YVAINE'S POV:
"How do you know my name, miss?" pag-uulit ni Ace ng tanong sa'kin. Tyaka lang ako natauhan nang bigla s'yang mag-snap sa harapan ko. Napakurap-kurap ako.
"H-ha? Ahh... Ehh... A-ano... Naglalaro kasi ako ng tong-its s-sa phone ko----shet! Ba't ako nagtatagalog eh foreigner 'to?" biglang saad ko at nakagat pa ang ibabang labi dahil sa katangahan.
'Yan tayo, Yvaine eh. Nagiging tanga pag may gwapo.'
Muli akong napakurap-kurap habang nakatingin kay Ace nang marinig ko s'yang tumawa. Awkward akong ngumiti habang pinapanood s'ya.
'Shocks! Ang gwapo pati ng tawa n'ya!'
Mamamatay na ba ko ngayon? S'ya ba ang susundo sa'kin? Shet! Sasama 'ko kagaad!
"Uhm... Why are you laughing?" nagtatakang tanong ko. Iniwas n'ya sa'kin ang tingin at marahang umiling habang tumatawa pa rin. Tatawag na ba ko ng mental hospital? Baka malala na s'ya?
"Nothing. Anyway, come inside. The doors will close." sabi n'ya. Agad naman akong pumasok at tumabi sa kanya.
Pasimple pa kong suminghot sa paligid at nangangamoy ang pabango n'ya sa loob. Shemay! Ang bango-bango n'ya!
'Oh god! Please tell me I'm not gay.'
Ace is still a woman, Yvaine!
"Which floor are you?" tanong ni Ace. Tangna! Parang ayaw kong maniwala kay Noah na babae 'tong si Ace! Eh pati boses n'ya panlalaki eh!
'Kokotongan ko talaga si Noah pag lalaki si Ace.'
"Uhm... Parking lot." sagot ko. May elevator din kasi sa parking lot.
"Okay. Dun din ang punta ko." sagot n'ya. Tumango-tango ako habang nakangiti dahil sa sagot n'ya.
"Ahh... Paalis ka na pala..." mahinang sabi ko. Muli akong nagulat at napaawang pa ang bibig nang mag-sink in sa'kin ang sinabi n'ya.
"Marunong kang magtagalog?!" gulat kong tanong. Muli s'yang natawa nang mahina na para bang pigil na pigil pa.
"Fuck. She's cute." mahinang bulong n'ya na dinig na dinig ko dahil magkalapit lang kami. Uminit ang pisngi ko nang dahil sa narinig.
'Cute raw ako! Hehehe!'
"Ehem. Yeah. I know how to speak tagalog and I understand tagalog. I was raised in Philippines." paliwanag n'ya. Muling nagseryoso ang tono pati na rin ang muka.
Shesh! Don't be shy, darling.
"Talaga? Anong ginagawa mo rito sa California?" nakangiti kong pag-usisa. Tumingin sa'kin muli ang mga mata n'ya.
Gosh. She has a fierce eyes like a wolf. A thick perfecly done eyebrows and a long eyeslashes. She has a fair white complexion and her nose is pointed. Her lips were red like a tomatoes and her jawline is freaking perfect! Para s'yang living anime character!
'Oh god. Kung nandito si Lexie ngayon, baka kanina pa kami nagtititili.'
Dagdag mo pa yung height n'yang super tangkad! Ewan pero parang mas matangkad ata s'ya kay Noah nang ilang centimeters. Hindi malaki ang pangangatawan n'ya pero feeling ko may abs din s'ya hehehe. Di lang naman lalaki ang pwedeng magka-abs eh. Pati babae pwede rin no!
Nang muli akong tumingin sa mga mata n'ya ay kulay asul 'yon kahit na itim ang buhok n'ya. Pang-Levi Ackerman ang hairstyle n'ya kaya mas lalo s'yang nagmumukang si Levi. S'ya ang matangkad version ni Levi Ackerman!
BINABASA MO ANG
SECTION F: The Eternal Adventure (Season 3)
RomanceThey lose, They lost, But most importantly, They learned. And even if the fate separated them from each other, The stars will always find a way to be aligned. "Once again, welcome back, Section F. Welcome home, our family." Date Published: January 1...