Chapter 27

400 8 3
                                    

Christmas Party Part 1

Tapos na ang klase and Christmas vacation na. It’s time para magrelax matapos ang ilang araw na pahirap lalo na yung mga exams. Gosh! Nakakatuyo ng utak ng mga panahong yun. Oras din to para makapag-spend ng time sa family ko at friends ko. Speaking of friends, mamaya na din yung Christmas party namen. Mamayang hapon pa naman yun at sila Liam, Pete and Luke ang organizer nun. Ako, si BJ and Chuck ang organizer last year. Nakapamili na rin ako ng mga regalo para sa mga kaibigan ko at nakahanda na rin ang susuotin ko. Pink na pull over and maong shorts lang naman susuotin ko. Sisimplehan ko lang this year since di naman sila nagbigay ng theme for this year’s party. Siguro white Converse shoes yung susuotin ko.

Bumaba ako at nadatnan ko na lang na naglalaro si Sammy. Tumabi ako sa kanya.

“Bago yan a” I said. “Magkano bili mo?”

Isa sa ina-admire ko sa kapatid ko is nag-iipon siya ng pera. Ayon sa kanya, para daw may pera siya kapag bibilhin niya yung gusto niya. Hinayaan lang naman nila Mommy and Daddy para daw marunong na siya.

“My ninang Esther gave it to me yesterday” he said. “Uuwi daw siya ng province kaya di niya daw mabibigay to sa mismong Pasko”

“Binuksan mo agad regalo mo?” I asked. “Wala pang Christmas a”

“I can’t wait e” he said. “She asked me kung anong regalo ang gusto and I said this game so she bought it. What's the use ng pagbubukas nito sa Christmas kung alam ko na yung laman and I can use it agad agad”

Uminit ang butas ng ilong ko pero kinalmahan ko sarili ko kasi naman siya.

“Okay” I said. “Palaro ako niyan”

“Later na ate” he said. “Nagsimula na ako. Kapag nag-game over na lang ako”

“Okay” sabay tayo. “Kakain muna ako”

Di na niya ako pinansin at tumayo na ako. Pumunta ako sa kusina at nadatnan ko si Manang Helen at Angela na may niluluto.

“What’s that? Mukhang masarap a”, I said.

“Maja with cheese” sabi ni Angela. “Para sa party mamaya. Nagpatulong sa akin si Luke e”

“Ah okay” I said. Dumiretso na ako sa ref at tinignan kung ano ng makakain. May nakita akong box ng cake sa ref.

“Kaninong cake to?” I asked.

“Sayo yan”, Angela said. “Dumaan si Migo dito kaninang umaga at binigay yan”

“What?!” gulat ko. Bakit na naman yun dumaan dito nang di nagpapaalam sa akin?! Agad akong bumalik sa kwarto para tanungin.

“Hey love” bungad niya. “Napatawag ka ata. Ang bilis naman nakumpleto ang araw ko”

I rolled my eyes. Baliw na naman siya! Daming pauso sa buhay. “Bakit pumunta ka dito nang di nagsasabi sa akin?” I asked. “At para san yung cake?”

“I texted you kanina. Di mo natanggap?” he asked. “Yung cake na yan, galing kay Ate. Di niya mabibigay yan on time because uuwi sila sa Cebu para dun mag-bakasyon at mag-celebrate”

“Okay. Pakisabi kay Ate Ellie, thank you” I said. “At sa susunod, magpaalam kung pupunta ka a”

“Nagtext nga ako. Ang kulit” he said. “Di mo ba nareceive?”

“Check ko later. Teka, bakit di ka umuwi sa inyo?”

“Uuwi ako next week” he said. “May kelangan pa akong gawin sa school next week”

“Wala nang class a”

“Yeah!” he said. “Di naman to school-related e”

“Okay” I said. “Bye na!”

The Princess' RuleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon