Chapter 4

634 17 0
                                    

LunchBreak

Bumungad sa akin ang mukha ni Paul paglabas ko sa room namen.Hanggang tenga ang ngiti niya nang makita ako. Bwisit na mukha yan!


"Mauna na ako a", Angel said. "See you tomorrow!"


"See you", I smiled at umalis na si Angel. After nun, tinignan ko nang masama si Paul na hanggang ngayon, nakangiti pa rin. "Anong ginagawa mo dito?!"


Bigla niyang pinamulsa yung kamay niya sa pantalon niya. "Lunch na kaya", he said.


Tinaasan ko siya ng kilay. "Ano naman kung lunch na?"


He smirked. Geez! That smirk! "Nakalimutan na niya!", he said. "Sabay tayo mag-lunch remember?"


Geez! Oo nga pala. According sa kanya, sasabay ako ng lunch ngayon. Sinabi pala niya sa akin yun. Pero di ba niya naiintindihan na ayokong makasabay siya? Di ba siya makaintindi? Ang kulit naman talaga nito!


I sighed and talked to him calmly. Baka sa ganun, maintindihan niya. "Mr. Mikhail Apollo Napenas", I said. "Ayoko kita kasabay mag-lunch. Ayokong makita rin ang pagmumukha mo! So please! Lubayan mo muna ako. Mas tahimik ang buhay ko kung wala ka!"


He laughed at umiling-iling. "Haay nako! Ms. Chelsea Mangulabnan", he said. "I'm persistent you know. At tsaka malinaw ko naman na sinabi na di yun pakiusap. Utos yun. So sasama kasa akin whether you like it or not"


I rubbed my temples. Naiinis na naman ako. Di ba niya gets? Naasar lang ako. "Paul, di ako sasabay sa'yo!", I said. "At tsaka paano mo nalaman full name ko?!"


"I have my sources", he said.


I rolled my eyes. "Ewan ko sa'yo!", at nagsimulang maglakad palabas. Suddenly, biglang may humawak ng braso ko at napahinto akosa paglalakad. Paglingon ko, si Paul pa rin. Grr! "Ano bang kelangan mo?!", I said. "Bitawan mo nga ako!"


"Nope!", he smiled. "Sasabay ka nga sa akin maglunch! Bakit ang kulit mo?!"


Pilit kong kumawala sa kamay niya pero ang higpit ng pagkakahawak niya sa braso ko. Dahil na rin siguro sa kulit ko, bigla niya akong binuhat na parang sako lang ng bigas.


"Ibaba mo nga ako!", I said pero wala siyang naririnig. "Ano ba?! Bingi ka ba? Ang sabi ko, ibaba mo ko!"


Ilang minuto ang nakalipas at nakarating kame sa parking lot. Binaba na rin niya ako.


"Get in", he said.


"Ano?!", I said. "Ayoko nga!"


"I said get in!", he said. He became serious. Yan na naman yung mukha niyang yun. Nakakabanas! Wala akong magawa kundi sumunod at pumasok sa loob. Grabe din naman kasi yung hitsura niya! Parang si daddy lang kapag nagagalit. As in mapapasunod ka.


Pumasok na rin siya sa loob ng kotse at nagsimulang mag-drive. Tahimik lang kame sa loob. Kapag sumusulyap ako, di naman siya nakatingin sa akin at seryoso talaga siya. Di ko alam kung galit siya or hindi. Pero bakit siya magagalit? Siya naman ang nagpumilit sa akin na sumama sa kanya. Dapat nga ako pa ang magalit ngayon e. Pero bakit di ganun ang pakiramdam ko at parang nakokonsensya pa ako.


Huminto kame sa isang kainan. Di siya familiar at di ko rin alam yung place. Pero mukhang kaunti lang ang kumakain dito.


"We're here na!", he said at lumabas na siya ng kotse. Kumunot noo ko. Parang may kulang sa mukha niya - yung ngiti niya. Parang ibang tao ang kaharap kapag di siya ngumingiti.


The Princess' RuleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon