Chapter 20| Missed you so bad

366 69 7
                                    

|TEMPORARY MADNESS|

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐓𝐖𝐄𝐍𝐓𝐘

Huminto ako at pinikit ang aking mga mata, hinayaan kong tumulo ang aking mga luha. Mayat-maya pa'y, naramdaman kong binawi niya ang pagkakayakap sakin at lumayo.

Iminulat ko ang aking mga mata. Nakita ko kung paanong mamuo ang  luha sa kanyang mga mata habang pinagmamasdan ako.

“U-umalis kana...”

hindi ko inaasahang ang pagpiyok nang aking boses. Maging ang panginginig ng aking mga kamay ay wala sa oras.

Marahan itong tumango.

“I-I will, for now.” muli ay bumaba ang paningin nito sa umbok ng aking tiyan.

“Please take a good care of your self while I'm not around...” aniya sa mahinang boses.

Gusto ko sana siyang barahin sa sinabi, ngunit pinanatili ko na lamang ang pagiging kalmado. At hinintay ang tuluyan nitong pag-alis.

Ngunit nagulat ako ng muli itong humakbang palapit at biglaan ang pagluhod sa aking harapan.

Aatras na sana ako, ngunit kaagad nahawakan ng dalawang kamay nito ang aking balakang, pinapanatili ako sa pwesto.

Sa ganoong posisyon ay pinaghahalikan nito ang umbok ng aking tiyan. Naro'on pa ang mahihinang bulong nito na wari'y kinakausap ang aking anak.

“I'm sorry, b-baby. Forgive me please... Tatay so sorry, hmmm...”

Napapikit ako ng marinig ang kanyang pagtangis. Maging ang mga binibitawan niyang salita ay tumatagos.

“Tatay so sorr—”

Naputol ang sinasabi nito ng itulak ko siya. Hindi i'yon ganon ka lakas, kaya bahagya lamang itong napaupo.

Umiling-iling ako.

Hindi ko na kaya. Natatakot akong baka manghina ako, dahil lamang sa kanyang mga salita.

Mahal ko pa rin siya, at natatakot akong maging marupok at baliin ang mga pangakong nararapat ko lamang panindigan.

Sa kanya mismo nanggaling na ayaw na niya sakin at ayaw niya sa anak ko. Kaya ano itong drama niya ngayon?

Kalmado kong pinunasan ang luha ko.

“Umalis kana, Adron...”

Kinuha ko sa dala-dala kong Purse ang Credit card na ibibigay niya sa akin noon. Saka iyon inihagis sa kanya.

“Hindi namin kailangan iyan. Ka'ya kong sustintuhan ang anak ko ng walang kahit anong galing sayo. Katulad na lamang ng hindi ka namin kailangan.”

Saka ko siya tuluyang tinalikuran.

____

Dalawang linggo.

Dalawang linggo na ang lumipas simula no'ong nangyaring eksina. Ngunit Hanggang ngayon ay Sariwa parin sa akin ang mga pangyayari. Dinadalaw parin ako ng aking konsensiya.

Sa pisikal na pananakit sa kanya, hanggang sa mga salitang aking binitawan.

Naku-konsensiya ako, kahit hindi naman dapat.

Nararapat lamang iyon sa kanya ngunit bakit ganito? Bakit pakiramdam ko ang sama-sama ko dahil sa nagawa.

Simula ng araw na iyon ay hindi na muli ito nagtangka pang magpakita. Naiinis nga ako sa sarili ko dahil  sa kabila galit ay umaasa parin akong sana'y makita ko siya kahit saglit. E' ito naman ang gusto ko.

Temporary MadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon