Chapter 30

377 8 1
                                    

Chapter 30: Christmas Eve

Nasa punto ako ngayon na gusto kong iuntog ang ulo ko sa anumang matitigas na bagay na nakikita to lalo na kapag naiisip ko yung nangyari kagabi. Tapos bigla kong maaalala yung mukha ni Migo ung sinabi ko na 'Merry Christmas'. Bakas sa mukha niya yung word na 'Seriously?!'. Gosh talaga! Sinubsob ko na lang ule yung mukha ko sa unan. Matagal ko ding ginawa yun at pilit na tinatanggal ang nangyari kagabi sa utak ko. Suddenly, tumunog ang cellphone ko.

Migo Suarez calling ..

Bigla akong kinabahan sa tawag niya. Tapos parang tumataas ang dugo ko sa mukha ko. Gosh! Naalala ko na naman yung nangyari kagabi. May ilalagay na ako sa 'Most Embrassing Moment' once may napag-sulat sa akin sa slum note nila.

Sa tagal kong tinititigan yung cellphone ko at ang tawag ni Migo, di ko namalayan na nag-end na yung ring at may isang missed call na ako. Gosh! Di ko kasi alam kung paano kakausapin si Migo e.

Kesa sa mabaliw ako sa kwarto ko, bumaba na lang ako.

Nadatnan ko na lang na makalat sa hapag at busy ang lahat. Today is December 24. Christmas eve na. Busy na naman ang lahat sa paghahanda sa Noche Buena. Excited na ako sa araw na to. Yung tipong magsisimba kame lahat tapos uuwi kame para sabay-sabay kameng kakain tapos magbibigayan ng mga regalo.

Lumabas si mommy galing kusina at may dala-dalang lalagyan. Sa loob nun is yung lutong spaghetti noodles.

"Kumain ka na ba anak?", my mommy asked.

I smiled at umiling. "Di pa naman ako gutom" I said. "May maitutulong ba ako?"

Nilapag niya yung hawak hawak niya at lumingon sa akin arching her brows. "Okay ka lang?" she asked. "Parang ang tamlay mo"

"No! I'm okay" I said. "So ano pong gagawin ko?"

Natihimik sandali si mommy. "Actually, patapos na kame ni Manang Helen. So, okay na kame. Ikaw?! Baka gusto mong lumabas labas para makagala ka naman"

Actually, mommy gave me an awesome idea. I smiled and nodded. "Si Angela?" I asked.

Sakto naman na lumabas si Manang Helen. "Umalis na! Sinundo dito ni Luke dahil dun daw magtanghalian kasama ang family nila"

Naalala ko nga na sinabi ni Luke yun sa akin. Balak niyang yayain si Angela na mag-lunch sa bahay nila dahil di naman sila sa bahay nila magse-celebrate ng Christmas. Baka umalis sila somewhere or sa Batangas kung saan nandun yung lolo at lola niya.

Tumango na lang ako at umakyat ule sa kwarto. Baka tama nga si mommy, kelangan kong lumabas para mawala tong naiisip ko. Gosh! Naalala ko na naman!

Nag-settle na lang ako sa checkered na polo tapos bleached ripped jeans na tinernuhan ko ng white converse shoes. May sling bag akong dala for may wallet. Baka kasi may mabili akong bagay, so dalhin ko na rin kahit na mag-iikot lang ako sa mall. Nagpaalam ako sa mga tao sa bahay at umalis.

Kinuha ko yung cellphone ko habang nasa jeep. Pinagmamasdan ko ang tawag ni Migo sa akin. Di na nasundan yung tawag niyang yun. Ano kaya nasa isip niya? Naisip siguro niya na di na tumawag pa dahil Christmas eve na at busy na ang lahat tao. Or pwede naming di na siya tumawag dahil mahirap ang signal kapag ganitong mga araw. Or worst, baka galit na siya akin.

"My gosh!" singhal ko. Pero na-realize ko na nasa jeep pa pala ako. Halos lahat sila napatingin sa akin. Ngumiti na lang ako at nagsabi ng sorry. Gosh! Lutang moment.

Agad naman akong pumunta sa Fully Booked pagkadating ko sa mall. Wala naman talaga akong balak bumili ng kahit ano or something. Gusto ko lang magpalipas ng araw na iyon.

The Princess' RuleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon