YVAINE'S POV:
"Isn't weird?" bumaling ako kay Vena nang bigla s'yang magsalita. Tumaas ang kilay ko nang makitang seryoso s'ya.
'Minsan lang 'to kaya baka seryoso ang sasabihin n'ya.'
"What's weird?" tanong ko at muling tumingin sa mga papeles na nasa table ko.
Yeah. After class, dito ako dumeresto sa opisina ko dahil tambak na ang mga trabaho ko. Ang dami kong kailangang review-hin na business proposals at marami rin akong kailangang gawain.
Kung nagtataka kayo kung nasaan si Noah eh nandun kay Wade. Nakipag-date muna sa ugok na 'yon dahil sa hindi ko malamang dahilan. Hihiramin daw muna ni Wade ang boyfriend ko. Pumayag na ko dahil mukang importante ang pag-uusapan nila.
'Baka pag-uusapan nila kung kailan sila mag-tatanan.'
Charot. Akin lang si Noah. Aagawin ko talaga si Scarlette sa kanya pag inagaw n'ya ang boyfriend ko.
"You know, the group that you mentioned before? The reason why you ended up here in the mafia org." sagot ni Vena na ikinatigil ko sa pagpirma. Kunot-noo akong tumingin sa kanya.
"What's weird with them? Ginagambala ka ba?" seryosong tanong ko. Tumingin naman s'ya sa'kin at umiling. Nakahinga ako nang maluwag.
'Akala ko ay pati ang pinsan ko ay titirahin nila eh. Hindi pwede.'
Ako mismo ang gaganti sa organisasyong 'yon. Hindi ako papayag na si Svetlana ang umubos sa kanila.
"Yun na nga ang weird eh." sagot ni Vena. Tumaas ang kilay ko dahil dun.
"Can you stop beating around the bush? What's weird with them ba?" takang tanong ko. Muli naman s'yang bumuntong hininga at ngumuso.
"The part that after 4 years, they're still not doing anything. Ang weird lang dahil para bang naghihintayan lang kayo kung kaninong grupo ang unang aatake." seryosong sagot ni Vena. Kumunot ang noo ko at pinatong ang dalawang siko sa table.
Pinagsalikop ko ang dalawa kong kamay at ipinatong doon ang baba ko habang seryosong nakatingin kay Vena na nakaupo lang sa sofa habang umiinom ng chamomile tea.
Pinanood kong mabuti ang muka n'ya at kitang-kita doon na talagang nagtataka s'ya. Kumukunot pa ang noo n'ya na para bang nahihiwagaan. Maski ako ay hindi rin maintindihan ang pina-plano nila.
'Balak ba nilang magpa-surprise attack?'
Well, malas nila. Hindi lang organisasyon ko ang handa sa posibleng gawin nila.
'Pati na rin ang organisasyon ni Victoria.'
"You have a point there, Vena." mahinang sagot ko at sumandal sa sandalan ng swivel chair ko.
"They're still not doing anything... After the hoax attack." sagot ko at nakagat pa ang ibaba kong labi habang nag-iisip.
"Even the Romero's organization. They're miraculously quiet. Isn't weird? I thought, after you killed their boss, they will immediately declare a war against our org." sabi pa nito. Hindi ko akalaing bukod sa paggawa ng drugs at pagkitil ng buhay ay iniisip n'ya rin ang bagay na 'to.
"I'm also thinking about that..." mahinang sabi ko at kinagat ang itaas ng ballpen kong hawak.
"You think it's more safe to crush their whole organization before they avenge their boss or we'll just wait for their next move?" tanong ko habang nakatingin kay Vena. Sumilip ang ngisi sa labi n'ya at tumingin sa'kin habang ang kaliwang kamay ay may hawak na tasa.
BINABASA MO ANG
SECTION F: The Eternal Adventure (Season 3)
RomanceThey lose, They lost, But most importantly, They learned. And even if the fate separated them from each other, The stars will always find a way to be aligned. "Once again, welcome back, Section F. Welcome home, our family." Date Published: January 1...