Chapter 37

230 8 0
                                    

Educ Book

Everyday is now different simula nung pumayag akong magpaligaw kay Migo. I always feel his presence. He never fails na pasayahin ako at gawing special ang lahat.

Just giving you a sneak peek sa magiging buhay mo kapag ako na ang boyfriend mo

Yan yung lines na binitawan niya nung tinanong ko siya about this. With this whole thing, iba sa pakiramdam. Ang tagal na din. Ang tagal na din nung last time na naranasan ko to. Yung feeling mo ang ganda ganda mo dahil sa treatment na binibigay sayo.

Sometimes mararamdaman mo na lang na gusto mo yung feeling na yun kapag andyan na.

"What's your plan this weekend?" Migo asked habang naglalakad papunta ng classroom namen. "Valentines day na sa Saturday. Di mo ba ako tatanungin for a date?"

Nahampas ko siya sa balikat. "Kapal ng mukha mo! Mag aaral na lang ako!"

I heard him tss-ed. "Boring mo!" he commented.

"Eh di wag ka nang manligaw" I responded.

"Nah!" he said. He wrapped his right arm around my neck. "I'm just joking. Kailanman di ako mabo-boring. I'm always interested sayo"

Yan na naman yung mga baon niyang pasabog. Buti na lang di niya masyadong napapansin ang mukha ko na feeling is namumula dahil sa sinabi niya. Napangiti din ako sa sinabi niya.

Di na ako sumagot sa sinabi niya. Ramdam naman niya siguro yung kilig ko. Nagpatuloy lang kame sa paglalakad pero ang kulit pa din ng mokong.

"Pero libre ka naman this Saturday no?" he asked.

"Mag aaral nga ako"

Kumawala siya sa akin at saka tumayo sa harap ko. Ayun, tumigil din ako sa paglalakad. "Seryoso ba yan?" he said in disbelief. "You still have yung Sunday to do that e. Date naman tayo. Valentines o!"

Parang siyang bata. Actually, I'm just trying to annoy him. Ramdam ko naman na yayain niya ako ng Valentines e. Mula nung nag-Feb 1, di na niya ako tinigilan na sabihan na i-free ko ang sched ko sa Valentines. Halos araw-araw niyang ginagawa yun. Minsan nakakairita to the fact na tumatango ako kapag sinasabi niya yun. Wala naman talaga akong gagawin ng Valentines e. Madalas nanunuod lang ako ng movies or nag aaral.

"Oo na!" I said bago pa man yugyugin ako ng tao na to para sumagot na ako.

"Napipilitan"

"Ayaw mo ba?"

He smiled and hugged me. "Joke lang. Siyempre gusto!"

Kumawala ako sa hug niya dahil malapit na kame sa room. Parang ang layo ng room namen at ang daming oras ang nasayang sa paglalakad. Si Migo kasi.

Di pa ako nakakatapak ng hagdan nang hawakan niya ang kamay ko. I looked at him and arched my brows. Yung totoo! Kelan kame makakapasok ng room?!

"Wag mo kong sasagutin ng Valentines a" he said.

I rolled my eyes. Baliw! "Di pa ako 18 so wag kang ano dyan!"

Nilinaw ko sa kanya na di ako magkakaroon ng boyfriend habang 17 pa ako. Di ko na nga nagawa rule ko e. At least may nagawa naman akong something about it. He understands naman kaya di naging issue sa amin yun.

Finally, nakarating na kame ng room. Daming chuchu kasi neto ni Migo e! Dapat sana kanina pa ako nasa upuan ko at nagbabasa ng notes. Dumiretso agad si Migo sa mga friends niya at ako naman is pumunta sa upuan ko sa likod.

Nakasalubong ko si Louise. I said 'Hi' but she responded me with a smile. Was that a cold treatment? Or baka guni-guni ko lang? Hinayaan ko na lang at umupo para magbasa.

The Princess' RuleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon