Chapter 45

234 5 2
                                    

Chapter 45: Luke's Birthday

"What are you doing here?" Paul asked. Ako naman, gulat at kabado pa din sa tao na nasa harapan ko. Pero dapat expected ko na nandito siya sa event na to. Teammate siya Luke e.

"Bakit wala ka sa loob at nagpaparty?" he asked again. Ngayon, di ko alam kung paano siya sasagutin. Parang tinakasan na ako ng boses ko at di na ako makapagsalita. Gosh! Ano ba tong nangyayari sa akin?!

"Okay" he sighed. "Wait me here. Nasa gitna tayo ng daan. Mag-park lang ako". Wala pa din siyang nakuhang sagot mula sa akin. Pero nung nakalayo na siya pabalik sa kotse niya, dun nanumbalik yung lakas ko at tumabi sa gilid.

Nasa gitna kame ng daan.

I watched his car na pumaparada sa gilid na malapit sa bahay nila Luke. Nang makaparada na nang maayos, lumabas ule at pinuntahan ako.

"Okay" he said. "Tara sa loob?"

"U.." I stuttered. He creased. "Uuwi na ako" There! May nasabi din ako.

"Why?" he asked. "Ang aga pa a"

Medyo maliwanag pa nga sa labas at di pa lumulubog ang araw. Gosh! Wala pa akong pambala sa kanya.

Suddenly, tumunog ang phone niya. Pagkakuha sa bulsa ng pantalon niya, sinagot niya yung tawag.

"Luke" he said while looking at me. Bigla akong kinabahan. Dont tell me... "Nasa labas na ako"

Nanlaki ang mga mata ko. Baka sabihin niya kay Luke na magkasama kame. Baka manghinala yun.

"Yeah" he said. "Nga pala, may kelangan lang akong daanan. Puntahan ko lang sandali tapos balik ule ako dito" Tumahimik ule siya. Malamang nagsasalita si Luke sa kabilang linya. "Gagstu! Babalik ako. You know me. May isang salita ako"

Di na siya nagsalita at binaba na niya ang phone niya.

"Lets eat" he said. "Gutom na ako"

"Maraming pagkain sa loob" I said. "Tsaka uu.."

"Gusto kitang makasama" he said at natigilan ako. Gosh! Ang puso ko! "So tara na!"

He held my hand and ayun, napasama sa kanya. Ang rupok ko din e.

Tahimik lang kame sa kotse habang bumibyahe. Para makaiwas sa kanya, sa labas lang ako nakatingin.

"Hindi mo ko nirereplayan" he said nang huminto kame. Napatingin tuloy ako sa kanya.

Naka unread pa mga text messages niya sa akin. I dont know kung ano ang isasagot sa kanya. Ayoko naman ding magalit siya sa ginawa ko.

"Ahm..." I began pero di ko alam kung paano ko dudugtungan.

"Wag mo na isipin yun" he cut me off. "I think I know the answer" Natahimik ule kame sa kotse. Ako naman, na-guilty. Kainis!

Nahinto kame sa isang diner na familiar na ako. Dinala na ako ni Angel dito sa Riverdale-inspired na place na to.

"Anong gusto mong kainin?" he asked.

"Milkshake na lang" I replied. "Busog pa ako"

Tumango siya and he motioned me na maghanap ng mauupuan. I looked around and rolled my eyes. Walang customer! Baka happy place ang tinutukoy niya so naupo na lang ako sa dulong lugar. Baka may sabihin tong mokong na to at di ko kayanin.

After niyang umorder, umupo siya sa harapan ko and then, tahimik siyang nagse-cellphone. So ganun na din ang ginawa ko.

Nang dumating na yung order namen, nagsimula na siyang kumain nung burger na binili niya. Halatang gutom ang mokong.

The Princess' RuleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon