Prologue

2.3K 43 0
                                    

"I love you!"


Nagulat ako sa sinabi niya. Napaawang na lang ang bibig ko sa mga salitang binitawan niya. He loves me? Totoo bang narinig ko?


"Huh?" I said. Di ako makapaniwala na those words - yung mga salitang yun - ay lumalabas sa bibig niya.


Lumapit siya sa akin and he cupped my face. "I said I love you!", he said. "Mahal kita, Chelsea!". Napatingin ako sa kanya. His eyes, full of emotions. I know na sincere siya sa mga sinasabi niya. Na totoo ang lahat ng sinasabi niya. "Chelsea, do you feel the same way?"


Matagal din akong nakatitig sa kanya. Kasabay nun ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Yung malamig kong pawis. Gosh! Bakit naman ako pagpapawisan ng ganito? Bukas naman ang damit ko sa likod! Mahangin naman sa labas!


I sighed. "I can't"


Kumunot noo ko. "What?" he said. "I know you love me. Kitang-kita ko. Naging masaya ka naman sa akin di ba?"


I smiled. "Yeah! I know. Masaya ako kapag kasama kita. Nandyan ka kapag kelangan ko. Lagi mong ino-offer yang balikat ko kung naiiyak ako. Pero kasi, di ko kaya! Di ko kaya!"


"Bakit?" he asked. "Because you still love him? Chels, di ka niya mahal. Kung mahal ka niya, dapat nandito siya. Dapat kasama mo siya ngayon. Pero nasaan siya? Wala di ba!"


"Hindi siya ang dahilan!" I spat out. "My God! Pwede ba! Tigilan niyo na nga sa akin yung ideya na yun! Ayoko na siyang maalala pa!"


"Eh ano, Chelsea!? Ano?!" he shouted. Ramdam ko yung galit niya. Tumitigas yung panga niya sa galit. Kasarado ang mga kamao niya at mabilis ang paghinga niya. "Yung rule mo ba? Yang tanginang rule mo?"


Napayuko ako. He is right! It is because of that rule.


Hinawakan niya yung balikat ko. "Tell me, Chelsea!" he said. "Dahil ba yun sa rule mo? Tell me!"


"OO!" I cried. "Dahil nga dun!". Bumilis ang pintig ng puso ko kasabay ng pagbuhos ng luha ko. "Ayoko munang mag-boyfriend kasi nakakasira lang yan ng buhay ko. Marami pa akong pangarap na gusto kong matupad. Para sa akin at sa pamilya ko"


"Kaya naman naten abutin yun e" he cupped my face. "Chelsea, di ako magiging hadlang sa mga plans mo. In fact, susuportahan kita. Sabay naten aabutin yung mga pangarap naten. You and me together. We can make it. Magagawa naten yun"


Bigla akong naalala. Yung time na yun. Yung mga pangakong yun. At ang taong yun. Pero anong nangyari?! Wala! Iniwan niya ako. Pinaglaruan lang pala niya ako! Ginagago!


Kumawala ako sa pagkakahawak niya. "Pinaniwalaan ko din yan mga pangako na yan. Pero wala e! Sawi pa rin. Ako pa rin ang mag-isa ang umaabot ng pangarap ko. Please! Sa iba mo na lang yan ibaling. Marami pang mas deserve sa overwhelming love na binibigay mo. Di ko kayang suklian yan"


I can feel na maiiyak siya. Shocks! Bakit ko ba binibigyan siya ng ganyang pain. Bakit ako pa?! Bakit ako pa na wala namang ginawa sa akin yung tao kundi pasayahin lang ako?! Bakit pa kasi ako!? "Do you love me? Mahal mo ba ako, Chelsea? Kasi ako, mahal kita. Mahal na mahal!"


Yun yung mga tanong na ayaw kong sagutin. Eto na yung araw na ayokong dumating. Dahil yung tanong na yun, yung di ko kayang sagutin. Di dahil di ko alam ang sagot kundi ayoko lang sagutin.


"Please!" I said. "Wag mo na akong pahirapan pa. Umalis ka na. Umalis ka na sa buhay ko"


"Fuck, Chelsea!" he cried. "Bakit mo yung sinasabi yung mga bagay na yan sa taong mahal ka?! Sa tingin mo ba kaya ko? Sa tingin mo ba ganun kadali lang yun sa akin? Sa hiling mong yan, parang sinabi mo na patayin ko na lang yung sarili ko. Ikaw ang buhay ko, Chels. Mamamatay ako kapag nawala ka sa akin!"


Mas lalo akong naiyak sa mga sinabi niya. Bakit ganun? Bakit nasasaktan din ako? Eto naman ang gusto ko. Ang lumayo siya sa akin. Bakit di ganun ang pakiramdam ko?


"I'm sorry" I said sabay hawak sa mukha niya. "I'm really, really, really sorry"


Hinawi niya agad ang mga kamay. Sakit! Pero deserve ko naman. Kulang pa yun sa sakit na binibigay ko sa kanya ngayon. I can see the pain sa kanya. Yung pain na yun, yun yung pain na ayaw mong danasin dahil sa sobrang sakit at di ko mo kayang i-handle. "Shit!" he cursed. "That fucking rule. Magsama kayo ng rule mo! ...



.... That fucking No Boyfriend Rule mo!" he walked away na puno ng galit sa akin.

The Princess' RuleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon