Chapter 28

365 13 2
                                    

Christmas Party Part 2

Sumunod na dumating si Isay at madami siyang dala. Ganun pa rin ang hitsura niya maliban sa medyo nagka-MUSCLE siya at nag-iba siya ng hairstyle. He looks more matured.

"Everything is set?" he asked Pete na kasalukuyang nagbibigay ng instruction sa mga caterer.

"Yup" Pete said. "Konting ayos lang and we're good to you"

"Okay!" he said. "If you need help, just let me know"

I smiled. Di nawala sa kanya yung pagiging leader niya. He is very good at that.

"Di naman to school e. Bakit president pa rin ang feeling ko kay Isay?!" Yuri commented.

"I know right!" I laughed. Buti na lang at di lang ako ang nakapansin nun. After niyang ilagay yung mga regalo niya. Naki-join na rin siya sa usapan namen.

"Kamusta lovelife, Chels?" he asked. Grrr! Kelan ba matatapos tong usapang lovelife na yan?! Bakit ang big deal sa kanila nung lovelife ko. Di ba pwedeng lovelife niya yung pag-usapan.

I rolled my eyes. "Bakit ikaw?! Bakit wala ka pang girlfriend?!" irita kong tanong.

"Cause I have a boyfriend, Chels!" he said.

Natahimik kameng lahat sa sinabi ni Isay. Ano daw?! Boyfriend?! Oh gosh! Wag mong sabihin...

He burst out laughing. "Epic! Very epic!" he cried.

Hinampas ko siya sa braso. "Nakakainis ka! Akala ko revelation na!" I said.

He laughed. "Kahit kelan! Ang bilis mo paniwalain" he said. "Anyways, tutulong muna ako sa kanila. Baka kasi may kelangan pa silang gawin e"

Nainip na ako sa upuan kaya lumabas na muna ako at nagpahangin. May parang balcony sa place kaya dun ako nag-stay. I smiled. Ang ganda kasi ng view. Kitang kita mo ang buong syudad. May mga matataas na building. May mababa. Saan kaya ang bahay namen? Pilit ko naman hinahanap kung saan. Naghahanap ako ng maroon na bubong kasi ganun ang kulay ng bubong ng bahay namen. I smiled sa sarili ko. Mukha akong tanga sa ginawa. As if naman na mahahanap ko yung bahay namen sa liit at daming bubong na nakikita ko.

"Miss wag kang tatalon" sabi ng tao sa likod. Paglingon ko, si BJ pala. Naka-sweatshirt at ripped jeans. Siguro nga may costume talaga na di ko nalalaman. Halos bleached, faded or ripped jeans ang suot ng mga classmates ko.

Unti-unting lumnalapit sa akin si BJ suot-suot ang magandang ngiti niya. I remembered that smile nung una kong pasok sa section nila. Yun yung genuine na ngiti na nakuha ko. Kundi pagsusungit kasi ang nakuha ko, ngiting manyak naman. And yes, I am referring to Luke that time. Ngiti na parang hinuhuran ka.

Magkatabi na kame ngayon at parehong nakatingin sa magandang view. "Di ka pa dumadaan dun?" I asked.

"Dumaan na" He said habang nakatingin pa rin sa view. "Hinanap kita tapos may nakapagsabi na lumabas ka sandali. Alam ko na-boring-an ka sa loob kaya ka lumabas"

I rolled my eyes. Grabe naman siya! Judgmental agad! "Hindi kaya!"

"Ide-deny pa e. Alam naman namen na mainipin kang tao", he is still not looking at me.

I rolled my eyes. "Whatever!"

He just smiled at natahimik kameng pareho.

"Do you still remember yung rooftop nung high school?" BJ suddenly asked.

Kumunot noo ko. Bakit naman niya naalala yun? Inaasar ba ako ng mokong na to?!

Siguro nabasa niya yung nasa isip ko and dumipensa siya. "No! Di yung rofftop na yun!" he said. "The other rooftop. Yung nakita kitang umiyak..."

"...dahil feeling ko nun, di talaga ako bagay sa section niyo nun", I continued.

He smiled. "Yeah!" humarap siya sa akin. "But you proved us na mali sila sa tingin nila sayo". I just smiled at natahimik. "Ang pogi kasi ng boyfriend mo" Hindi niya natapos dahil alam naman niya na taboo ang topic na yun. Pero wala na akong pakialam dun. Nakamove on naman na ako. "I mean ex mo. Sorry!"

I just smiled at him. "Wala na yun. Matagal nang nangyari yun"

"Good to hear na naka-move on ka na" he said. "you can move forward na"

Ngumiti lang ako at tinignan ang tanawin kasabay ang paglakas ng malamig na hangin.

"Tell me" he said. Napatingin din ako sa kanya. "Sino ang nagpamove on sayo? Si Paul or si Migo?"

I rolled my eyes. "Chismoso ka talaga!" I said and he laughed. "Grabe ka! Di ba pwede sa sarili ko lang ang may dahilan kung bakit ako nakamove-on?"

"Yeah! Pwede din naman" he said. "Pero wala talagang Migo or Paul na tumulong"

"Tigilan mo na yan!" I said. "Ikaw nga e! May di ka pa pinapakilala sa akin"

"Soon, Chels. Soon" he said.

"Bakit di mo siya sinama dito?" I asked.

"Family matters" he said.

"Okay." I said. "Balik na tayo sa loob". Tumango na siya at bumalik na kame sa loob.

Pagpasok ko, nagulat ako sa nakita ko. Sa sulok ng venue, nandun si Ara and Chuck - magka-holding hands pa sila at masaya silang nag-uusap. Akala ko naghiwalay ang dalawang to?!

I was about to ask BJ when he spoke. "Sila na pala. Nice!"

"Since when?"

He shrugged. "I don't know" he said. "Ngayon ko lang din nalaman e"

Umalis si BJ para makipag usap sa iba naming classmate at ako naman dumiretso sa lugar nila Ara and Chuck. Nang makalapit na ako, lumingon sila sa akin and ngumiti.

"What's going on?" I asked.

At kinuwento nila sa akin ng nangyari. Basta ang nalaman ko lang is narealize nila pareho na mahal pa nila ang isa't isa. Masaya naman ako para sa kanila pero naiisip ko nyung iyak at sakit nun ni Ara, nag-aalangan ako sa pagbabalikan nila. Pero sino ba naman ako para hadlangan ang pagmamahalan nila. Kung saan sila masaya, nandun ako. Ganun ang tunay na kaibigan.

I feel na nag-vibrate sa cellphone ko and I received a text from Migo.

Migo Suarez: Asan ka?

I was about to send a reply nang magtawag na si Isay para magtipon tipon na kame. Well, eto na ang magic ni Isay sa amin at napapasunod na niya kame agad.At yun na ang start ng party namen.

Napalingon ule ako kila Ara and Chuck. They are looking at each other and smiling. Those eyes. Yung parang ikaw lang ang bagay na nakikita niya at di napapansin ang iba sa paligid. Yung mga matang gusto mong makita araw-araw. I saw it before pero ayaw ko nang maalala. But deep inside my heart, I want to see those eyes again. Like a world to me.

I smiled. Siguro nga, totoo pa rin ang true love sa mundo.

The Princess' RuleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon