Chapter 32

359 8 2
                                    

Chapter 32: New Year

Christmas break is over at first day na ng school classes ngayong taon. I'm walking like a zombie papasok ng school dahil kalahati ng paa ko is gusto pang matulog at magbakasyon. Medyo napuyat din ako kagabi dahil nag aral ako ng mga topics na pwedeng idiscuss ngayon. Mahirap nang mahuli sa discussion mamaya or baka magkaroon ng biglaan ang recitation. Ginagawa din yun ng mga teachers kapag sinasaltik sila.

Ramdam mo sa classroom namen ang hangover ng Christmas break. Kung di nakasubsob ang mukha sa desk, lutang naman. Meron namang iba na busy kakakwento ng nangyari sa bakasyon nila or kung ano ang hinanda nila nung Pasko at Bagong Taon.

Naulit ang kwentuhan nang dumating ang unang prof at tulad namen, di pa siya ready magturo at nakipagkwentuhan lang siya sa amin.

Mukhang ganun ang mangyayari sa buong period na to so pasimple kong sinubsob ang mukha ko sa desk at sumimpleng natulog.

"Hey pretty!" di pa man ako nakakaisang minuto, ginulo na ako ni Migo.

Inangat ko mukha ko. "What?" tamad kong sabi.

He cringed. "Nagpuyat ka ba kagabi? Mukha kang pagod"

Umayos ako ng upo. "Medyo. Nagreview lang ako ng mga topics..."

"Wow! Ang sipag!"

"Naman! At tsaka, nakakabitin ang bakasyon"

He laughed. Buti sumabay sa joke ni sir. Ang lakas pa naman ng tawa nun.

Hinampas ko siya. "Hinaan mo nga tawa mo" I whispered.

"Sorry. sorry" sabi niya. "Nakakatawa kasi yung pagkakabanggit mo nung 'nakakabitin ang bakasyon'" he mimicked me and I rolled my eyes. "Di lang ako sanay na sinasabi mo yan"

"Whatever!" I said and sinubsob ko ule mukha ko. "Just leave me alone and hayaan mo muna ako matulog"

"Nah" he said and nilapag niya yung kamay niya sa buhok ko at parang kinakamot niya yun. Gusto kong hawiin pero nakakarelax e. "Babatanyan kita. Baka makita ka ni sir at pagalitan ka"

Di na ako umiling pa dahil narerelax ako sa ginagawa niya.

Di ko namalayan na nakatulog na ako nang gisingin niya ako dahil breaktime na namen. Buti na lang at same room yung first two classes ko. "Tara break!" he said.

"I'm sorry pero may nagyaya sa akin din e" I said. "Si Angel. Remember him? Or her?"

"Yes. I remember him" he said. "Or her". We both laughed. "Bakit ka daw niya niyayayang kumain?"

"Namimiss daw niya ako" I said. "Namimiss ko rin naman siya. Wala. Catch-up catch-up lang"

He sighed. "Sayang naman yung baon kong fruits"

"Sa takaw mong yan" I said. "I'm sure na isang slice ng apple lang makakain ko"

"Baliw! Diet ako!"

"Weeh?! Walang naniniwala, Migo!"

"Kelan ka pa naniwala sa akin" he said. "The last time na nagsabi ako ng totoo. Binatukan mo pa ako"

I remember that scene. Dinala niya ako sa isang restaurant nung last Saturday ng bakasyon. Halos kakakauwi lang niya nun  galing Cebu. Out of nowhere, bigla niyang sinabi na mahal niya ako at seryoso siyang ligawan ako. Sino ba naman ang di mababatukan nun?!

"Abnoy ka kasi" I said. "Bakit di ka sumabay sa mga friends mo?"

Umiling siya. "Sa labas kakain yung mga yun. Nakakatamad lumabas e. Sama na lang ako sa inyo"

The Princess' RuleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon