Epilogue

453 10 5
                                    

Busy ako na maglaro sa PS4 ni Sammy nang pumasok ng bahay si Luke at hingal na hingal. Nagulat ako sa pagpasok niya maging si Sammy at Manang Helen na nanunuod sa akin. Buti wala ang parents ko dito kundi napagalitan tong si Luke sa manners niya.

"Kelangan mong sumama sa akin. Now na!" he said.

"Bakit anong meron?!", kinakabahan ako sa sinasabi niya.

"Basta!" sabay hablot sa kamay ko. "Tara na!"

"Magbibihis muna ako!" sabi ko. Oversized white shirt and shorts lang suot ko. Medyo magulo din ang buhok ko.

"Wag na! Tara na!" Di na rin ako nakapagsalilta dahil halos kaladkarin ako ni Luke palabas ng bahay.

Paglabas ko, pumasok agad ako sa kotse na iniwan sa kanya ng kuya niya bago ito bumalik ng States.

"Ano bang meron?" tanong ko kasi kinakabahan na ako, Medyo mabilis din ang pagmamaneho ni Luke at di maganda ang hitsura niya which makes me more nervous.

"Basta!" sabi niya. "Malalaman mo din pagdating naten dun. Pero kelangan naten magmadali baka di naten maabutan"

"Yung ano?!" tanong ko.

"Basta! Tumahimik ka na dyan!" he said.

Halos nabugbog ko na si Luke para sabihin sa akin kung ano yung pinagmamadalian namen hanggang sa makarating kame ng school.

"Pumunta ka na sa gym. Magpapark lang ako!"

"Ano ba kasing meron?!"

"Pumunta ka na dun. BILIS!" halos pasigaw na si Luke kaya lumabas na ako ng kotse niya at tumakbo ako papuntang gym. Shocks! Kinakabahan na ako. Ano ba kasi to!

Nakarating na ako sa gym at hingal na hingal. Wala namang tao! Ano bang meron?

Pumasok at pumunta ako ng bleachers pero nagulat ako sa nakita ko.

Nakaupo siya sa pero wearing a black long sleeves and pants. Busy sa cellphone niya.

Naiiyak na ako dahil nakita ko siya. Naiiyak ako sa tuwa. Dun ko din napagtanto na sobra ko siyang namimiss.

Unti-unti akong lumapit sa kanya hanggang sa maramdaman niya ang presensya ko at tumingin sa akin. He looked so shock din. Pakana to ni Luke for sure.

Nanginginig akong palapit sa kanya. Nangingilid din ang mga luha.

Lumapit ako sa kanya hanggang sa magkatapat na kame.

"Hi" he said.

"Hi" I smiled.

"Ahm..." sabay kamot sa batok niya. "Congratulations pala sa graduation mo. Ilang step na lang at magiging teacher ka na"

"Thank you! Ka-kamusta?"

"Okay lang. Malapit ko na ding matapos yung pag-aaral ko. Lumipat ako ng course by the way. Architecture"

Naalala ko na bukod sa course namen, gusto ko din niya ang Architecture dahil nakahiligan niyan ang iba't-ibang structure ng bahay at buildings.

"Good! Alam ko naman na gusto mo rin ang Architecture e" I said. "Goodluck sa studies"

"Thank you!"

Natahimik kameng pareho. Marami akong gusto sabihin sa kanya pero di ko alam kung paano ko sisimulan. Di naman ako nakapaghanda dahil bigla akong kinaladkad ni Luke papunta dito.

"May sasabihin ako sa'yo" he said.

Huminga ako nang malalim. "Pwedeng ako muna"

Tumango siya sa akin.

Naalala ko yung sinabi ni Ara sa akin nung umiiyak ako nang parang tanga sa Skype call namen. SInabi ko sa kanila ang nangyari nung araw na yun.

Kapag nakita kayo ule, sabihin mo na yung gusto mong sabihin. Magsorry ka kung kelangan mong mag-sorry. Magsabi ka ng totoo sa kanya lalo na sa nararamdaman mo. Kapag dumating ang chance na masabi mo yun lahat, i-grab mo na. Para di ka magsisi ule nang ganyan.

"Marami akong gusto sabihin sayo mula nung umalis ka. Umalis ka sa buhay ko. I was so sad nung araw na yun. Tama nga sila. Malalaman mo lang halaga ng isang tao kapag nawala siya sa'yo. Ganun ang naramdaman ko nung umalis ka" I started to cry. "Dun ko na-realize na mahalaga ka sa akin, Dun ko lang nalaman na di ko kayang mawala ka sa buhay ko"

Pinahid ko ang luha ko dahil mukha akong loser.

"Dun ko lang nalaman na mahal kita. At hanggang ngayon, mahal pa din kita". Huminga ako nang malalim dahil nasabi ko na ang gusto kong sabihin. Gumaan ang pakiramdam ko dahil dun. "There! Nasabi ko na. Alis na ako"

Pahakbang na ako palayo sa kanya nang hawakan niya sa ako sa braso para pigilan.

"Sandali" he said. "May sasabihin pa ako di ba?"

Ay shocks! Oo nga pala!

"Gusto ko lang sabihin sayo na..." he began. "...na ang pangit ng suot. Anong klaseng suot yan?!"

"Si Luke kasi!" I said and he just laughed. "Pinagmadali niya ako"

"Tsaka.." he continued. "...to tell you na nagsisisi ako sa ginawa ko. Di dapat kita iniwan"

Tumango lang ako sa sinabi niya.

"Gustong sumabog ng puso ko araw-araw at gusto kitang puntahan at yakapin"

"Pero ngayon na nandyan ka na sa harapan ko, gusto kong sabihin sayo na mahal pa rin kita"

"Mahal na mahal kita, Chelsea Mangulabnan"

Dahil sa narinig ko, lumapit ako sa kanya at hinalikan siya. Shocks! Ang landi ko din! Ako pa talaga ang humalik at hindi siya. Di bale, okay lang. Di ko naman pinagsisihan.

I cupped his face and smiled while crying.







"I love you more, Apollo Mikhail Napenas!"

The Princess' RuleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon