YVAINE'S POV:
"Bullshit! I fucking lost again!"
"Hahahaha! How stupid!"
"Why don't you start begging now, my friend? You lost all your money hahahaha!"
"Fuck you, Lupin!"
Sigawan ng mga nanunugal dito sa casino ngayon ng mga Caylor. Inilibot ko ang aking tingin sa paligid upang hanapin si Coleen. Hindi para magpakita sa kanya kundi para masabihan sila Avon kung saan nila pupuntahan si Coleen.
"Any news?" I asked while looking at every corner of this casino.
"Mukang wala pa si Coleen, Yvaine." sagot ni Avon na ikinabuntong hininga ko.
Oo nga pala, walang eksaktong oras ang pagpunta ni Coleen sa casino ng mga Caylor. Basta ata maisipan n'ya ay tsaka lang s'ya pupunta.
Dahil na rin sa galing ni Coleen sa pagsusugal ay maugong ang pangalan n'ya rito sa pasugalan ng mga Caylor. May mga gustong makaharap s'ya, at may iba namang natatakot sa kanya dahil nakamkam na ni Coleen lahat ng ari-arian ng nakakalaban n'ya.
At syempre, dahil iba't-ibang mga sikat na business tycoon ang naglalaro dito ay hindi rin imposibleng malagay ang buhay n'ya sa panganib dahil sa pagsusugal n'ya.
'Pero... si Coleen naman yun. Mas marami pa sa buhay ng pusa ang buhay nun.'
Muli akong naglakad at nilagpasan ang mga nagsusugal. Halata sa kanila na masaya silang nagwawaldas ng pera. Ang iba ay mukang sunod-sunod ang swerte. Ang iba naman ay mukang galit na takot dahil natatalo na.
'Hays. Sana kasi ay hindi ninyo sinasayang ang pera n'ya d'yan.'
"Madame, the Mask Lady is approaching." saad ni Aliana na s'yang ikinanlaki ng mga mata ko.
"Where?" agad kong tanong at luminga pa sa paligid.
"At the entrance door." sagot ni Aliana.
Napalunok ako nang sunod-sunod at nanlaki pa ang mga mata nang marinig ko ang malakas na pagbukas ng pinto ng casino. Lalong kumabog nang malakas ang puso ko dahil sa sobrang kaba. Hindi ko alam kung bakit, pero hindi pa ata ako handang makita s'ya. O sila.
Inipon ko ang lahat ng lakas ng loob ko at dahan-dahan na sanang titingin sa may pinto nang biglang may umakbay sa'kin. Napatalon ako sa sobrang pagkagulat at handa na sanang itumba ang taong 'to nang bigla s'yang magsalita.
"We meet again, ms. Yvaine." kumunot ang noo ko kasabay ng pag-angat ko ng tingin sa taong biglang sumulpot sa tabi ko.
"Ace?" gulat at naguguluhang tanong ko. Hindi ko inaasahang makikita ko s'ya rito.
"Yep. That's me." sagot n'ya at ngumisi sa'kin. Napalunok ako at magsasalita na sana nang bigla n'yang alisin sa'kin ang tingin n'ya.
Napansin ko ang paglawak ng ngisi sa labi n'ya habang nakatingin sa kung saan. Nang sundan ko ng tingin ang tinitignan n'ya ay napunta iyon kay Coleen.
'Nandito na nga sila.'
Suot ang itim na fitted dress na maikli na hanggang kalahati lang ng hita n'ya ang haba ay sopistikada s'yang naglakad habang inaalis ang shades na suot n'ya. Mahaba ang itim na boots na suot n'ya na sa tuwing tatamaan ng ilaw ay kumikinang. Wala pa ring pinagbago ang itsura n'ya. Nandun pa rin ang mayabang na ngisi sa labi n'ya at ang mga mata n'yang parang nanghuhusga pag titignan ka n'ya.
Napangiti ako habang nakatingin sa hambog na 'to. Talagang may grand entrance talaga lagi eh no?
Sa tabi n'ya ay nandun si Brandon na kasa-kasama n'ya. Si Brandon ang may hawak ng bag ni Coleen kaya nagmumuka s'yang guard ni gaga. Poker face lang si Brandon habang suot ang mamahalin n'yang outfit na galing pa sa iba't-ibang sikat na brand.
BINABASA MO ANG
SECTION F: The Eternal Adventure (Season 3)
RomanceThey lose, They lost, But most importantly, They learned. And even if the fate separated them from each other, The stars will always find a way to be aligned. "Once again, welcome back, Section F. Welcome home, our family." Date Published: January 1...