Chapter 11| Embarrassed

471 180 20
                                    

|TEMPORARY MADNESS|

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐄𝐋𝐄𝐕𝐄𝐍


Sa pagsikat ng araw ay pagod na pagod ang aking buong katawan, mahapdi rin ang aking pagkababae. Hindi ko lubos akalain na nagawa naming dalawa ang bagay na iyon. Ang akala ko ay dahil sa lasing lang ito kaya nito iyon nasabi kagabi ngunit mukhang nagkamali ako. Dahil hindi paman ako nakakapagsalita ay kaagad na ako nitong sinibasib ng mapusok at marubdob na halik.

Noong una ay hindi ko pa alam kong ano ang dapat gawin, ngunit kalaunan ay tahasan ko ding tinugon iyon. Hanggang sa namalayan ko na lang ang sarili kong naku-kuntento habang inaangkin niya. At kaninang madaling araw nga ay tuluyan na akong napasakanya.

Kinagat ko ang aking pangibabang labi nang sumariwa sa aking ala-ala ang mga kaganapang nangyari kaninang madaling araw. Sandali kong pinakiramdaman ang aking sarili at kinapa kong may pagsisisi ba akong naramdaman ngunit wala, wala akong maramdamang iba maliban sa labis na kasiyahan at kuntento.

“Hmmm...Sweetie?” naramdaman ko ang pagpulupot ng mga braso nito sa aking baywang. Pinipigilan ako sa aking ambang pagbangon.

“Does it hurts...?”

Malambing ang boses nito ng itanong iyon. Mahihimigan mo ang labis na pag-aalala. Kaya naman napangiti ako at wala sa sariling pinatakan ito ng mabilis na halik sa pisngi. Mukhang nagulat pa ito sa ginawa ko ngunit wala namang sinabi, sa halip ay mas kinabig pa ako lalo upang mas mapalapit sa kanya.

“Mahapdi, pero kaya ko namang indahin hanggang sa tuluyan ng mawala yong kirot.” Sagot ko, pinapakiramdaman ang mga katawan naming hubad sa ilalim ng kumot. Nakitaan ko pa ng pulang mantsa ang puting kumot, ebidesya iyon na pagmamay-ari na niya ako, na siya ang nakauna sa akin.

Magaan niyang hinaplos ang aking kanang pisngi ng tingalain ko siya para lamang makita ang kanyang reaksyon. Nanghihina at makikitaan mo ng pagsisisi ang kanyang mga mata.

“I'm sorry...” mayat-maya pa'y aniya nito. Dahilan upang matigilan ako at hindi maiwasang magisip ng posibilidad na baka nagsisi siya sa pagangkin sa akin.

Sa isiping iyon ay kaagad na nagbago ang aking timpla. Humigpit ang hawak ko sa kumot at nagiwas ng sa kanya.

“Nagsisi ka na may nangyari sa atin.” mahinahon ngunit mariin kong aniya, sa pagkakasabi ko ay mahihimigan mo ang inis at kaunting gigil.

Narinig ko naman na' napasinghap ito. Hind maka paniwala. Saka ko naramdaman ang paghigpit ng hawak nito sa aking beywang. Binuhat niya ako at ipinaharap sa kanya, pinaupo ako sa kanyang kandungan.

Sumalubong sa akin hindi maipinta nitong mukha. Nakakunot ang kanyang noo habang magka salubong naman ang makakapal na kilay.

Wala sa sariling nagiwas ako ng tingin, ibinaling ko iyon sa kayang likuran kong saan kita sa malaking salamin ang sinag ng araw.

“That is not what I mean, Cha!” anito ngunit hindi ko siya tinignan. Nakikinig ako ngunit hindi ako tumitingin.

“What I mean is... I feel sorry for hurting you down there. I am not sorry for owning you. Hindi ako nagsisi sa pagangkin sayo. Hell! I even wanted more. More of your purity, Cha. But Dammit! you're in hurt right now, and it's all because of me,”

Napalunok ako at tuluyang tumingin sa kanya ng marinig ko ang kanyang paliwanag. Hindi ko akalain na iyon pala ang ibig nitong sabihin sa paghingi niya ng tawad. Kabaliktaran ng iniisip ko.

“I've penetrate you, so bad...” ani pa nito, habang mapungay ang mga matang sinalubong ang aking tingin.

“I'm sorry...”

Bumigat ang aking paghinga at muli akong napalunok habang nakatitig sa kanyang mapungay at abong mga mata. Hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi saka walang sabi-sabing sinibasib iyon ng mapusok na halik.

Mukhang nagulat pa ito sa naging hakbang ko dahil hindi agad ito nakagalaw sa kanyang pagkaka upo. Bahagya pang nanlalaki ang mga mata niya na parang hindi makapaniwala.

Nang maramdaman kong hindi parin gumagalaw ang mga labi nito upang salubungin ang aking halik ay inis kong iniwan ang labi niya at naiirita siyang tinignan.

“Bakit hindi mo tinutugonan ang halik ko, huh! Ako na nga itong umo-una ayaw mo pa!”

Kumurap-kurap siya na parang ngayon lang natauhan. Napalunok siya ng tingnan ako sa mata.

“S-sorry... I-it's just that. I am not used of seeing you, being this w-wil—”

Hindi ko na siya pinatapos at kaagad na sinunggaban ulit ng mariin na halik ang kanyang mga labi. “Shut up, and just depend my kiss.” ani ko, at ipinag patuloy ang paghalik sa kanya ng mariin.

Hindi naman ako nito binigo ng maramdaman ko ang mahigpit na pagpulupot ng mga kamay niya sa aking beywang.

“As you wished, sweetie...” anito sa gitna ng aming paghahalikan. Bahagyang napaawang ang mga labi ko ng pabigla at gigil nito iyong kinagat-kagat at sinipsip.

Mukhang tuluyan ko' na ngang napitid ang kanyang pisi.

Mahigpit na nakapulupot sa beywang ko ang mga braso niya kaya naman ng humiga siya sa kama ay natangay niya rin ako. Nasa ibabaw niya ako habang nasa ilalim ko naman siya.

Nasa ganon kaming posisyon ng bigla na lamang kumalam ang aking tiyan. Pariho kaming natigil sa ginagawa at napatingin sa tiyan kong pinanggalingan ng tunod.

Nahihiya akong nagangat ng tingin at sumalubong kaagad saakin ang hanggang ngyo'y mapungay paring mga mata ni Adron. Makikita mo doon ang labis na pagka bitin.

Hilaw ko siyang nginitian. “Siguro kumain muna tayo bago natin gawin 'yon.” aniko saka umalis sa pagkakapatong sa kanya at nagpatiuna ng umalis sa silid na iyon ng hindi siya nililingon.

Nakakahiya!

♘𝐽𝑒𝑠𝑚𝑎𝑛𝑖𝑐𝑣𝑒𝑟𝑜

Temporary MadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon