Chapter 12| Dirty talk

456 181 11
                                    

|TEMPORARY MADNESS|

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐓𝐖𝐄𝐋𝐕𝐄

Sunod sunod na lagaslas ng tubig ang tanging naririnig ko sa loob ng banyo. Sa nangyaring kahihiyan kani-kanina lamang ay ni hindi ko man lang namalayan na hubad, at wala pa' pala akong suot na saplot ng dali-daling lumabas sa kwarto ni Adron. Tuloy ay mas nadagdagan pa ang kahihiyang natamo ko.

Inis at may panggigigil na kinurot-kurot ko ang aking sarili matapos magbanlaw at makapagbihis. Hindi ko man lang naisip na nakahubad pa pala ako ng tumalilis patakbo upang makalayo sa kanya. Mas nakakahiya ngayon dahil alam kong nakita niya akong tumatakbo ng walang saplot. 'O baka nga ngayon ay pinagtatawanan na ako no'n!

Kasalanan mo 'rin naman! ani ko sa aking sarili.

Kong nagisip ka lang sana bago kumilos ng basta-basta ay hindi ka mapapahiya ng duble! Ano nalang ang mukhang maihaharap mo sa kanya?!

Sa naisip ay mas lalo ko pang kinurot ang aking sarili. hindi ko iyon tinigilan hanggang sa namula iyon at nagmukhang pantal. Do'on lamang ako natigilan at napatitig sa namumula ko ng balat sa magkabilang braso. Bumuntong hininga ako at nagdalawang isip pa kong pupunta pa ako sa kusina. Siguradong nandoon na siya at hinihintay na lamang ako.

Hanggang sa nagdaan ang isang oras ay napagdesisyonan ko ng tuluyang bumaba at harapin siya. Ngunit nago iyon ay nagbihis muna ako ng long-sleeve upang matakpan at hindi niya makita ang namumula ko ng balat.

Sinipat ko muna ang aking sarili sa pangbuohang salamin at ng makasiguradong hindi na makikita ang balat na namumula ay tuluyan na akong lumabas sa silid na iyon.

Bumaba ako sa hagdan at ng makababa ay binagtas ko naman ang malawak na bulwagan patungo sa kusina kong saan siguradong kanina pa na'roon ang mayari.

Hindi nga ako nagkamali dahil nasa bukana pa lamang ako ng kusina ay naririnig ko na ang ingay ng babasaging plato at kutsara, warey inilalapag iyon sa babasaging lamisa.

Kinabahan muli ako at nagdalawang isip kong papasok ba 'o hindi. Sa huli ay tinatagan ko ang aking loob at luluyang pumasok sa kusina. Kanina pa ako gutom.

Nadadtan ko siya doong may inilalapag sa lamisa na sa aking pakiwari'y 'ay ulam.

Nagangat ito ng tingin, siguro ay naramdaman nito ang aking prisensya. Nagkasalubong ang aming mga mata ngunit iniwas ko kaagad ang tingin ko sa kanya.

"Hey..." tawag pansin nito sa paos na boses. Humakbang ako palapit sa lamisa at huminto rin ng nasa tapat na ako nito. Nagkunwari kong sinisipat ang mga niluto niya para lamang hindi masalubong ang kanyang tingin.

Nasa akin ang buong atinsyon niya kaya hindi malabong nangyari iyon. "I thought-"

"Gutom na ako," putol ko sa akmang sasabihin nito dahil totoo naman. Natigilan ito ngunit sandali lamang iyon. Kumuha ito ng plato at siya na mismo ang naglabay ng kanin doon. Giniya pa niya ako sa pagupo.

"Here," ani nito at inilagay sa aking harapan ang plato kong saan may kanin na at ulam.

Kahit nagtataka sa kanyang mga kilos ay mas pinagtuonan ko nalang ng pansin ang pagkaing nasa aking harapan at kaagad iyong nilantakan. Naisip ko 'ring siguro ay bumabawi ito kahapon ng ipagluto ko siya ngunit ininsulto lang niya ang adobo at sinigang na niluto ko. Wala sa sariling umirap ako sa kawalan. Dapat lang! pinaghirapan ko 'yon.

Sa naisip ay kaagad ko 'ring naalala ang mga niluto ko. Pwede pa iyong dahil inilagay ko naman sa ref para hindi mapanis. Sayang Naman iyon kong hindi ko kakainin ngayon, mabilisang paginit lang doon ay tapos na.

Dali-dali naman akong tulayo. Kitang kita ko pa ang magtataka sa mukha ni Adron.

"Cha, where are you going? you still didn't eat that much." anito ngunit hindi ko siya pinansin. Sa halip ay naglakad ako sa kinaruruonan ng ref at mabilisan iyong binuksan.

Dahilan lamang upang mapakunot ang aking noo ng makitang wala nang bakas ng adobo at sinigang doon.

"What's the matter?"

Napasinghap ako ng may biglang nagsalita sa aking likod. Hindi ko man lang namalayan na nakalapit na pala ito sa akin.

"Uhm... may hinahanap lang."

Kahit naiilang sa kanyang na ngayon ay nasa aking likuran, ay nagawa ko paring sagutin ang kanyang tanong na para bang hindi nababagabag sa kanyang prisensya.

"And? what is it?" pangungulit pa nito. Kaya napa kamot ako sa aking pisngi.

"Ano, yung adobo at sinigang na niluto kagabi, inilagay ko lang yon dito kagabi para hindi mapanis. Nasayangan kasi ako ng hindi mo kinain kaya sa halip na itapon ay naisipan kong itabi nalang muna. Sayang rin kasi pwede pa iyon ngayon." Saka pinaghirapan ko yon no!

Gusto ko Sana iyong idagdag ngunit naisipan kong huwag nalang.

Nilingon ko siya. Nakita ko ang biglaang pagaliwalas ng kanyang mukha.

"Oh, that!" ani niya dahilan ng pagkunot ng aking noo.

"Bakit? alam mo kong nasaan?" tanong ko. Nginisihan niya lamang ako.

"Well, yeah. It's in my stomach already."

Nanlaki ang mata ko at hindi makapaniwalang nagpabalik-balik ng tingin sa mukha niya at sa tiyan.

"Kinain mo? Akala ko ba nawalan kana ng gana dahil sa walang lasa at maalat ang mga niluto ko?" tila hindi parin makapaniwalang tanong ko. Hindi ako makapaniwala na matapos niyang insultuhin ang luto ko ay lalamunin rin pala niya lahat!

Nagiwas muna ito ng tingin bago nagsalita. "I am just upset, that's why I suddenly said that cruel word's out of annoyance,"

Saka lamang nito ibinaling ang paningin sa akin. Pamungay ang mga mata.

"The truth is, your Adobo and sinigang were both yummy and delicious. Just like how delicious and yummy you are."

Napatigalgal ako sa huli niyang sinabi. Abay! napaka bastos na nilalang!

♘𝐽𝑒𝑠𝑚𝑎𝑛𝑖𝑐𝑣𝑒𝑟𝑜

Temporary MadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon