CHAPTER 305

1.7K 132 131
                                    

YVAINE'S POV:

Days had passed after that cruise ship mission, my days went back to normal. Winter season is nearing to end and spring will come soon. Bago pa man lumipas ang taglamig ay sinamahan ko na si Wade na maglaro sa labas ng snow. Kasama n'ya si Percy na gumagawa ng snowman habang ako ay nakaupo lang at pinapanood sila.

"Mommy! Join us!" masayang pag-aya sakin ni Percy matapos lagyan ng stick ang snowman bilang kamay nito.

Ngumiti ako sa kanya at umiling. "I'm fine here. Just play with tito Wade." sagot ko at kinuha ang stick na nasa lapag.

"Don't invite your mommy anymore, Percy. She's a killjoy." saad ni Wade. Sinamaan ko s'ya nang tingin ngunit dumila lang s'ya na parang bata.

'Tss.'

"I'll go upstairs. Kukuha lang ako ng kape." paalam ko sa dalawa. Agad silang tumingin sa'kin.

"I want hot choco, mommy!" agad na saad ni Percy. Ngumiti ako at tumango.

"Okay. Wait here a bit." sagot ko at tumalikod na para magtungo sa unit.

"I want hot choco too, mommy!" agad akong dumakot ng snow sa lapag at binilog yun. Malakas kong binato kay Wade ang binilog na snow habang s'ya naman ay humahalakhak dahil sa ginawa ko.

'Gago!'

"Shut up, Wade! Bumili ka kung gusto mo!" iritado kong singhal at muli pa s'yang binato ng snow. Ako naman ang tumawa nang ma-shoot iyon sa bibig n'ya.

"Yah! Ang sama-sama talaga ng ugali mo!" singhal n'ya at tumakbo palapit sa'kin. Agad akong tumakbo palayo habang tatawa-tawa pa rin at hindi maalis sa isip ang itsura n'ya.

'Seryoso, ang panget n'ya! Hahahaha!'

"Mas masama ka, ulul!" sagot ko at muli na sanang dadakot ng snow nang mahuli n'ya ko. Niyakap n'ya ko mula sa likuran at hinigpitan pa 'yon para hindi ako makawala.

"Wag kang tumakbo! Gaganti pa ko eh!" singhal n'ya at sinubukan kong kumawala sa pagkakayakap n'ya ngunit mahigpit iyon. Muli akong natawa.

"Bumitaw ka nga! Feel na feel mo namang yakapin ako." natatawang pang-aasar ko sa kanya. Agad s'yang ngumiwi at mahinang inumpog ang noo n'ya sa ulo ko.

"Feelingera! Pupunta ka lang agad sa unit pag binitawan kita!" singhal n'ya at pinaharap pa ko kay Percy. Nagulat ako dahil sa ginawa n'ya.

"Hey, Percy. I'm your captain and I order you to shoot this woman right now." saad ni Wade na ikinanlaki ng mga mata ko.

"Ano?! Tigilan mo nga ko! Idadamay mo pa yung anak ko sa kalokohan mo!" singhal ko at pilit na kumawala.

"Inumpisahan mo eh." sagot n'ya at muling ngumisi. Iritado ko s'yang nginiwian na tinaasan n'ya lang ng kilay. Halatang nang-aasar.

'Aish!'

"Do it, Percy. You got this! Akong bahala sa mama mo." panghihikayat pa n'ya. Muli ko s'yang nginiwian at tumingin kay Percy.

"Don't listen to him, anak. You love your mom, right?" nakangiting tanong ko habang nakatingin kay Percy na may hawak ng snowball.

"No! She's a traitor! Don't listen to her!" sagot ni Wade. Inapakan ko nang malakas ang paa n'ya nang bigla s'yang sumigaw.

Agad n'ya kong nabitawan at tinignan pa ang sapatos n'ya. Muli akong ngumisi sa kanya nang tignan n'ya ko nang masama. Susugurin na sana n'ya ulit ako nang batuhin s'ya ni Percy ng snowball.

SECTION F: The Eternal Adventure (Season 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon