Chapter 29

412 11 5
                                    

Shookt

“Sigurado ka na di ka sasabay?”, aya ni BJ. Tapos na ang Christmas party namen at obviously, uwian na namen.  Yung iba, nagpasyang ipagpatuloy ang kasiyahan pero ako, inaantok na ako. Uuwi na ako mag-isa.

I smiled. “Ayos lang ako” I said. “Nagbook na ako sa Uber”

Okay naman akong umuwing mag-isa. May dala-dala naman akong pepper spray at may alam naman akong pang-self defense. Maliwanag naman din sa labas at naniniwala pa rin ako sa kabutihan ng mga tao. Gosh! Nag-Uber naman na din ako and safe naman yun sakyan. Wala pa akong nababalitaang issue sa Uber when it comes sa safety.

As usual, yung mga girls are kasama nila yung mga boyfriends nila. Haay!

“Magboyfriend ka na rin kasi!” pahabol asar ni Yuri sa akin. I pouted my lips. Di ko naman kelangan ng boyfriend ngayon a! Kaya ko naman sarili ko. Kainis talaga yun si Yuri! Hanggang ngayon, binubully pa rin niya ako.

“Whatever!” I rolled my eyes. He just laughed at sumabay sa loob ng kotse ni Isay. Unti-unti na silang umaalis maliban kay BJ.

“Bakit ka pa nandito?” tanong ko.

“Baliw ka ba?!” he said na parang di siya makapaniwala na lalabas yun sa bibig ko. “Malamang hinihintay kang makasakay”

“Wag na!” I said. “Baka magalit ang date mo”

Umiling siya. “Nah!” he crossed his arms. “She’ll understand naman for sure. Baka nga maging proud pa yun sa akin kasi naging gentleman ako e”

“Kapal a”

“Pero seriously, she’ll understand” he smiled.

“Okay”, tumango ako. Natahimik kame sandali. Busy na si BJ sa cellphone niya. Nag-busy-busyhan na rin ako sa cellphone at nagbrowse lang ng FB

“Magboyfriend ka na kasi” he said.

“Huh?”

“Ang sabi ko. Magboyfriend ka na”

“Bigyan mo ko ng valid na dahilan para sundin kita” I challenged him and crossed my arms.

“Para may naghahatid at sundo sayo” he said. “Para di na kame nag-aalala. Tulad ngayon, mag-isa kang uuwi tapos di ka pa nagpapahatid sa inyo”

I rolled my eyes. “Lame reason”

“Pero seriously, magboyfriend ka na”

“Parang nabibili lang sa grocery ang boyfriend a”

He laughed. “Okay. Pero magboyfriend ka na”

“Kulit!” I said. “O siya bukas na bukas. Magpapakilala na ako ng boyfriend”

Umiling iling siya. “Baliw!”

Tahimik kame sandali hanggang sa may humintong sasakyan sa harapan namen.

“Finally!”, I murmured. Dumating na yung Uber ko. Black Toyota Vios. Mukhang nice naman ang driver na nasakyan ko base sa picture niya sa Uber app. Tantya ko na nasa mid 30s pa siya. He is wearing a white polo shirt and brown shorts. Suot din niya yung red shoes na tantay ko is Vans. He smiled nang makita ako. Ang bait niyang tignan nung ngumiti siya kaya napanatag din ako.

I looked at BJ and waved goodbye. “Alis na ako. Enjoy sa date mo”

“Okay ingat!” he said. “Magtext ka na lang kapag nasa bahay ka na”

“Okay” I said at sumakay na ako sa loob. Pagbukas ko ng backseat. Maraming gamit ang nakatambak. At base sa picture sa kahon, mga gamit pang-baby ang nasa loob.

The Princess' RuleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon