CHAPTER 315

1.7K 103 56
                                    

YVAINE'S POV:

Nais ko mang manatili pa nang matagal at makasama sina Heather ay hindi na maaari. Sabi nila ay hindi pa raw ito ang tamang oras para magkita-kita kaming lahat.

'Wala pang pwedeng makaalam na buhay pa sila.'

Maski sa organisasyon ay tinatago nilang buhay pa sila. Sinusunod lang daw nila ang plano ni Cybele. At nasa plano rin nila ang manirahan dito sa California sa hindi ko alam na dahilan.

Lalo ko pang binilisan ang pagpapatakbo ng kotse habang iniisip kung ano ba ang plano nila. Napakawirdo. Hindi rin ako sigurado kung saang grupo nga ba sila kumakampi.

'Pano kung hindi sila Heather 'yon? Pano kung mga doppelganger din ang mga 'yon na nagmula sa grupong Saturniide?'

"Ano ba talagang binabalak mo, Cybele?" mahinang bulong ko sa sarili at nakagat pa ang ibabang labi. 

Si kuya Cris kaya? Alam na kaya n'ya na buhay si Cybele? Si Chase? Alam na ba n'ynag buhay ang ate n'ya? Kung si Hylia at Lucifer eh alam na buhay si Cybele, baka alam din ni kuya na buhay pa ang girlfriend n'ya?

Ang huli kong balita noon kay kuya ay may sarili na s'yang business. Yun nga lang ay hanggang ngayon eh wala pa rin s'yang girlfriend. Mukang ayaw n'yang pumasok sa isang relasyon. Mukang ayaw pa rin n'yang pakawalan si Cybele.

Nang grumaduate ako sa MLIS ay umalis na rin si kuya sa Hamilton mansion bilang butler. Ang natira na lang dun ay si Hiro at kuya Remus. Si kuya Remus ang pumalit kay kuya Cris kaya hindi na s'ya isang driver. Kundi butler ko na.

'I wonder kung bakit nananatili pa rin s'ya sa dun?'

Si kuya naman, ang palusot n'ya sa pagre-resign ay dahil sa L.A naman daw ako maninirahan at hindi sa Pilipinas kaya ayaw na n'yang maging butler. Ako lang daw ang gusto n'yang paglingkuran.

'Gusto ko sanang ma-touch sa sinabi n'ya pero alam ko namang hahanapin n'ya si Cybele kaya s'ya umalis. Di ako uto-uto no.'

Sabihin ko kaya kay kuya na buhay ang girlfriend n'ya? Kaso sayang ang drama. Ayokong mang-spoil. Problema na nila 'yon. Pake ko ba.

Nagawi ang tingin ko sa phone ko nang bigla iyong mag-ring. Kumunot ang noo ko at pinindot ang button ng earpods na nasa tenga ko upang sagutin ang tawag.

"Hey, Vena." pagbati ko sa aking paboritong pinsan na mukang nakikipaglandian kay Frost ngayon. Dinig ko pa hagikhikan ng dalawa eh.

'Tangnang pinsan 'to. Hilig magpainggit porke nandyan lang sa tabi-tabi ang boyfriend n'ya.'

[Yvi! Where are you?] tanong nito. Napairap ako dahil sa tanong n'yang 'yon.

"Just track me. Anyway, what do you want?" deretsong tanong ko at lumiko. Pinasok ko sa parking lot ang kotse ko at ni-park 'yon. Nang matapos ay kinuha ko ang limited edition kong chanel flap bag at lumabas na.

[Well, I don't want anything from you but I have a special information for you.] sagot ni Vena na ikinataas ng kilay ko. Pumasok ako sa elevator at pinindot ang floor ng condo ko.

"What is it? Importante ba 'yan?" tanong ko. 

[Frost! I'm talking to my cousin! Keep your hands to yourself nga muna! Mamaya na 'yan.] muli akong napairap nang sawayin ni Vena si Frost. Hinayaan ko silang maglandian hanggang sa maaalala ni Vena na kausap pa n'ya ko.

[Ay. Andyan ka pa pala.] sabi nito. Napangiwi ako dahil dun.

"Oo. Nandito pa ko. Kanina ko pa naririnig ang lintik na mga ungol mo." sagot ko. Humalakhak si Vena sa kabilang linya at mukang pinalo-palo pa ang boyfriend n'ya. Biglang umatungal eh.

SECTION F: The Eternal Adventure (Season 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon