Chapter 18| Sweetie

400 91 14
                                    

|TEMPORARY MADNESS|

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐄𝐈𝐆𝐇𝐓𝐄𝐄𝐍


Muli ang paglipas ng mga araw. Ngayon ay hindi na 'ko mag kanda mayaw sa pagkilos dahil sa aking malaking tiyan. Hirap na hirap na rin ako sa paggalaw, pero dahil nga madalas na lamang ang pagdalaw ni Nanay Sita, dahil binabantayan nito ang apong na ospital. Kaya kailangan kong kumilos ng ako lang magisa.

Okay lang naman sa'kin. Makakatulong din ito upang hindi ako masyadong dumipende sa kilos ng iba. Sa pamamagitan rin nito ay matutulungan ko ang sariling maging independent, lalo na ngayong nalalapit na ang aking pagiging ganap na ina.

Tungkol sa aking pagbubuntis, ay kampante naman ako dahil sabi ng doctor, ay healthy at malakas ang kapit ni baby.

Kagagaling ko lang sa check up ngayong araw at ngayon nga'y diretso dito sa palengke.

Maayos na namamahinga ang aking kanang kamay sa umbok ng aking tyan, habang dala-dala ko naman sa kaliwang kamay ang supot ng ibat-ibang gulay na binili ko kanina.

Dahan-dahan lamang ang aking paglalakad. Natatakot akong baka may hindi inaasahang mangyari at bigla ay ma alog na lamang ang aking tiyan.

Ngayon ay Patungo ako sa pamilihan ng tig-sasakong bigas. Iyong mismong pabrika.

Nakakailang nga dahil pingatitinginan ako rito. Marahil siguro'y dahil sa malaki kong tiyan, O di kaya'y sa klasi ng paglalakad kong, parang penguin.

"Guwapaha no...puti-a pa jud,"

(Ang ganda no... tas ang puti-puti pa,)

Rinig kong mahinang bulong ng boses babae sa'king likuran. Ramdam ko ang mga tingin nito sa'kin, mula sa likod.

"Ug ingana pa raman ko 'ka blooming inag buntis... Kanunay na jud ko magpa-araro sa'kong bana."

(Kung ganyan din lang sana ako 'ka blooming kapag buntis... Palagi na talaga akong magpapa-araro sa'king asawa.)

Napaawang ang labi ko sa narinig. Akmang lilingunin ko sana ang mga ito, ngunit naagaw ng aking atinsyon ang magarang kotse na nakaparada hindi kalayuan sa pilang aking kinabibilangan.

Ipinagtaka ko iyon dahil, kanina lamang walang bakas ng kotse ang nakaparada riyan. O baka naman masyado lang akong ukupado sa pila kaya di ko na napansin ang ugong ng sasakyan kanina?

Tumango-tango ako sa posibilidad. Siguro nga.

Higit isang oras din akong nakapila doon, bago ako tuluyang naka bili ng sakong bigas. Pinabuhat ko i'yon, sa isang trabahador na nagngangalang Gibo.

Habang binabaybay ang daan patungo sa paradahan ng motor cab ni Mang Niel ay nag kwe-kwentuhan kami ni Gibo.

Napag-alaman kong Mas bata pa pala ito sa akin. Kaka-nineteen palang daw nito noong April 15, hindi halata dahil sa kanyang pisikal na anyo, at pangangatawan, ay aakalain mong beinte otso na ito pataas.

Marami-rami rin ang aming napag-kwentuhan hanggang sa tuluyan naming naabot ang dulo ng pamilihan, kong saan doon pumaparada at naghihintay ng pasahiro ang mga cab.

Nang magawi na kami sa nakaparadang motor cab ni Mang Niel, ay wala pa ro'on ang Manong.

Marahil hindi pa ito nakakahupa sa ilang oras na pagpapahinga.

Nagpasalamat ako ka'y Gibo ng ito na mismo ang nag lagay ng sako sa likod, maging ang mga pinamili kong gulay ay siya na mismo ang nag-ayos.

Aniya'y para raw wala na akong bit-bit na kahit anong supot habang buma-byahe.

"Sigurado kang, okay ra'ka diri'g ikaw rang usa?"

(Sigurado kang, okay ka lang dito na ikaw lang mag-isa?)

Nagaalalang tanong nito, nang hanggang ngayon wala parin si Mang Niel.

Ngunit lamang ako.

"Oh lagi, Gahi-ag Ulo."

(Oo nga, ang tigas ng ulo)

Paninigurado ko.

Sa huli ,ay nagpasalamat akong muli, hanggang sa tuluyan itong makalayo, at mawala sa aking paningin.

Sakto rin nang naramdaman ko ang pag-sakay ni Manong Niel sa Manibila.

Napahinga ako ng malalim at tila nabunutan ng tinik.

"Dugaya lagi mo nag pahuway ron, Kol Niel?"

(Bat matagal katong nagpahing ngayon Mang Niel?)

Nakangiting aniya ko. Habbang until-unti itong nililingon. Exited na akong I kwento rito ang mga naganap ngayong araw.

Ngunit ng tuluyan akong nakaharap ay hindi ang inaasahan ang bumungad sa akong paningin.

Nagtama ang aming mga mata. Kasabay rin non, ay ang unti-unting pagkawala ng ngiti sa aking mga labi.

Naistatwa ako.

"A-Adron..." Wala sa sariling sambit ko sa pangalan nito.

Kitang-kita ko 'kong pa-paanong mamungay ang mga mata niya habang nakatitig sa akin. Dag-dag pa don, ay ang unti-unting pag awang ng kanyang mga labi.

"Sweetie..."

Writer's Note•
Still have, two remaining chapter, before the epilogue.

♘𝐽𝑒𝑠𝑚𝑎𝑛𝑖𝑐𝑣𝑒𝑟𝑜

Temporary MadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon