Chapter 34

297 6 0
                                    

Chapter: #HikingDiaries Part 1

"Yung whistle mo, dala mo?" my mom asked while leaning sa doorframe ng kwarto ko. Today is the day ng hiking namen ng running club. My mom is not certain sa event na yun pero pinayagan naman ako ni dad. Maganda daw yun sabi ni dad to admire ang nature at para may bago daw akong pagkaabalahan.

"Yes Ma. Nandito na lahat ng sinabi mo" I said sabay zip ng bag ko. "Don't worry ma. I'll be fine" Kanina pa niya ako pinapagalitan sa mga dapat kong dalhin.

She sighed. " O siya. Mag ingat ka dun" she began. "Magtext kapag nakarating na kayo dun a"

I smiled. Etong mommy ko talaga. "Yes Ma. Gagawin ko"

"And don't forget na magdasal for your safety"

"Opo!" Hinalikan ko siya sa pisngi and bumaba. Nadatnan ko si daddy na nagbabasa ng dyaryo habang may iniinom na kape. Nagpaalam na din ako sa kanya and katulad ni mommy, binilinan niya ako na magdasal.

Nasa byahe na ako when Angel texted me.

Angel Maclang: San ka na girl?

I replied to him na nasa daan na ako. Nakakaloka! Halos isang oras pa bago ang meeting time tapos kung makatext parang nakaalis na sila. I'm sure na sobrang excited ang baklang yun!

Tama nga hinala ko. Halos wala pang tao sa meeting area which is sa gym. May mga nakaupo sa bleachers tapos nakatayo din pero apat lang sila nandun. Di ko pa nga makita si Angel dito.

"Girl!" sigaw ng tao sa likod. Si Angel pala.

"Kararating mo lang pala" I rolled my eyes. "Kung makatext, akala mo pauwi na!"

"Siyempre! Excited lang!" he said. "Makakasama ko si Papa Paul and Clyde. Di ka excited?"

"Excited sa mismong activity" sabay talikod. "Pero sa dalawa, never!"

"Really?!" sabi ni Clyde. Nasa harapan ko pala siya pagkatalikod ko. "Di ka excited sa amin?"

Pagkasabi niya ng amin, siyang labas naman ni Paul sa gilid namen. May restroom kasi dun. He is wearing a black hoodie and gray sweatshorts. Naka-running shoes siya and black socks. Plus black cap and black and gray na bag for hiking. Ang init ng panahon tapos nakaitim pa siya. Kakaloka! Pero parang namumutla siya. Okay lang ba siya?

"Hey!" Clyde snapped his fingers. Shoot! May kausap pala ako. "You're not paying attention"

"Whatever" sabay alis. Yan lang nasabi ko. Nahuli niya ako dun a. Naupo na ako sa bleachers and naghihintay ng mga kasama namen. Seriously, ang konti pa rin namen. Nadagdag kame kaya walo na. Balita ko kasi mga 30 kameng pupunta dun.

"Ganda mo talaga!" sabi ni Angel sa akin pagkaupo niya. "Pati si Papa Clyde, di nakaligtas sa ganda mo"

"Nang-aasar lang yung tao na yun!" I said while looking kila Clyde and Paul na nag uusap malapit sa entrance ng gym. "Tsaka, ang manyak ng mokong na yun!"

"Grabe ka naman kay Clyde!" Angel said. Napatingin din siya sa gawi nila. "Mukha namang mabait"

"Mukha lang" napaharap ako sa kanya. "Seriously, wag mo nang gawing crush yang si Clyde. Masyadong playboy!"

"Gaga! Crush lang naman. Di naman ako magpaparape sa kanya. Sapat na ako hanggang titig lang sa kanya"

"Bahala ka!" Hinayaan ko na lang siya sa pantasya niya habang dinukot ko naman yung phone ko sa bag ko. May dalawang message ako.

Migo Suarez: Good morning! Ingat ka sa hiking niyo at wag lang magpalandi kay Paul. Sa akin lang.

I rolled my eyes. Kaloka din tong tao na to. Di pa rin niya tinitigilan sa panliligaw daw niya. As if naman na may pag-asa siya sa akin. Halos katulad siya ni Clyde, babaero!

The Princess' RuleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon