Chapter 14| Forgotten

389 108 10
                                    

|TEMPORARY MADNESS|

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐅𝐎𝐔𝐑𝐓𝐄𝐄𝐍


Totoo ngan'g lahat ng masasayang nararanasan ay may kapalit na kalungkutan. Ma'mumulat  ka nalang bigla, isa lang palang pansamantalang kabaliwan ang lahat ng iyong naramdaman.

Hindi ko lubos maisip na sa isang iglap ay ang makulay kong kaligayahan ay magiging blangko.

Masyado akong nagpadala sa mga matatamis na sandaling kapiling siya. Ni hindi ko man lang inalala ang mga binitawang pangako sa sarili, ng tinanggap ko ang alok niyang, dahilan upang tuluyan akong makapasok sa kanyang buhay. 

Tuloy, tuluyan kong naramdaman ang sakit ng pagibig. 

Tulala ako habang nakatingin sa kawalan, hindi alam kong babalik ba sa pinanggalingan O mananatili. Kong hihintayin pa siya O hindi na.

Gusto kong tumawa, hindi ko matanggap. Noong isang araw lang ay masaya pa kami, nagbibiruan at naglalandian sa buong araw. Tapos ngayon... biglang ganito?

Hindi parin siya lumalabas sa kwarto Hospital room noong babae. Kanina pa ako dito sa labas ng Ospital. Naka upo, giniginaw at gutom.

Hindi ko kinaya ang eksinang nasaksihan  kanina. Kaya mas pinili ko nalang lumabas at huwag na silang gambalain.

Hindi ako umiyak, tulala lang at hindi makapaniwala. Nanluluno ako at nasasaktan ngunit hindi ako umiyak. Siguro dahil, hindi parin ma proseso ng utak ko ang mga pangyayari? Hindi ko alam kong mayroon bang kami, ni Adron ngunit sa nasaksihan ko kanina ay nakumpirma kong, walang nga talagang relasyon na namamagitan saaming dalawa.

Hanggang kasangkapan niya lang ako. Pekeng girlfriend, na ipinapakilala niya sa kanyang mga magulang. At syempre parausan na rin.

Ginusto ko ang kabaliwan  nato kaya, wala akong dapat na ikagalit, wala akong karapatang masaktan. Pero heto't nasasaktan ako ng doble. Sinasabi ko na ngabang maling desisyon talaga ang pagpayag ko dito.

Nanatili ako sa labas ng Ospital, hinihintay si Adron at sasabay na ako sa kanya sa pag-uwi. Hindi ako pwedeng mag taxi, wala akong dalang pera. Pati cellphone ay di ko rin dala.

Kanina pa siya ron, Hindi ko alam kong tuluyan na niyang nakalimutan na may kasama siyang pumunta rito, O pre-occupied lang talaga siya doon sa babaeng kahalikan.

Hanggang sa mag alas dose na ay wala paring Adron na lumabas. Ang gutom na kanina pa iniinda ay mas lalong dumuble, sumabay pa ang pagod at lamig na kanina ko pa nararamdaman.

Halos mahulog na ang talukap ko sa mata ng may bigla na lamang kumalabit sa akin dahilan upang, mapabaligwas ako sa aking pagkakaupo.

Sa pagaakalang ang kanina pang hinihintay ang kumalabit ay dali-dali kong iniangat ang paningin ngunit gayon din ang pagka dismaya ng hindi ang inaasahan ang bumungad sa aking paningin.

“Ate Charmelia, you nga!” histirikal na sigaw ng kaharap. Napapikit naman ako sa tinis ng kanyang boses.

“Oh my god! akala ko ka same mo lang ng style ng clothing. You nga talaga. Anong gawa mo here, sa labas? It's so cold pa naman!”

“Okay lang ako, Summer. Saka may hinihintay lang ako kaya ako nandito.” Aniya ko, ngunit Napabuga rin ng hangin ng may kinuha itong winter jacket sa kanyang tooth bag na dala.

“Here, wear nalang this, para di mo ma feel ang super cold.”

Napailing ako at pilit tinanggihan ang jacket nang ilahad niya iyon sa aking harapan.

Ngunit sadyang matatag ang paninindigan ng kaharap. Nanlaki na lamang ang mga mata ko ng siya na mismo ang nag suot niyon sa akin.

Malaki ang winter jacket, kaya madali niya lamang iyong naisuot sa maliit kong katawan. Mukha tuloy akong Rolled Mascot sa jacket na suot.

Ngunit ito ng malaki. “Yan, di kana ma co-cold”

Napangiti din ako sa nakitang kasiyahan. Summer had been a Lady-Child Conyo Speaker, 20 na ito ngayon, ngunit tuwing naririto sa Pilipinas ay parang bata kong umasta, lalong-lalo na kapag nagsasalita ito. Ibang-iba ang peronalidad sa kanyang nakakatandang kapatid. Hindi ko nga rin inaasahan na makakasalamuha ko ito ngayon.

“Why pala your here, ate? And you're alone!”

Ani nito kaya ngumiti ako. “Nasabi ko na kanina, may hinihintay ako...” malumanay na aniya ko na ikinakunot naman ng noo nito.

“And? Who, naman?” tanong nito ngunit maya-maya pay napalaki ang mga mata.

“Baka boy, yan ate hah! na'ko, me sure na kapag na know yan ni kuya ma je-jealous 'yon. That jerk was obsessed pa naman to you.”

Nabitin ang ngiti ko sa ere sa narinig. Tama siya halos bakuran ako non, natatandaan ko pa noong highschool day's namin, noong nandito pa iyon sa pilipinas ay Para itong stalker kong maka sunod kahit nasaan ako.

Sa naisip ay napailing na lamang ako. Matagal na iyon. Siguro naman ay hindi na ito ang Sildon na nakilala ko noon.


•Writer's Note•
Summer has a story.
Entitled, Magkabilang Mundo.

♘𝐽𝑒𝑠𝑚𝑎𝑛𝑖𝑐𝑣𝑒𝑟𝑜

Temporary MadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon