Chapter 13| Pain

489 148 21
                                    

|TEMPORARY MADNESS|

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐓𝐇𝐈𝐑𝐓𝐄𝐄𝐍


“Saan tayo pupunta?” tanong ko ng mapansing hindi ito ang daan patungo sa bahay ng mga magulang niya. Araw ng linggo ngayon at napag-pasyahan namin na bisitahin sa araw na ito ang mga magulang niya. Matagal-tagal na rin pala mula noong huli kong makita at makausap ang mag asawa.

Higit pa d'on ay gusto ko sanang makausap si tita, marami akong gustong e' bahagi sa kanya. Ukol na doon ang hanggang ngayo'y walang  kumpirmahang namamagitan sa aming dalawa ng anak niya.

Isang buwan narin ang lumipas simula nang may nangyari sa amin pero hanggang ngayon hindi ko parin alam kong ano na nga ba talaga ako sa buhay niya. Kong girlfriend O' Pansamantalang girlfriend parin ba. Wala naman din siyang sinabi na kami na, kaya nanatili na lamang akong tahimik at naghihintay sa kanyang kumpirmasyon.

Sinipat ko ito ng tingin nang hindi ito sumagot. Nanatili itong seryosong  nagmamaniho, ang mga matay nanatili paring nakatutok sa daan.

Simula ng matapos nitong makipagusap sa kong sino man sa telepuno, kani-kanina lamang ay ni hindi na ako nito nagawang kibuin. Labis akong nagtaka ngunit isinantabi ko na lamang iyon dahil baka hindi lang maganda ang gising niya sa araw na 'to.

Ngunit ngayon... habang pinagmamasdan ko siya ay bigla akong nakaramdam ng kahapisan nang makitang tila nakalimutan nito ang presensya ko, at malilim ang iniisip. Halata rin ang mabilis na pagmamanihu nito tila may hinahabol na oras.

Nagiwas ako nang tingin at kinagat ang aking pangibabang labi, pinipigilan ang mga tanong na gustong kumawala sa aking bibig na kanina pa bumabagabag sa aking isipan.

Ibinaling ko na lamang ang aking paningin at buong atensyon sa mga gusaling nadadaan namin upang sa gayon ay maiwasan ko ang kakaibang sakit na nararamdaman sa mga oras na lumilipas.

Ramdam ko rin na mukhang ayaw nitong makarinig ng kahit anong distraksyon, dahil halata naman na nagmamadali ito sa kong anong importante. Ni hindi nga ako nagawang sagutin o tapunan man lang ng mabilis na tingin.

Kaya naman hindi na ako nangahas pa na tanuning ito nang tumigil ang sasakyan sa isang pribadong ospital na kong saan ay taning mayayaman lamang ang may kakayahang makapasok.

Bukod pa d'on ay hindi narin naman ako nito hinintay na makakibo, dahil kaagad din naman itong lumabas ng sasakyan matapos maiparada sa tamang paradahan ng mga kotse ang kanyang Bugatti.

Dali-dali itong lumabas at patakbong tinungo ang intrada nang nasabing ospital, habang ako naman ay hindi makapaniwalang nakasunod ang tingin sa bulto niyang unti-unti nang nawawala sa aking paningin.

At ng tuluyan na nga itong maglaho ay natulala ako.  Hindi makapaniwalang iniwan lang niya ako doon na hindi man lang niyayang sumunod sa kanya O balingan man lang nang tingin.

Muli ay naramdaman ko na naman ang kakaibang sakit na lumulukob sa aking  dibdib, nagmistula iyong senyalis upang maging ang aking sigla ay nawala at napalitan ng panghihina.

Putol-putol akong napa buntong-hininga, ang aking nanginginig na kamay ay inilapat ko sa aking dibdib, kong saan banda ang aking puso. Saka ko iyon bahagyang sinuntok-suntok ng mahina. Nagbabaka-sakaling sa pamamagitan niyon ay mabawasan ang sakit.

Ngunit sa kabila niyon ay hindi ko parin magawang magalit sa kanya. Wala naman akong karapatan. Sa isip-isip ko ay siguro'y ay talagang importante ang taong nasa luob ng ospital at dahilan nang kanyang pagmamadali, kaya nakalimutan niyang may kasama siyang naiwan.

Siguro'y may masamang nangyari sa mga magulang niya. . .?

“Shit!”

Sa naisip ay bigla akong nataranta, paano nga kong may nangyaring masama kila tita, kaya imbes na sa bahay ng mga ito ay dito kami sa ospital dumiretso.

Dala-dala ang isiping paano nga kung ang mga mugulang nga nito ang 'na ospital ay, dali-dali akong lumabas ng sasakyan at patakbong tinungo rin ang intrada ng ospital.

Mabilis at halatang taranta ako sa aking bawat paghakbang. Nginitian ako ng guwardya ngunit hindi ko iyong nagawang suklian dahil sa pagmamadali.

Hindi narin ako nakapagtanong kong saang room dahil hindi paman ako nakakalapit ay kaagad ko ng namataan ang bulto ni Adron. Nakatalikod ito sa banda ko at may kausap na sa aking makiwari'y ay magasawa.

Tumango ang mga ito ka'y Adron. Saka tinapik ng matandang lalaki ang balikat niya, saka nila ito nilagpasan at nagpatiuna ng umalis sa kinaruruonan nito.

Nagkasalubong ko pa ang mag asawa sa aking paglalakad, ngunit hindi na nagtangkang tingnan pa  ang mga ito dahil nasa kay Adron lang ang aking buong atinsyon na ngayon ay pumasok sa isa sa mga kuwarto ng ospital.

Natigilan ako sa paglalakad. Ang kaninang nararamdaman ay napalitan ng pagtataka at kaba, sa hindi maipaliwanag na dahilan.

Nagtatalo ang isipan ko 'kong lalapit ba ako O hindi. Ngunit sa huli ay inihakbang ko rin ang mga paa patungo sa pinto kong saa nakita kong pinasok nito.

Hindi gaanong nakasara ang pinto kaya nasisilip ko kong sino-sino ang mga nasa luob. Wala akong ibang makita kundi si Adron lang 'na kagaya kanina ay nakatalikod parin sa banda ko at nakaharap sa hospital bed, dahilan kong bakit hindi ko makita ang nakahiga 'ron.

“You okay now...”

Magsitayuan ang balahibo ko sa katawan ng marinig ang napakalambing na boses ni Adron. Kita kong guma-galaw ang kamay niya, hinahaplos ang buhok ng pasyente.

“Umuhmm...”

Yun lang ang narinig kong tugon ng kanyang kausap. Matapos niyang halikan ang bun-bunan, pisngi, at ilong nito. Pagkatapos ay natigil siya.

Akala ko ay doon lang ngunit natigilan ako, kasabay ng pag lukob muli ng matinding sakit at panghihina sa sunod na ginawa ni Adron.

Sinakop niya ang mga labi nito ng may pagiingat, na para bang ang labi nito ay isang babasaging kistal na nararapat lang ingatan.

♘𝐽𝑒𝑠𝑚𝑎𝑛𝑖𝑐𝑣𝑒𝑟𝑜

Temporary MadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon