Chapter 13

469 14 0
                                    

Migo Suarez

Cramming. Eto yung ayaw na ayaw ko kapag nag-aaral. Ayokong nagmamadali sa paggawa ng kung ano dahil di ako nakakapag-isip. Kapag minadali ko ang isang bagay, parang di ko binigay yung best ko para dun. Gusto ko kasi na lahat ng projects and presentation na ginagawa ko, maging ang assignments, the best para ang grades ko ay the best din. Gosh! Bakit ko nakalimutan ang isang to!

Nandito ako ngayon sa park para gumawa ng assignments. Ayoko nang maglakad papuntang library dahil ang layo at saying sa oras. Di na ako kumain para lang gumawa ng assignments na to! Gosh! Di pa rin ako makapaniwala na nakalimutan ko to! Di pa naman ako pumapalya pagdating sa pagtanda ng mga dapat kong gawin! Gosh talaga!

"Mangulabnan!" sigaw ng isang lalaki. Duh?! Sa boses pa lang, alam ko na lalaki yung tumawag sa akin. I narrowed my eyes nang makita ko kung sino ang tumawag sa akin. Si Migo Suarez - ang pinakamalakas mang-asar at ang pinaka-playboy sa kanya. Well, he can get the second dahil may hitsura naman ang mokong na yun. Yun nga lang, medyo bully at malakas mang-asar. "Anong ginagawa mo dito?"

Kapag walang maasar itong si Suarez at nandun ako sa loob ng classroom, ako ang kinakantiyawan niya. Ang lakas manggulo ng buhok. Minsan nakakainis na siya. Ang hirap kayang ayusin ang buhok ko! "Wala ka nang pakialam, Suarez! Busy ako ngayon! Sa ibang araw mo na lang ako asarin! Wala akong time ngayon", I said.

He smirked. Naalala ko si Luke sa kanya kapag ginagawa niya yun. "Mangulabnan" he began. "Sino nagsabi sayo na aasarin kita today? Gusto ko lang makipag-kwentuhan sa'yo"

I rolled my eyes. "As if maniniwala ako sa'yo, Suarez!" I said. "Kung wala ka naman matinong sasabihin, pwede bang umalis ka na nga! Busy ako today!"

"Ouch!" sabay hawak sa dibdib na parang nasaktan. "Grabe ka naman! Makikipagkwentuhan lang naman ako dito" Then, napatingin siya sa nakakalat na notebook at libro ko. "Or, I can help you sa kung ano ang ginagawa mo. Ano ba yan?" Tinititigan ko siya. Di ko alam kung seryoso ba siya sa sinasabi niya or hindi e. But, I have no choice. I need help na talaga. So sighed and pinakita ang notebook ko sa kanya. He narrowed his eyes and he smiled. "Natapos ko na yan" he said. "You want to see my answers?" and I nodded desperately. "Pero in one condition", he smirked.

I rolled my eyes. Sabi na e! Di naman to mag-o-offer ng ganito kung walang kelangan sa akin. Nakakainis talaga siya! Pero I don't have a choice. Ilang minuto na lang ang next class ko na. Di ko pa tapos ang assignment ko. "Fine! Ano yung condition?" I asked.

He smiled. "Simple lang" he crossed his arms. "Be my partner sa last subject naten"

"Di ba may partner nang pinasa kay Ma'am Fresnosa?" I said. "Di na pwedeng mag-iba ng partner!"

"Ako bahala dun" he said. "All I need is your approval"

"But how about Jessica?" I asked. "And my partner Carlo?"

"Eh di sila yung mag-partner" he said. "Honestly, nabuburyo ako sa kadramahan ni Jessica everytime na magkasama kame. She's being too childish na. I can't handle that. Kahit ganito ako, I care about my studies pa rin"

"Jessica is your girlfriend, right?" I asked.

"Not anymore" he said. "Matapos niyang ipagkalat na she dumped me when in fact, she cheated on me with my friend"

I rolled my eyes. Migo and his ego talaga! "Fine!" I said. "But I need to talk to Carlo muna. I need to explain to him kahit papaano. I hope he'll understand naman"

"No problem" he said. "So it's a deal?"

I sighed. "I have no choice" I said. "Yes! It's a deal!"

The Princess' RuleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon