YVAINE'S POV:
Iritado akong napakuyom ng kamao habang nakatingin sa kotse nina Heather at Phorcys na papaalis na. Hindi ko pwedeng utusan si Wade na sundan ang kotseng 'yon dahil hindi n'ya 'yon susundin. Lalo na kung hindi n'ya alam ang dahilan.
At ayoko rin namang magtaka si Percy sa kung anong nangyayari. Ayokong malaman n'ya kung anong mga katarantaduhan ang ginagawa ng nanay n'ya.
Bumuntong hininga ako at pilit na pinakalma ang sarili. Nilabas ko ang phone ko at agad na tinawagan ang number ng pinsan ko nang makabisado ko ang plate number ng sasakyan.
"2GAK145. Black Sedan." ani ko matapos sagutin ni Svetlana ang tawag.
[Copy, Yvi. I'll tell you later where the car stops.] sagot nito. Alam na n'yang hindi ko masusundan ang kotse kaya sa kanya ko pinahanap.
'You're sharp as always, Vena.'
"Thanks. I'll send you a saint laurent bag later." sagot ko. Humiyaw s'ya sa kabilang linya na inilingan ko na lang at nagpaalam na.
"Who's that?" tanong ni Wade. Sumulyap ako sa kanya at muling ibinalik ang tingin sa phone ko.
"Just my cousin." maikling sagot ko at nagbukas ng IG.
Umarko nag kaliwang kilay ko nang makitang ni-accept na nung bagong girlfriend ni Jayden ang follow request ko. Agad ko s'yang ni-stalk at may bago s'yang post mga 41 minutes ago.
"When the chef is more delicious than the food." mahinang pagbasa ko sa caption n'ya habang ang nasa picture ay ang sexy broad shoulders ni Jayden at mukang nagluluto ng pagkain nila.
Ni-swipe ko ang iba pang pictures at pati ang niluto ni Jayden ay naka-post din. May video rin sila kung saan ginugulo n'ya si Jayden habang nagluluto. Ang kulit din eh.
"They look so happy." mahinang bulong ko sa sarili at muling bumaling kay Wade na nakikisilip na pala sa phone ko.
"Do you know her?" tanong ni Wade. Umiling ako bilang sagot.
"Nope. Ikaw? Syempre kilala mo 'to. Girlfriend 'to ng kakambal mo eh." agad na sagot ko sa sarili kong tanong. Bumuntong hininga ang kasama ko at mukang alam na marami akong itatanong sa kanya.
"Psh. She's Athy. Jayden's new girlfriend. Dun sila nagkakilala sa university na pinapasukan nila." ani Wade na marahan kong tinanguan.
"Anong year?" tanong ko.
"Second? Third? Nakalimutan ko na eh." sagot n'ya na ikinangiwi ko. Ta mo 'tong taong 'to. Oo.
"When did they start dating?" curious kong tanong at ni-scroll up ang screen. Pulos picture nilang dalawa ang nandito. Ang iba ay picture n'ya nang mag-isa at ng mga kaibigan n'ya.
"I already forgot. Sorry. I'm not interested with their love life." sagot nito sa tanong ko. Pinagmasdan ko ang muka n'ya upang malaman kung totoo ba nag sinasabi n'ya o hindi.
'Fortunately, muka namang totoo.'
Pero sayang naman! Gusto ko pa ngang maki-chismis eh!
"Psh. Nonsense mo kausap." sagot ko at umismid pa. Inirapan n'ya rin ako.
Muli kong ibinaba ang tingin sa phone ko at lumabi. Tinitigan ko ang picture nung babae at kung physical appearance lang din naman ang pag-uusapan ay may ibubuga s'ya.
Her height can pass as victoria's secret model. She has a tan-colored skin and a diamond face shape. She look so intimidating with her fox shaped eyes while her red voluptuous lips is making her face sexy. Her nose is pointed and her body is well-defined. She has a long wavy hazel hair that styled like a greek goddess.
BINABASA MO ANG
SECTION F: The Eternal Adventure (Season 3)
RomanceThey lose, They lost, But most importantly, They learned. And even if the fate separated them from each other, The stars will always find a way to be aligned. "Once again, welcome back, Section F. Welcome home, our family." Date Published: January 1...