Chapter 42

221 4 3
                                    

Chapter 42: 18 Roses

Naalala ko nung bata pa ako, tuwang tuwa ako sa ending ng mga bawat fairy tale lalo na kapag sayawan na. Ang saya lang nilang tignan. Parang ang dali lang ng sayaw dahil nakangiti pa sila habang ginagawa nila yun. Sinusubukan kong sumayaw din after ng palabas habang suot suot ang bestida ni mommy. Pinangarap ko na makasayaw tulad nun. Di ko naman inakala na mangyayari sa totoong buhay yung mga napapanood ko sa TV. My father is my first dance which is surely na memorable sa akin.

“Happy Birthday” he whispered. Niyakap ko na lang siya habang sumasayaw kame. Iam very thankful sa taong to. Sana masuklian ko man lang yung mga ginawa niya para sa amin ni Sammy.

Next is Sammy. No reaction ang makikita mo sa kanya. Grabe! Kahit ilang taon pa lang siya, kung umasta siya ay parang matanda na.

Tahimik kameng dalawa na sumasayaw nang may sinabi siya. Unfortunately, di ko narinig kaya pinaulit ko sa kanya.

“Ang sabi ko Happy Birthday” he said na nagdadabog. “Kelangan pang ulitin”

“Maging mabait ka naman sa akin” I smiled. “Birthday ko kaya”

“Di ko maipapangako”

I rolled my eyes. Kahit kelan talaga tong si Sammy. Ang laki-laki na niya. Grabe!

Next is si Tito Marco. Nakakatuwa siya kasi ang warm ng ngiti niya na parang bang matagal na kameng close as relatives. Madalang ko nga lang siyang nakikita. He greeted me ‘Happy Birthday’ and I thanked him.

Next is Jonas – my cousin kay Tito Jerry. Parang tore lang ang tangkad ng pinsan kong to. Di kame close kaya di kame nag-usap habang sumasayaw. He just greeted me a ‘Happy Birthday’

Tulad ni Jonas, tahimik din kame ni Tito Jerry. May mga times na ngumiti-ngiti ako kapag nakatingin siya sa akin. Nakakahiya naman kung iisnabin ko pa siya dahil lang di kame close na magkamag-anak.

“Happy Birthday!” bungad sa akin ni BJ which is siya yung next. In fairness sa suot niya a. Dapper na dapper ang look.

“Ayos ang pormahan naten a” I said.

“Siyempre birthday mo e” Nag-start na kameng magsayaw. “Anyways, 18 ka na so magbi-boyfriend ka na?”

Kumunot noo ko. “Bakit mo pinagpipilitan yang idea na yan?! Darating tayo sa point na yan!”

“Alright! Mukhang malapit na rin naman”

I was about to ask kung anong ibig sabihin niya nang tinawag ng host yung next – Si Luke who is pogi din sa suot niya.

“Hey there! Sexy” he smirked. As usual, yung mga manyakan moves niya. “Happy Birthday!”

I rolled my eyes. “Thanks” sabi ko. “And pwede ba, pakibutones yang polo mo!”

“Why?” he asked. “Sexy ko kaya so dapat pinagmamayabang”

I rolled my eyes. “Grabe ang self-confidence!”

He just smirked and natapos yung oras na nilaan for him. Next is Liam. Na-iba siya ng salamin for this event kaya naging mas gwapo pa siya sa paningin ko. Terno pa sila ng damit Karen ngayon. They look good together.

“Happy Birthday sa nag-iisang prinsesa ng section naten” he said.

“Thank you, Liam” I replied.

“Just to let you know na kapag may problem ka, nandito lang ako” he said. “Kame ng mga classmates mo a”

I smiled. Well, lagi naman nilang pinaparamdam na lagi silang nasa tabi kapag may problema. To the rescue sila agad kapag dumadating ang mga araw na ganun and they never failed na pangitiin ako at the end of the day. Isa na dun si Liam sa nagpapangiti sa akin. Naalala ko na dinalhan niya ako ng dirty ice cream nung iniyakan ko yung panget naming kaklase na nasa ibang bansa ngayon and sinamahan niya ako sa lugar na gusto ko.

The Princess' RuleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon