatay Erni, na umiling-iling.

“Oh, hala. Sige dili na,”

(Oh, hala. Sige hindi na,)

ani nito saka iniabot sa akin ang plastik na nakasabit kanina sa habal-habal.

“Oh, dia ra imong paboritong, nukos. A'ku jud nang gi received para nimo, ka'y kabalo kung, nukos imong gi lihiang pagkaon.”

(Oh, ito na ang iyong paboritong, pusit. Ni received ko talaga yan para sayo, Dahil alam kong, pusit ang pinaglilihian mong pagkain.)

Napangiti ako at ambang ilalahad na ang isang daan na bayad ko sa pusit, nang muli, gaya ng mga nakalipas na araw ay tinanggihan na naman niya ang aking bayad.

Umiling-iling si Tatay.

“Bisan ayaw na, day. E' apil nalang na sa imong ipon. Hapit na laba imong kabuwanan. Mas maayo ng andam ug alisto ka sa mga di mabantayang panghitabo.”

(Kahit wag na, day. E' dag-dag mo nalang yan sa ipon mo. Malapit  pa naman na ang iyong kabuwanan. Mas mabuti ng maging handa at alisto ka sa mga hindi inaasahang pangyayari.)

Nag-ulap ang aking mga mata sa narinig. Masaya ako dahil kahit papaano, kahit wala ako sa sariling tirituryo, ay may nag-aalala at umaagapay parin sa'kin, na parang totoo kong kapamilya.

Isang bagay na kahit kailan hindi ko naramdaman no'on.

Napaka swerte ko, ng sa mga panahong, lugmok at walang-wala ako, ay dito ako napad-pad. Sa lugar kong saan nahanap ko ang totoong kapayapaan at kaginhawaan.

Hindi pa man nila ako masyadong kilala 'non, ngunit lubusan na ang tiwala at pagtanggap nila sa akin, sa amin ng aking anak.

Hindi na ako naka tiis at parang batang huma-gulgol sa harap ng matanda.

“T-tay... Salamat. M-maraming salamat sa inyo, s-subra...”

Dala na rin siguro ng pagbubuntis kaya ako nagiging emosyonal.

Kaagad rin naman ako nitong pinatahan.

Aniya'y makakasama iyon sa baby.

“Tama na, nah, pagpaka isug, Cha. Dili para sa mga tawong naka-palibot nimo, O sa mga tawong nagpasakit nimo. Kundi para sa imo, ug sa imong anak. Ni'ya e' hatag tanang gugmang na-sayang nimo sa iyang Amahan.”

(Tama na, yan, maging matapang ka, Cha. Hindi para sa mga taong naka-paligid sayo, O sa mga taong nanakit sayo. Kundi para sa sarili mo, at sa iyong anak... Sa kanya mo i-bigay lahat ng pagmamahal, na nasayang nang mahalin mo ang kanyang Ama.)

Umiiyak na tumango ako.

Hanggang sa magpaalam, at tuluyan ng mawala sa aking paningin Si Tatay, ay tumatak sa akin ang kanyang mga binitawang salita.

Tama siya, nararapat lamang na ibigay ko lahat ng pagmamahal na meron ako sa'king munting anghel.

Ibubuhos ko lahat-lahat, hanggang sa tuluyan ng walang matira ni katiting para sa ibang lalaki, lalong-lalo na, ka'y Adron...

♘𝐽𝑒𝑠𝑚𝑎𝑛𝑖𝑐𝑣𝑒𝑟𝑜

Temporary MadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon