CHAPTER 316

1.5K 99 37
                                    

YVAINE'S POV:

"That's the end of discussion. Don't forget to do your assignments..." hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin ng professor at nagdere-deretsong lumabas nang mag-ring ang bell. Indikasyon na tapos na ang klase.

Ilang linggo na rin ang lumipas matapos nang maghiwalay kami ulit ni Noah ng landas. Once a week s'ya kung dumalaw sa bahay at talaga namang sinusulit namin yun palagi. Laging pinaghahandaan ni Percy ang pagdating ng daddy n'ya sa bahay at lagi namang umiiyak pag aalis na ulit si Noah.

'Buti na nga lang ay katulong ko pa rin si Wade sa pagpapalaki kay Percy.'

"May party daw na gaganapin sa bahay ni Phoebe. Pupunta ka?" tanong ni Wade na nasa tabi ko na pala. Umiling ako bilang sagot.

"Nope. Wala akong oras d'yan." sagot ko at hinawi ang buhok nang sumalubong ang malakas na hangin sa muka ko nang makalabas kami ng campus.

"Di na lang din ako sasama." sagot n'ya. Tumaas naman ang kilay ko dahil dun.

"Bakit? Di naman kita pinipigilan." sagot ko. Tumingin naman s'ya sa'kin habang nakangiwi.

"Para namang magpapapigil din ako sa'yo, ano?" sarkastiko n'yang sagot. Tatawa-tawa akong umirap at bumaba ng hagdan.

"Eh ba't hindi ka pupunta nung sinabi kong hindi ako pupunta?" tanong ko. Muli s'yang bumuntong hininga kaya tumingin ako sa kanya. Nagkakamot na s'ya ng batok n'ya.

"Eh walang mag-uuwi sa'kin eh. Alam mo naman kung pano 'ko malasing. May iniingatan din akong reputasyon 'no." sagot ni Wade. Nahampas ko ang braso n'ya nang maalala yung oras na malasing s'ya.

"Hahahaha! Na-trauma ka ba?" natatawang tanong ko. Agad n'ya kong tinignan nang masama.

"Wag mo nang ipaalala 'yon, Yvaine Hamilton." mariing banta ni Wade. Lalo akong natawa.

"Ulul! Ikaw nagpaalala sa'kin eh! Hahahaha!" tumatawang sagot ko at umiling-iling pa.

Well, noong naglasing s'ya nang sobra noon eh dahil nag-away sila ni Scarlette sa video call. Anniversary kasi ata nila 'yon tapos hindi man lang umuwi sa kanya si Scar. Nagtampo si gago at nag-iiinom. Dahil sa bahay ko s'ya nagdrama eh napanood ko lahat ng pinaggagagawa n'ya.

"Scar~~ Umuwi ka na~~ Hindi mo na ba ko love?~~" pang-aasar ko pa kay Wade. Lalong tumalim ang tingin n'ya sa'kin at kulang na lang ay umusok pa ang ilong n'ya.

'Tangnang muka 'yan hahaha!'

"Pati ba naman anniversary na'tin... Hindi mo uuwian? Akala ko ba ako lang? May nakita ka na bang ib---a-ahh! Wade! Putangina mo! Bitawan mo ko!" iritadong singhal ko at pinalo-palo pa amg braso ni Wade na nakasakal sa leeg ko.

"Sabi ko tigilan mo ko di ba? Nang-aasar ka pa eh mas malala pa nga yung ginagawa mo pag nalalasing ka!" singhal pa sa'kin ni Wade at lalo akong sinakal.

"Ahh! Tama na! Hindi na ko mang-aasar. Promise!" pang-uuto ko pa kay Wade at muling hinampas ang braso n'ya.

Binitawan naman n'ya ko ngunit napakasama pa rin ng tingin n'ya. Uubo-ubo akong tumingin sa kanya nang masama at inambaan s'ya ng suntok ngunit agad na s'yang tumakbo palayo.

"Hoy! Hintayin mo ko!" sigaw ko habang hinahabol si Wade. Gagong 'yon! Susunduin pa namin si Percy eh!

Nang malapit na ko sa kanya ay binatukan ko s'ya nang malakas at tumakbo palayo habang nakangisi nang nakakaasar. Lalong tumalim ang tingin n'ya sa'kin at hinabol ako ngunit nakarating na ko sa kotse n'ya.

SECTION F: The Eternal Adventure (Season 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon