Chapter 22

372 7 0
                                    

Chapter 22: Another Bipolar

Nautusan ako ni mommy na bumili ng grocery after ng school ko. Nilabas ko agad yung listahan ng bibilhin pagkapasok ko. My gosh! Ang haba naman nito. Buti na lang at may binigay na pamasahe na pan-taxi si mommy sa akin.

Sinimulan ko sa mga karne. Eto yung medyo mabigat kasi most likely mga dalawang kilo yung binilin ni mommy. Paano ko naman to bubuhatin. Pinusod ko na rin ang buhok kasi mukhang mapapalaban ako dito.

After kong makabili ng karne, pumunta naman ako sa section ng mga gulay. Medyo may alam na ako sa pagpili ng magandang gulay dahil lagi akong sinasama dati either ni mommy or si Manang Helen sa palengke or grocery store. And besides, mga fresh naman yung tinitinda dito sa grocery store.

Napansin ko pa kanina na konti lang tao. Siguro dahil mga pagod galing sa trabaho or school kaya wala na silang energy para mamili. Kakaloka! Buti na lang kasi maikli ang pila sa cashier. Medyo iniisip ko na rin yung mga gagawin ko for tonight – assignments, projects, etc. Inisip ko na din kung papaano ko hahatiin yung oras ko para sa mga school works.

“Gosh! Asan ba yun?!” I murmured. Di ko kasi makita yung lata ng green peas. Medyo umiikot na ako sa buong grocery store at di ko pa rin makita. Buti na lang at nakita ko si kuyang salesman na palapit sa akin. “Kuya! San ko makikita yung mga lata ng green peas?” I asked.

Tinuro niya yung section sa kaliwa. Nandun daw yun. Nagpasalamat ako at pumunta ako sa section na yun. Pagliko ko, bumungad sa akin si Lia at si Ate Ellie.

“Mommy!”, sabay yakap sa akin ni Lia.

Sabay binuhat ko siya at niyakap. “Musta na baby?” I asked. “Miss na kita a”

“Miss na din kita, mommy” she said. “Bakit di ka na bumalik sa bahay?”, she pouted.

I smiled. Ang cute talaga ng batang to. “Baby, busy kasi si Mommy Chelsea mo sa school. Dami kong ginagawa e” I said pero nalungkot ang bata. “Ganito na lang. Puntahan kita sa inyo sa Sabado tapos labas tayo?”

Agad nanliwanag ang mukha ng bata at natuwa. “Promise mommy?” she asked

I smiled. “Promise!”

Bumaba ang bata sa pagkakabuhat at nagtatalon sa sobrang saya.

“Pasensya ka na sa bata a” she said. “Ang kulit! Nakakahiya sayo. Inaabala ka pa niya”

“Ayos lang po yun” I smiled. “Wala rin akong gagawin sa Sabado e”

“Salamat Chelsea” she said.

“No worries po”

“Kumain ka na ba?”

After namen makumpleto ang kanya-kanyang listahan ng bibilhin, nagpunta kame sa kainan sa gilid ng grocery store. Masarap daw ang takoyaki na tinitinda dun. Hinihintay nila si Kuya Ferdie na dumating galing trabaho at sabay-sabay daw silang uuwi. Ang cute nilang magpamilya.

“Si Migo?” Ate Ellie asked.

“Di ko po alam” I said. “Diretso na po kasi ako dito after ng class ko. Inutusan kasi ako ng mommy”

Tumango siya at nilabas niya ang phone na parang may nagtext. After nun, binaba na niya yung cellphone niya at kinausap niya ule ako. “Ano pala work ng parents mo?”

“Nagwowork po sila sa isang school po. Principal si daddy tapos Department Head naman po si Mommy” I said. “Dun din po nag-aaral yung kapatid mo”

“Kaya ba Education ang kinuha mong course?”

“Opo” I smiled. “Influence na din ng parents ko and I love sharing my knowledge and thoughts po e.”

The Princess' RuleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon