A Decision That Made From Sudden Emotions Will Only Lead To Regret.

247 10 3
                                        

WARNING: BRUTAL SCENES, HARSH WORDS, ANGER ISSUES, KILLING, DEATHS AND TRAUMA ARE PARTS OF THIS STORY.

-

'·..➭ chapter seventeen
⇉ underworld society arc

N A H A T  A D E L A I D E I N

Kinabukasan ay bumalik din kaming lahat sa NeverNight City kaya ito ako, na sa loob ng palasyo sa mismong office ng Suzerain. Balita ko nga ay busy ito pero sa gulo ng utak ko ngayon ay nabura bigla ang busy na salita sa vocabulary ko.

Syempre, hinatid ko si Walter ng maayos at hindi na nagsalita patungkol sa mga naganap no'ng madaling araw. Wala akong energy na pag-usapan 'yon, hindi rin naman siya nagtatanong kaya sasarilihin ko na muna sa ngayon.

Gano'n din ang AG, si Achexen at ang dalawang Veroca. Lahat ay tahimik sa byahe, walang nagsasalita na pumabor naman sa akin. Sobrang bigat ng dila ko ngayon na maski pagbukas sa bunganga ko ay hirap pa ako. Hanep, matatahimik ka na lang talaga sa mga nalalaman mo.

Gaya ng sabi ko, bumalik kami sa City. Alas Nwebe na ngayon ay kakarating ko lang. Pinigilan naman ako ni Rocaine na dumeretso sa Office ng Suzerain pero hindi ko siya kinikibo. Gano'n din si Elias na parang hangin lang sa akin ngayon.

Idagdag mo si Terri at Elaine na nagtatanong pero hindi ko man lang sila tinapunan ng tingin.

Kaharap ko ngayon ang tatay ni Terri, si Atty. Anderson. Kunot na kunot ang noo nito at nagtaka pa bakit na sa harap na niya ako.

"What can I do for you, Your Highness?" Ito ang naging tanong niya sa akin nang bigla akong pumasok sa office ng Suzerain na walang kahit na anong katok.

Sa loob ng office ng Suzerain ay mga taong nandoon ang magkakaibang lahi. Apat sila kasama ang Suzerain. Parehas silang napatingin sa gawi ko pero wala man lang nabago sa mga expression sa mga mukha nila.

All and the eye contacts, they stared at me as if I am someone who can be read with just a look.

A man in his 50's, ginger ang buhok nito ang mata ay electric blue. Sobrang puti, may mga freckles pa ito. Sobrang elegante ng suot nito, may suot siyang cape at may korona na nakapatong sa kaniyang ulo.

Isa siyang hari? He is.

The second one, a woman with her black long silky hair. Those sharp jawline, roman nose, arched eyes brows and soft lips. She got the look of someone who would never slide everything.

What makes her stunning is her eyes, those narrow wide jade green eyes that piercing through my soul. She's no white, more like brown skin that makes her so intimidating.

She looks like a goddess but not so angelic.

Mukha siyang sa 40's niya, wow.

Wala siyang kung ano na korona. Intimidating aura lang ang dala niya pero alam na agad na bigatin siyang tao. Nakikipagtitigan pa rin ako sa kaniya pero kalaunan ay tinaasan niya ako ng kilay dahilan upang matawa ako sa kaloob-looban ko.

At ang panghuli na mukhang ka-edad ko lang. She got this blond curly hair with her light brown siren eyes. Masyadong maputi na akala mo ay bampira. Walang nakangiti sa kanilang tatlo, ito naman ay may nakapatong na korona sa ulo. A Queen? Crown Princess? Hindi ko alam dahil sobrang bata pa talaga niya tignan. She's dressed in white formal dress.

MBUS Book II : Nahat Adelaidein RooseveltMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon