Chapter 7| Cure

404 188 3
                                    

|TEMPORARY MADNESS|

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐒𝐄𝐕𝐄𝐍


Pagkatapos ng dinner kasama ang mga magulang niya ay kaagad din kaming umuwi.

Tahimik ang biyahe naman pabalik sa penthouse niya kaya naman tahimik din akong nakapagisip tungkol sa mga nagyari nitong mga nakaraang araw.

Kailan lang noong sinagip nya ako sa muntikan ko nang pagkakahulog sa rooftop ng isang sikat na Hotel dito sa siyudad, limang araw na ang nakakalipas. Hanggang sa isang araw nakatanggap na lamang ako ng tawag sa galing sa kanya, sinasabing gusto niya raw makipagkita sa akin.

Hindi ko alam kong saan niya nakuha ang number ko pero kalaunan naisip ko 'rin na mayaman sya marami syang paraan upang matagpuan ako at ang mga personal pang bagay na meron ako. Gaya nga ng sabi niya kahapon, He have his needs, kaya hindi na nakapagtataka iyun.

At iyun na nga. Ang pagtawag niyang iyun ay kinuha ko bilang oportunedad na mapasalamatan sya ng harap harap sa pagsagip niya sa akin, hindi ko naman inaasahan na may iba pa' pala syang dahilan kong bakit niya ako tinawagan sa araw na 'yon. At iyun nga ang magkunwaring kasintahan niya. Nagdalawang isip ako dahil sino ba namang may saltik ang papayag doon. Ngunit sa huli ay sumangayun 'din, hindi lang iyun dahil pumayag pa akong tumira sa lugar niya. Mukhang ako ata yung may saltik!

"What are you thinking?" rinig kong marahan na tanong nito. "I can see in you. You've been over thinking this past few days. What's on you're mind, Hmmmm?"

Bahagya pa akong napaigtad ng marinig ang banayad na boses nito habang itinatanong iyun. Mula sa labas ng bintana ay nabaling sa kanya ang aking buong atinsyon.

What's on your mind? diba sa facebook 'yon tuwing magpo-post ka?

"Hindi ka si facebook." wala sa sariling turan ko.

Nakita kong naguluhan ito sa sinabi ko, bahagya pang nangunot ang noo nito.

"Facebook? Who's that, facebook?"

Pati ako ay naguluhan narin sa sinabi niya. Hindi ba nito alam kong ano ang facebook?

"My name is Rugene Adron Suhayde, Cha. I am not that facebook. Whoever that motherf*cker is!" Kong kanina ay kunot lang ang noo nito ngayon naman ay nadagdagan iyun ng galit at inis. Kita iyun sa gwapo niyang mukha.

Sa naging reaksyon niya ay bigla akong napahagalpak ng tawa. P*ta! Akala siguro niya tao at isang lalaki ang facebook na sinabi ko. Sa naisip ay mas lumakas pa ang tawa ko, hinampas hampas ko pa ang balikat niya, habang sya ay nasa manibela parin ang tingin. Pero ang buong mukha niya ay pulang-pula na sa galit.

"Why are you laughing!" Sigaw nito pero hindi ako natinag patulo'y kong hinampas ang balikat niya habang humahagalpak sa tawa.

Siguro sa mga oras na'to ay para na akong baliw. Saang bundok ba nang galing ang Impaktong to at hindi alam kong ano ang facebook.

"Stop laughting and slapping my shoulder, well you!"

Sigaw nitong muli pulang-pula na sa galit pero hindi parin ako tumigil sa pagtawa at paghampas sa kanya. Ngunit iba na nga lang ang dahilan sa pagkakataong ito hindi na ito dahil sa natatawa ako sa kanya kundi dahil sa hindi ko na ma-kontrol ang tawa ko. Sumasakit na ang panga ko dahil doon.

Gustong-gusto ko ng tumigil ngunit hindi ko magawa. Noon paman tuwing nasubrahan ako sa pagtawa ay ganito na ang nangyayari. Hindi ko na' nakokontrol ang tawa ko tuwing nasubrahan, iba nga lang ngayon dahil hindi ko na alam kong paano tumugil. Matagal-tagal narin kasi simula noong huli akong tumawa ng malakas.

"What the hell! Cha. What the hell! is happening to you. Why can't you stop from laughting!" Naramdaman ko ang pagtigil ng kanyang sasakyan sa kalagitnaan ng daan. Rinig ko nagpapanic niyang boses pati narin ang sunod-sunod na busina ng mga sasakyan mula sa aming likuran. Pero mukhang wala siyang pakialam kahit pa makakagawa kami ng traffic, dahil ang buo niyang atinsyon ay nasa akin.

Puno ng pag-aalala ang mga mata nito nakitaan ko iyun pangamba at matinding takot. Kaya naman kahit nahihirapang magsalita ay pinilit ko paring maisaboses ang gusto kong sabihin.

"A-Adron...." hinihigal kong pagtawag sa kanya, wala paring tigil sa pilit na tawa. Para ng peke ang tawa ko dahil sa hindi paghihirap.

"S-Stop m-me... P-pleas-"

Ngunit hindi ko na natapos ang akin pa sanang sasabihin ng sa isang galawan niya lang ay agad na naglapat ang aming mga labi.

Umawang ang labi ko at nanlalaki ang aking mata ng maramdaman ko ang pagpasok ng dila niya mula doon. Inaangkin lahat ng sulok ng aking bibig na para bang sinasabi niyang pagaari niya ang lahat ng iyon.

Mulat na mulat ang aking mga mata habang ang kanya naman ay malamlam na nakapikip, dinadama ang mga labi kong mariing nakadikit sa mga labi niya.

Hindi ko alam kong ano ang gagawin. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na may umangkin sa mga labi ko. Kaya nanatili akong hindi gumagalaw at hinayaan syang angkinin ang aking mga labi.

Kong hindi pa ito kusang lumayo ay hindi ko ma-ma-malayang natigil na pala ang pagtawa ko. Nang tignan ko sya ay malaki ang kanyang ngisi habang nakikipagtitigan sa akin. Halatang Masaya.

"I see... Sucking you're lips were the only cure.... What a delicious appetizer for tonight."

♘𝐽𝑒𝑠𝑚𝑎𝑛𝑖𝑐𝑣𝑒𝑟𝑜

Temporary MadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon