YVAINE'S POV:
"Satingin mo, kailan sila babalik?" tanong ko kay Noah nang makapasok kami sa secret room ko na nakatago sa loob ng cabinet.
"Sila kuya Phorcys?" tanong n'ya. Tumango ako bilang sagot.
Bumuntong hininga s'ya at nagkibit balikat bilang sagot. "Wala silang exact date na sinabi kaya wala rin akong ideya." sagot n'ya sa tanong ko. Nang maupo ako sa swivel chair ay muli akong tumingin sa kanya.
"Pero alam mo kung saan sila nakatira ngayon?" muli pang tanong ko. Tumango s'ya bilang sagot.
"Oo. Yun nga lang ay hindi ako palaging nakakadalaw dahil na rin sa dahilan na maraming nakasubaybay sa bawat gagawin ko." sagot ni Noah at naupo sa kaharap kong swivel chair.
"Si Perseus na? Kilala na ba n'ya ang totoong magulang n'ya?" tanong ko. Muli s'yang nagpakawala ng mabigat na buntong hininga at sumandal habang kagat-kagat ang daliri n'ya.
"Oo. Hindi na tinago ni Ace ang katotohanan kay Perseus dahil wala naman daw 'yong saysay. Hindi naman habang buhay sa kanya ang bata." sagot ni Noah. Bahagya akong nakaramdam ng lungkot para kay Ace dahil sa nalaman.
Bilang ina, alam ko kung gaano kasakit na mahiwalay sa anak n'ya. Kahit pa hindi n'ya tunay na anak si Perseus, sigurado akong minahal n'ya rin ang batang 'yon at masasaktan at masasaktan s'ya sa oras na bawiin na sa kanya si Perseus.
'At bilib ako sa tapang n'ya na isiwalat kay Perseus ang katotohanan. Sana ganon na lang din ang ginawa ni Papa noon nang hindi ako nagmukang tanga kakahanap ng mga sagot sa sangkatutak na tanong.'
"Sigurado akong malulungkot ang Ace na 'yon pag binawi na sa kanya si Perseus." Mahinang bulong ko sa sarili. Naramdam ko ang pag tingin sa'kin ni Noah kaya tumingin din ako sa kanya.
"Siguro nga. Mahal n'ya si Perseus eh. Strict s'ya pero alam kong mahal n'ya ang batang 'yon." sagot ni Noah at ngumiti sa'kin nang tipid. Ngumiti ako sa kanya pabalik.
I guess, there's no need for me to be jealous over Ace. Alam ko naman kasi na kahit ilang taon silang nagkasama ni Noah, ako pa rin ang mahal ng lalaking 'to. Halata naman sa mga mata n'ya eh. Hindi man lang nagbago. Ganun pa rin s'ya tumingin sa'kin. Para bang ako nag pinaka-maganda at pinaka-perpektong tao na nakita n'ya.
At may tiwala ako sa kanya. Maaaring sinira n'ya ang pangako n'yang hindi n'ya ko iiwan, pero yung pangako n'yang ako lang palagi ay hindi n'ya man lang nagawang sirain kahit may ibang babae s'yang nakakasama at kahit malayo kami sa isa't-isa.
"Noah," pagtawag ko sa boyfriend ko. Muli s'yang tumingin sa'kin at lumapit pa.
"Hmm? Bakit, babe?" marahang tanong n'ya at hinawakan pa ang kamay ko at hinalikan iyon. Muli akong napangiti dahil sa ginawa n'ya.
"Gusto mo ba si Ace?" tanong ko. Kumunot ang noo n'ya dahil dun.
"Bilang kaibigan? Oo." sagot ni Noah. Talaga namang hindi n'ya hinahayaang magkaroon kami ng misunderstanding eh no?
Ngumiti ako dahil sa isinagot n'ya at tumayo mula sa pagkakaupo sa swivel chair. Naupo ako sa kandungan ni Noah at hinilig ang ulo sa balikat n'ya.
"Ako? Gusto mo pa rin ba ko?" tanong ko habang nakayakap sa kanya at tinititigan ang gwapo n'yang muka.
Hindi ko talaga akalaing may mas iga-gwapo pa si Noah. Nag-mature ang muka n'ya, pero putangina napakagwapo n'ya pa rin! Mas lalo ko tuloy nakikita ang resemblance n'ya kay tito Nicholas.
"Gustong pakasalan? Oo. Gustong maging asawa? Oo. Gustong makasama habang buhay? Oo naman yes!" sunod-sunod n'yang sagot. Muli akong natawa dahil sa sagot n'ya at hinaplos ang panga n'ya.
BINABASA MO ANG
SECTION F: The Eternal Adventure (Season 3)
Любовные романыThey lose, They lost, But most importantly, They learned. And even if the fate separated them from each other, The stars will always find a way to be aligned. "Once again, welcome back, Section F. Welcome home, our family." Date Published: January 1...