Chapter 36

236 5 0
                                    

Chapter 36: That Question

Bakit siya nasa loob ng bahay?
Anong ginagawa niya dito?

Dalawa lang yan sa mga tanong sa isip ko. Pero ang nasa isip ko ngayon is yung pagkikita ni Paul and Migo ngayon. Kumukulo dugo ni Migo kapag nakikita niya si Paul.

Naalala ko one time habang nag uusap kame sa park at kumakain ng dala niyang fruits, dumaan ang team nila Luke. Ako naman sinundan ko ng tingin. That time kasi may sinasabi sa akin si Luke pero di ko maintindihan. Only to find out inaasar niya ako kay Paul dahil inakbayan niya to. Out of curiosity, lumingon si Migo sa likod at nakita niya si Paul. Ayun, nag walk out ang kumag. Daming explanation ang ginawa before niya inaccept ang apology ko.

Ngayon, nakita ko na naman yung the same expression sa mukha niya. Gosh!

Paul spoke like he is reading my mind.

"Alis na ako" he said. Pumasok siya sa loob ng kotse at umalis.

Okay. Nabawasan yung tinik sa dibdib ko. Pero meron pang isa. I looked at him and he is fuming mad na nakakatitig sa paalis na si Paul.

"What are you doing here?" I asked.

He looked at me na parang nakakita siya ng multo. Ano bang masama sa tanong ko?

"Seriously?" he said.

"Ano ba yun?"

"You know what?" He said. "Never mind" He walked out. Again!

Ano bang problema nun? Di naman niya sinagot tanong ko at umalis na lang. Problema ng tao na yun?

Bumungad sa akin ang maraming pagkain pagpasok ko sa loob ng bahay. Anong meron? Anong selebrasyon?

"Asan yung kaibigan mo?" My mom asked. "Si Migo?"

"Umalis na po"

Gulat si mommy pati sila Angela and Manang Helen. "Bakit siya umalis? Sayang naman yung hinanda niya"

"Hinanda?" I asked. "Bakit ano daw meron?"

"Birthday daw niya" sabi ni Angela habang inaayos ang cake sa hapag.

Birthday? Oh gosh!

Dali dali akong umakyat sa kwarto at kumonek sa WiFi. Di pa naman ako nakakabukas ng FB, nakita ko na yung mga text messages niya sa akin. More on hinahanap niya ako pero walang sign na magse-celebrate siya ng birthday sa bahay. At bakit sa bahay? May bahay naman siya sa ate niya e. Mukha bang event place ang bahay namen?

Tama nga sila. Birthday nga ng kumag! Nakita ko ang bumabahang birthday greetings sa kanya. Oh gosh! Na-guilty tuloy ako! Napahiga ako sa kamay habang nakasubsob ang mukha sa kama.

Lumipas ang linggo at di pa rin niya ako kinakausap. Di siya sumasagot sa text or tawag ko. Maging sa messenger, dedma pa din. Ganun ba kabigat yung ginawa ko para magalit siya ng ganito? Kelangan ko na bang maalala yung birthday niya? Gosh naman!

Lunes na naman at as usual papasok na naman sa college. Gosh! Ang tagal magsummer break! Ilang linggo pa yung mula ngayon. Anyway, siguro naman makikita ko si Migo sa school no?! Dun ko na lang siya kakausapin.

Marami pa ring tao sa school. Tulad ng sinabi ko, ilang linggo pa bago ang vacation. Siguro uunti din yan pagdating ng March or April. Speaking of April, lapit na din 18th birthday ko. Wala pa ding nangyayaring progress sa list ko. Haay! Two weeks from now, makikipagmeet ule kame kila Cyndi para sa mga details. Ayoko ko naman din silang mahirapan dahil ang tagal kong mag isip. Baka mahal ang charge sa rush. Ayoko ko namang mangyari yun.

Kanina pa lutang ang utak ko sa kakaisip sa birthday at di ko namalayan na nasa harap na ako ng school.

Una kong nakita si Migo while talking to his friends. Nagtatawanan sila pero nung nakita niya ako, nawala ang ngiti niya at tinuon ule yung sarili niya sa friends niya. Haaay! Mamaya kita aasikasuhin. For the meantime, mag aaral na muna ako.

Mabilis lang natapos ang first two subjects ko at breaktime na. Quiz and reporting lang ang ginawa namen. Dun ko sana gagawin yung planong kausapin si Migo pero nawala siya na parang bula kasama yung mga kaibigan niya. Grabe! Ganun niya ba ako ka-hate?! Di mawala sa isip ko yung rason ng di namen pagkakaunawaan.

Bago ko isipin yun, isipin ko muna kung saan ako kakain. Normally, si Migo kasama ko sa breaktime pero nagtatampo yung kumag kaya wala akong kasama ngayon. Busy siguro si Luke and BJ sa acads nila as well as Angel. Haay! Mukhang ako mag isa ang kakain ngayon. Lungkot ng buhay.

Nag settle ako sa tuna sandwich at mineral water at nagpunta sa park para dun kumain. Mag aral na lang ako para sa next subject ko.

After 30 minutes at tinatamad na akong mag aral pero natapos ko naman, nagFB na lang ako. Sa ilang beses ko pag scroll, nakita ko yung post ni Angel na picture sa bundok. Sunset lang naman yun na sa likod ng bundok. Just like yung kuha ko. Oh gosh! Speaking of kuha ko...

Pumunta ako sa gallery to check yung kuha ni Paul sa akin. I smiled. Buti na lang maganda yung kuha niya. Natatakpan ko yung sunset pero yung glow is nagmistulang aura ng katawan ko. Maganda bilang may paglingon effect pa yun.

"Hey!" Paul said na nakatayo pala sa harap ko at mukhang tanga akong nakangiti sa picture na kinunan niya. Pinatay ko agad phone ko. Baka ano pang isipin niya.

"Hey!" sabi ko with matching ngiting aso. Mukhang galing basketball practice dahil suot niya yung basketball shorts ng school namen plus black shirt and may gym bag din siyang dala at brown na supot.

Tulad ng dati, umupo siya sa mesa at nakapatong ang paa sa upuan. Minsan turuan ko to ng tamang pag upo e.

"What's up?" he asked sabay labas ng tuna sandwich which is pareho kame. Ano naman?

"Nothing much" I said. "Eto nag aaral"

He smirked. "Di yun yung tinutukoy ko" Kumunot noo ko at napatingin sa kanya. "I think I owe you an apology. You know - you and Migo. Di ko alam na kayo na pala"

"Okay. Wait" I said. "First of all, di kame ni Migo. And second, wala kang dapat ika-sorry dun. It is just a little misunderstanding between us na wala kang kinalaman"

"So wala ako dun?"

"Yeah! You're totally out of it"

He laughed. "But yung mukha ni Migo tells the otherwise. I'm pretty sure he is jealous dahil sa akin"

"Parang di naman" Taas ng tingin sa sarili a

Tumayo siya at humarap sa akin. Tapos na pala siyang kumain. "Wala ka pa masyadong alam about boys. And don't worry about Migo. Siya na mismo ang kusang lalapit sayo para magsorry for being such a dork! Trust me!"

At tama ang kumag! After ng class ko. Bumungad si Migo sa labas ng classroom.

"Can we talk?" he asked and motioned me to follow him. Naglakad lakad kame hanggang sa makarating kame ng park kung saan ako kumain kanina at nakipag-usap kay Paul.

"I'm sorry" bungad niya. Ni hindi pa nga ako nakakaupo sa upuan e. "I'm sorry for being such a dick nung Sunday. Di tama yung pinakita ko sayo and sa family mo. Kaya I'm really sorry."

I smiled. "Ako ang dapat magsorry sayo di ba?" I said. "I'm sorry kung nakalimutan ko yung birthday mo..."

"Actually..." he interrupted. "I wanna tell you yung reason kung bakit ako nagkaganun kagabi" sabay kamot ng ulo ko. "Actually, seeing you and Paul ang reason."

"Huh?" I said. "Nagmagandang loob yung tao"

Again, he interrupted. "May gusto ka pa rin ba sa kanya?"

Naging speechless ako sa tanong niya for a few seconds. "Bakit mo naman natanong yun?"

He sighed. "I just want to make sure na may pag-asa pa ako sayo. You know naman how much I like you" he held my hands. "Naiinggit ako sa kanya dahil siya gumawa ng bagay na gusto kong gawin for you"

Di ko alam ang isasagot sa kanya or kung ano ba ang uunahin kong sagutin. Bigla naman akong naguluhan sa sitwasyon namen.

"Okay" he said. "I'm gonna ask you for the last time." Oh gosh! "Pwede na ba kitang ligawan?"

My heart beats fast sa moment na to. Suddenly, naalala ko na naman yung usapan namen dati ni Ara and Angela before.

"Yes"

The Princess' RuleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon