Chapter 47

281 8 8
                                    

Chapter 47: Apology

"Okay! Yan na muna for today. But if kayang matapos ang tasks bago yung class naten, the better. Para mareview and magawan ng revision if necessary" sabi ng leader namen na si Janine.

First day ng class sa last subject ko at may group project na kame. Naisipan namen na magmeeting isang oras bago ang first class ko which favorable naman sa lahat kasi wala naman silang class nun. Yung buong row namen is magkakagrupo which means groupmate ko si Paul na mula kahapon is tahimik lang. Di ko alam kung focus lang talaga siya sa studies or what. Medyo awkward kasi e. Magkakilala kame pero parang first time lang kame nagkita sa room at di kame nag-uusap.

The worst part is, kame yung naatasan to do some research sa isang topic namen. Di ko alam kung paano sisimulan. Di ko alam kung paano ko kakausapin si Paul about dun. Haaay! Bahala na! Chat ko na lang siguro siya para di kame magkahiyaan ng personal.

"Kelan naten gagawin yung naka-assign sa atin?" tanong ni Paul. Nagulat ako nang magsalita siya. Nasa likod ko pa pala siya. Papunta na kasi ako sa class ko at karamihan sa mga kateam ko is di ko blocmate including him so I am expecting na may ibang class siya sa ibang building. Nakalimutan ko na pareho kame ng course.

Humarap ako sa kanya. Ang tangkad talaga niya. Tapos ang scent niya, ang bango. Gosh! Bakit ako ganito?!

"Yung two hours bago nung class naten or yung whole day tomorrow yung mga free time ko" I said.

"Janine needs our work mamaya" he said. Shocks! Oo nga pala. "Magkita na lang tayo bago yung class naten. Sa library na lang?"

"Alright"

Tumango lang siya at umalis. Tinignan ko lang siya na umalis. Hanggang ngayon, nararamdaman ko pa din yung awkwardness sa pagitan namen.

At bakit ba ako masyadong affected? Nung mga unang araw na magkakilala kame, halos tumalon ako sa saya kapag di ko siya nakikita pero ngayon, haay! Mababaliw na ako.

Halos mapahiyaw ako sa gulat nang may biglang umakbay sa akin. Si Migo pala.

"Problema mo?" He said. "Parang kang baliw!"

Oh gosh! Nag space out na naman siguro ako. Haay! Nakakabaliw naman kasi yung kinikilos ni Paul e.

Umiling ako. "Nothing" I said. "Medyo stressed out sa studies"

He smiled. "Kakasimula pa lang ng klase, stressed ka na agad dyan" he began. "Wala pa nga tayo sa exams e. Tara na nga at baka malate pa tayo"

Tumango ako at pumasok sa loob ng room.

I tried to concentrate sa discussion pero pumapasok pa rin sa utak ko si Paul. Grr! Nakakainis! Buti na lang walang recitation at baka wala akong masagot dahil super space out ako.

"Okay ka lang?" Tanong ni Migo habang kumakain. "Kanina ka pa tulala dyan"

Umiling ako. "No. Iniisip ko lang yung group project ko sa last subject"

"Mahirap ba?" He asked. "Tulungan kita"

Umiling agad ako. Napakunot noo ni Migo. "Wag na! I can handle this"

"O-okay" he said. "By the way, wala yung prof ko sa last subject ko which is free time mo. Kain tayo sa labas later?"

I sighed. "I can't" I said. "Kelangan kong tapusin ang group project namen. Mamaya kelangan ang draft e"

"Mukhang mahirap nga yang project niyo a" he commented. "Or baka terror yung prof niyo"

"Mahirap lang talaga yung project namen"

The Princess' RuleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon