THIRD PERSON'S POV:
"Are you really sure that you can face them now, Yvi?" tanong ni Svetlana sa kanyang pinsan habang hinahanda ang kanilang mga gamit upang manakaw ang mahalagang bagay na pinakukuha ng mafia boss sa kamay ng mga Caylor.
Lumingon si Yvaine sa kanyang pinsan matapos i-ponytail ang kanyang buhok. Bumuntong hininga ito at nagkibit-balikat.
"Hindi ko naman sila haharapin. Hindi nila tayo pwedeng makita." sagot nito na ikinairap ng kanyang pinsan. Tinali ni Svetlana ang sintas ng kanyang sapatos at tinali rin ang kanyang buhok nang matapos.
"What I mean is----handa ka na bang makita silang dalawa? Siguradong nandun sina Lindsay at Laxor." sagot ni Svetlana at naupo muna saglit.
Natigil si Yvaine sa paglalagay ng bala sa kanyang baril.
Bumuntong hininga ito nang muli n'yang maalala ang mga kaibigan. Tipid s'yang ngumiti nang makaramdam ng lungkot na agad n'ya ring iwinaksi. Hindi n'ya maaaring pairalin ang kanyang lungkot lalo pa't may misyon sila ngayong gabi.
'Na dapat nilang mapagtagumpayan.'
"Siguro? Wala naman akong magagawa." sagot ni Yvaine at nilagay sa gun pocket ang kanyang baril.
"Kahit makita ko sila ay siguradong marami na ring nagbago. Hindi ko nga lang alam kung alam na ba nila ang posisyon ko rito sa mafia org." dagdag pa ni Yvaine na ikinabuntong hininga ng kanyang pinsan.
"I really wish na hindi ka nila husgahan agad nang dahil lang sa trabaho mo." sagot ni Svetlana. Hindi nagsalita si Yvaine at nagpatuloy lang sa ginagawa. "Tutal yun din naman ang ginawa mo noon nang malaman mong pulos assassin ang mga kaklase mo."
Biglang natigilan si Yvaine sa kanyang ginagawa nang marinig ang idinugtong ni Svetlana. Muli s'yang bumuntong hininga at pinilig ang kanyang ulo nang maalala ang buong section F.
"Magkakaiba kami noon, Vena. Mga assassins sila kaya dapat lang na rasyonal silang mag-isip. Samantalang ako ay puro emosyon ang pinairal kaya hindi ko kwinestyon ang trabaho nila." sagot ni Yvaine at dinampot ang baso na may lamang alak at ininom 'yon.
"At maiintindihan ko rin kung ku-kwestyunin nila ang desisyon ko." dugtong pa ni Yvaine na ikinairap ni Svetlana.
"Yeah right. They have the rights to question you but they don't have the right to judge you. You're still the one of the higher ranker here, Yvi. Don't let your previous friends to disrespect you." huling salita ni Svetlana bago umirap sa kanyang pinsan at lumabas na.
Bumuntong hiningang muli si Yvaine at naupo saglit.
'How can I accomplish this mission if I'm going to betray the Caylors?' tanong ni Yvaine sa kanyang isip.
Pinilig na lamang n'ya ang kanyang ulo at muling uminom ng alak bago muling tumayo. Buo na ang desisyon n'ya. Susundin n'ya ang nais ng kanyang ama upang makuha ang inaasam-asam n'yang trono na hindi pa rin ibinibigay sa kanya.
'Don't worry, Yvaine. This is the last time. After this, after accomplishing this mission, you'll get the throne that you deserve.' muli pang pagkumbinsi ni Yvaine sa kanyang sarili.
Lumabas na s'ya sa kwartong iyon at dumeretso sa meeting room. Kumpleto na lahat ng mga tauhang kailangan n'ya para sa misyon na 'to. Pasimple s'yang lumingon sa gawi ni Avon at Blake na parehas seryoso ang muka na para bang kagagaling lang sa matinding sagutan.
'Wag naman sana nilang sirain ang mga plano ko. Malapit ko nang makuha ang posisyon. Konting tiis na lang.' saad pa ni Yvaine sa kanyang isip.
BINABASA MO ANG
SECTION F: The Eternal Adventure (Season 3)
RomanceThey lose, They lost, But most importantly, They learned. And even if the fate separated them from each other, The stars will always find a way to be aligned. "Once again, welcome back, Section F. Welcome home, our family." Date Published: January 1...