Chapter 15| Little Angel

444 106 7
                                    

|TEMPORARY MADNESS|

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐅𝐈𝐅𝐓𝐄𝐄𝐍


Hanggang sa mag ala una ay wala paring Adron na nagpakita. Pasalamat na lamang ako na hindi ako iniwan ni summer, at ng mapuna niyang subrang pagod at antok na nang itsura ko ay, siya na mismo ang unang nag suhistyon na umuwi na ako. Dahil mukhang di na rin daw naman dadating iyong hinihintay ko.

Na mukhang totoo naman. Siguro'y nakalimutan na ako ni Adron.

Higit pa don ay nag alok si Summer na sumabay nalang ako sa kanya, at siya nalang ang maghahatid sa akin. Nang sa gayon ay makakampante siyang ligtas akong makakarating sa inuuwian.

Kaya naman hindi na ako nag inarte pa. Sumangayon ako at agad na sumabay sa kanya papuntang parking.

Nagsasalita si Summer habang tinutungo namin ang banda kong saan naka parada ang kanyang kotse. Habang ako naman ay parang wala sa sarili.

Masyadong marami ang mga katanungan na naipon sa aking utak, kaya hindi ako makapag konsintra sa kasama.

Napuna iyon ni Summer. Huminto siya kaya napahinto rin ako.

“You sure, na okay lang you, ate? You look bothered. Kanina pa me nag ta-talk, but it seems like you're in a deep thought,” bakas ang pagaalala sa bilugang mukha at sa boses nito.

Ngumiti ako. “Oo naman, pagod lang siguro kaya ako na, lulutang”

Bakas sa mukha nitong hindi ito konbinsido sa katwiran ko. Ngunit sa huli ay tumango na lamang ito at nagpatiuna  sa paglalakad, kasunod ako.

_

Ligtas at walang abirya akong naihatid ni summer sa penthouse ni Adron. Wala siyang alam, ang alam lang niya ay iyon ang bago kong tinutuluyan sa paglipas ng mga taong hindi kami nag-kikita. Wala din itong alam tungkol kay Adron. Walang nakakaalam na kakilala ko. Maliban sa'kin.

Nakangiting kumaway ito sa'kin bago tuluyang mawala sa aking paningin.

Napabuntong-hininga ako. Hindi ko kinakaya ang mga pangyayari ngayong araw. Paano nalang kaya bukas at sa mga susunod pang bukas?

Hanggang sa pagtulog ay dala-dala ko parin ang mga isiping iyon. Napanaginipan ko pa si Adron at iyong Babae sa ospital, masaya at nagtatawanan sila habang nanatili akong nakatanaw sa malayo. Nakangiti ngunit hindi abot sa'king mga mata.

Kinabukasan ay hapon na ng ako'y magising. Halos palubog na ang araw.

Mapabaligwas ako ng bangon ng makaramdamang tila nasusuka ako. Sumabay pa ro'on ang pagkahilo at hindi magandang pakiramdam.

Kaya naman agaran akong nagpunta sa banyo at doon nagsuka. Ipinagtaka ko ng mapansing Sige lang ako sa pag suka ngunit wala namang lumalabas sa aking bibig.

Mayat-maya'y natigilan ako.

Nanghihinang napaupo ako sa makintab na sahig ng banyo. Tulala ako at hindi agad na proseso ang maaaring posibilidad.

Hindi ako tanga. Marami akong alam tungkol sa mga nagdadalang tao. Naging doktor ako, at kahit pa hindi ugnay sa mga buntis ang kinuha ko ay, may alam parin ako tungkol sa mga senyales na buntis ang isang babae.

Isa pa hindi imposibling naka buo nga kami ni Adron. Maraming beses naming gimawa ang bagay na iyon, ng hindi gumagamit ng proteksyon.

Masyado kaming na wili sa init ng isat-isa, na hindi na namin naisip ang kahalagahan ng pagiingat.

Sa nanginginig na kama'y ay hinaplos ko ang aking tiyan. Habang ginagawa iyon ay hindi ko na malayang humihikbi na pala ako.

Naguguluhan ako. Hindi panga-kumpermado ngunit, siguradong-sigurado na ako na may nabubuhay na bata sa aking sinapupunan.

Naguguluhan ako kong ano ang dapat na maramdaman. Natatakot ako sa posibilidad na baka hindi ito tanggapin ni Adron.

Pagpapanggap lamang ang lahat nang meron kami, at paniguradong hindi pa iyon handa sa magiging responsibilidad.

Lalo na ngayon na mukhang ititigil na nito ang lahat ng namamagitan sa'amin.

Ngunit habang patuloy na hinahaplos ang aking tiyan, ay may parang masayang pakiramdam na humahaplos sa kaibuturan ng aking puso.

Napangiti ako. Ipapaalam ko ka'y Adron ang aming na buo. Tanggapin man niya O hindi ang bata, ay lubos ko iyong Tatanggapin ng bukal sa aking kaluoban.

Kong pipiliin niyang maging ama at kilalanin ng anak ay, sabay naming palalakihin ang aming munting anghel.

At kong... pipiliin naman niya ang manatiling malaya at manatiling hindi kunektado sa aming nabuo ay, tatanggapin ko. Masasaktan ako ng subra, Oo. Ngunit i'yon ang kanyang desisyon.

Isa pa kahit wala siya sa magiging buhay namin ay, kaya ko parin namang ibigay sa aking magiging anak ang kasiyahan at kapayapaan.

Hindi ko man maibibigay sa kanya ang isang buong pamilya. Kaya ko namang ibigay sa kanya ang lahat-lahat ng pagmamahal na iaalay ko, para lamang sa kanya. Hindi ko kailan man ipaparamdam sa kanya ang kawalan ng pagmamahal ng isang magulang.

Ibibigay ko sa kanya ang lahat.

Kaya ko, kakayanin ko. Para sa aking munting anghel.

♘𝐽𝑒𝑠𝑚𝑎𝑛𝑖𝑐𝑣𝑒𝑟𝑜

Temporary MadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon