Chapter 16| Decline

578 114 13
                                    

|TEMPORARY MADNESS|

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐒𝐈𝐗𝐓𝐄𝐄𝐍


Dala-dala ang determinasyon  at lakas ng luob ay, nagpunta at bumalik ako ospital na pinuntaha namin.

Naka pantulog pa ako, na huling suot ko pa kagabi. Hindi na ako nagbihis pa dumiretso na kaagad ako rito.

At gaya nga ng inaasahan ay naroon nga ang lalaking buong gabi kong hinintay, kahapon.

Nakaupo siya ron, malapit sa hospital bed. Hawak-hawak ang kama'y ng ngayon, ay tulog na babae. Wari'y maigi itong binabantayan.

May kong anong litid na bumara sa aking lalamunan sa tanawing nakikita ng aking mga mata. Ngunit hindi i'yon naka-apikto sa kagustuhan kong ipaalam dito ang nararapat.

Tinatagan ko ang aking luob. “Adron...” lakas luob kong tawag dito. Hindi naman ako nabigo dahil kaagad ko rin namang nakuha ang kanyang atinsyon.

Ibinaling nito ang paningin sa akin. Blanko ang kanyang mga mata. At wala akong nakikitang ni katiting na emosyon.

Doon pa lamang, ay alam ko na agad ang kahihinatnan nito.

“P-pwede ba kitang makausap?”

Akala ko hindi niya ako pauunlakan. Ngunit nang makitang dahan-dahan niyang binitawan ang kamay ng babae at may pagiingat na tumayo, ay naghalo-halo ang aking emosyon.

Mapait akong napangiti, ng makitang hinalikan pa niya ito sa nuo. Bago tuluyang binitawan.

At sa harap ko pa talaga...?

Nagulap ang aking mga mata, kasabay non, ay ang tuluyang pag-agos ng masaganang luha na nanggagaling sa aking mga mata. Ngunit bago pa nito iyon makita, ay kaagad na akong tumalikod at nagpatiuna nang lumabas.

Akala ko sapat na ang determinasyon at tapang na meron ako, upang hindi tuluyang malanta sa kanyang harapan.

Ngunit mali ako. Maling mali....

Pinahid ko ang mga luhang patuloy na upaagos. Nang naramdaman ang presensya nito sa aking likuran.

“She's awake. Let's end our pretend.”

Natigilan ako sa paglalakad ng hindi paman ako tuluyang nakababawi sa sakit, ay may panibago na naman.

“S-sino... s-siya?” tanong ko na hindi man lang niya sinagot.

Nakabibinging katahimikan ang namayani sa pagitan namin. Hanggang basagin ko  iyon.

“Maraming beses tayong nagtalik ng walang proteksiyon. Hindi man lang ba sumagi sa isip mo na baka naka buo tayo?” mahinang aniya ko, sapat lamang upang marinig niya.

Nang harapin ko siya, ay agad akong nanlumo ng makitang wala parin akong makitang ni katiting na emosyon doon.

Malalim niya akong tinitigan. “You're pregnant...?”

Kitang-kita ko kong paanong umigting ang kanyang panga ng itanong iyon.

Dahan-dahan akong tumango. Nagbabakasakaling makatanggap ng kaaya-ayang tugon mula sa kanya.

Ngunit labis na lamang ang pagtataka ko ng makitang kinuha nito ang kanyang pitaka.

Nakatingin lamang ako sa kanya habang, may kong anong kinakalikot siya ron na kong ano.

“Here, take this..”

Ngunit lahat ng pagasang aking naramdaman, ay agad din nag lahu ng may inilahad ito sa aking harapan.

It was a credit card.

Naguulap ang matang nag angat ako ng tingin sa kanya.

“P-para... s-saan to?”

Hindi ko inaasahan ang panginginig ng aking boses, ng itanong ko iyon. Labis labis ang kabang nararamdaman ko na halos hindi ko na namalayan.

“For you, and your baby, Necessary needs. Buy the things you wanted, and the things that needed for the baby. It's all yours now. Just don—”

Hindi pa man natatapos ang kanyang salita, ay marahas ko ng hinablot sa kanya ang Credit card. 

Walang salitang namutawi sa akin at agaran siyang tinalikuran. Mahigpit ang kapit ko sa credit card na hawak.

Kating-kating sirain iyon.

Ngunit hindi paman ako tuluyang nakakalayo, ay agad din akong napatigil sa kalagitnaan, ng marinig ko ang pagsasalita ni Adron.

“Forgive me. But I can't father your child.”

Mas humigpit ang hawak ko sa Credit card.  Tumango ako habang nanatiling nakatalikod sa kanya.

“Naiintindihan ko...”

Saka ako tuluyang umalis at kumawala sa kanyang paningin.

Nang matantiyang masyado na akong malayo sa kanyang kinaruruonan, ay doon na ako tuluyang umiyak. Hindi alintana ang mga taong tumitingin sa'kin.

Masakit-subrang sakit! Ang akala ko hindi na ako gaanong masasaktan sa maaaring marinig, dahil maaga ko ng inihanda ang sarili ko sa posibilidad. Ngunit, Putangina! Ang sakit! Subrang sakit palang marinig mismo sa kanya ang pagtanggi sa inosenteng anghel na kami mismo ang gumawa.

Binalingan ko ng tingin ang binigay niyang Credit card. Saka iyon blangkong tinitigan.

Kaya kong buhayi ang anak ko, ng walang kahit anong tinatanggap na galing sayo, Adron. Ipapakain ko sayo 'tong Credit card na ipinagmamalaki mo pagdating ng panahon!

♘𝐽𝑒𝑠𝑚𝑎𝑛𝑖𝑐𝑣𝑒𝑟𝑜

Temporary MadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon