Chapter 5

654 17 0
                                    

Are you willing to move on?

Ano yung strange feeling na yun? But I am sure na naramdaman ko na siya before. Strange lang siya because ngayon ko ule yun naramdaman pero di ko naman alam kung kelan at saan ko to naramdaman. Maaga akong nagising ngayong araw para mag-jogging pero di ko nagawa. Naguguluhan na kasi ako. Lalo na yung strange feeling na yun. Kahit sinasabi ko na dedmahin ko na lang, di ko magawa! Haay! Naguguluhan na ako!

Tumayo na lang ako at sumabay sa pagkain ng almusal. Pagbaba ko, kumpleto na sila sa hapag. At ako na lang ang hinihintay. My dad is busy reading newspapers and my mom ay busy sa pag-aasikaso kay Sammy while Sammy, naiinis sa trato sa kanya ni mommy. Malaki na ang pinagbago ni Sammy. Grade 2 na siya this year. He is not the Sammy na sweet and bubbly noon. He is a pain in the ass na! Lagi na lang niya ako binu-bully. Lagi niyang sinasabi na malaki na siya and should not be treated as a baby brother. Yun na lang ang panabla ko sa kanya kapag inaasar niya. And that is the reason why is being annoyed kapag inaalagaan pa siya ni mommy like a baby.

"Mom!" Sammy cried out. "Kaya ko nang maghimay ng isda!"

"Oh baby brother!" I teased and he gave me a death glare. "The last time na naghimay ka ng isda, lahat kame is binulabog mo dahil natinik ka"

"Bangus naman kasi yun ate!" Sammy pointed out. "Ang dami kaya nung tinik!"

"Whatever! You're still a baby" sabay belat.

"Mommy o! Inaaway na naman ako ni ate", sumbong ni Sammy.

"Baby lang ang nagsusumbong sa magulang", gatong ko. Sammy gave a death glare and nagsumbong kay mommy.

"Tigil niyo na yan" sabay baba ng dyaryo ni daddy. Seryoso na naman si daddy and di mo malalaman kung galit na ba or he is just giving us a warning. Tumahimik na lang ako. This would be the safest thing to do. Ganun din ang ginawa ni Sammy but he is still glaring at me.

I smirked and kumain na. Gosh! Ang sarap ng pagkain sa hapag. Sinangag, tapos pritong isda. Dinagdagan pa ni omelet at hotdog. Napansin ko na wala si Angela.

"Manang" tawag ko. "Nasaan po si Angela?"

Manang smiled. "Nasa school iha" she said. "Maaga siyang gumising para pumasok dahil may pinaghahandaan siyang reporting". Angela is studying sa isang state university. She's taking a tourism course. Bagay naman sa kanya dahil ang ganda niya. Pagdududahan ko pa ba ang kagandahan ng Ms Campus two years ago?! Siyempre hindi na!

Tumango na lang ako at kumain. Suddenly, biglang may naalala akong lakad. Today is Saturday at wala akong classes ngayon. A great opportunity para bisitahin si Pons. Ang tagal na din yung huling dalaw ko sa kanya and namimiss ko na siya. Marami akong ikukwento sa kanya.

"Siya nga pala, mommy" sabay tingin sa akin ni mommy. Napababa ng dyaryo si daddy. "Dadalawin ko po pala si Pons sa ospital. Tapos na po ang lahat ng assginments ko and wala naman akong gagawin sa bahay. Sana po payagan niyo ako"

My mom smiled. "Of course naman, anak!" she said. "Pinapayagan ka namen na dumalaw kay Pons. Kilala namen yung batang yun. Wala namang masama kung pupunta ka dun. Right hon?"

Lahat kame ay napatingin kay daddy. Siya kasi talaga ang may final say. Siya yung may hawak ng desisyon kung papaya siya or hindi.

Nagkaroon ako ng pag-asa when he smiled. "Of course, iha!" he said. I smiled and napalakpak ako sa sobrang tuwa. "Sino kasama mong pumunta dun?"

"Si BJ po" I said. Tumango lang siya at tinuon ang sarili sa binabasang dyaryo.

Umakyat na ako after kong kumain para makapaghanda sa lakad. But before that, I texted BJ kung saan kame magkikita. Suddenly, nag-vibrate ang phone ko.

The Princess' RuleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon