Chapter 35

273 9 4
                                    

Shane's POV

Gumising ako bandang alas otso na, as usual nasa trabaho na si Eion ng ganitong oras. Nang tignan ko ang side table, may tray ng pagkain roon at may note ulit.

' Good morning, beautiful! Finished your breakfast, and don't tired yourself too much. ILY.'

Yun ang nakasulat sa papel. Nangunot ang noo ko nang hindi ko naintindihan ang ibigsabihin ng 'ILY'. What does he mean by that? Hmm... Baka naman wala lang iyon.

" Maybe, panibagong style ng paggoodbye? Right! " kumbinsi ko sa sarili ko, kahit hindi ko naman alam kung tama ba.

Kinain ko na lang iyon at bumaba na nang matapos. Hinugasan ko iyon at nagsimula nang maglinis sa buong penthouse. Nasa kalagitnaan ako ng pagwawalis nang makaramdam ako ng hilo kaya umupo na lang muna ako. Nang maging okay na ulit ang pakiramdam ko, nag patuloy na ulit ako sa paglilinis. Nagpupunas ako ng mga vase sa sala nang biglang tumunog ang cellphone ko, tunog iyon tuwing may mga nagmessage sa akin.

Tumayo ako naglakad papunta sa kusina kung saan ko naiwan ang ceelphone ko. Agad kong tinignan kung sino ang nagmessage. Isa iyong unknown number at napanasin kong hindi lang message ang sinend noon, kundi pati litrato. Nang buksan ko ang unknown number, sumalubong sa akin ang larawan ni Eion at Sofia.

Tulad nuong unang maabutan ko sila, ganun ulit ang posisyon nila. Nakaupo si Sofia sa kandungan ni Eion, but this time malapit na ang mukha ni Sofia kay Eion habang si Eion nakapikit lamang na para bang natutulog. As if naman matutulog iyon habang nagtatrabaho, diba? Baka naman nakahanda na sa paghalik Kaya ganoon!

Nakahawak pa si Sofia sa magkabilang balikat ni Eion at magkalapit na magkalapit pa ang dibdib nila. Hindi ko namalayang maytumutulo na palang luha sa mata ko. Naninikip ang dibdib ko, para iyong pinagpipiraso. Hindi ako makahinga ng maayos kaya sinubukan kong huminga ng malalim, ngunit ganun parin. Tinignan ko ang message doon, at napagtanto kung sino ang nagsend non!

' I thought you're a special someone for my son, but why he's with my dear Sofia? Maybe having a good time with her, huh? '.

Yun ang nakalagay roon. Pagkakabanggit pa lang sa 'son' alam ko nang mommy ni Eion yon. Natulala lang ako hindi makagalaw sa kinatatayuan ko. I feel numb. Para bang inaasahan ko nang masasaktan ako. Bakit ganito? ...

Magsisimula pa lang akong sumugal, e! Susugal pa lang kami ng anak ko! Alam kong masasaktan lang ako, pero meron parin namang part sakin na umaasang magiging maganda ang kalalabasan. Bakit parang napaaga naman ata ang sakit? Bakit hindi ka na ba nakapaghintay destiny? Kung sila man Edi sila!? Gusto ko lang naman na kahit papaano ay malaman ni Eion, na kahit hindi niya ako mahal ay may nabuo parin sa pagitan namin.

Now I can finally say it. I love him! Yes! Napakatanga ko diba? Nagmahal ako ng isang taong hindi ako mamamahal pabalik! Ganoon ako katanga para sumugal pa sa isang bagay na malaki ang posibilidad na matatalo ako! This isn't a game, but I feel like I lost this fight....

Nang magising ako sa pagkakatulala, agad akong dumeretso sa banyo at naligo. Nagbihis lamang ako ng simpleng damit at agad nang lumabas ng penthouse ni Eion. Tahip-tahip ang kaba sa dibdib ko at wala ring tigil sa pagluha ang mata ko na patuloy ko namang pinapalis.

′Pupuntahan ko si Eion! Hindi ako pwedeng basta-basta maniwala na lang! Paano kung matagal na pala ito? Yung hindi pa ako dumadating sa buhay niya?′ patuloy kong pangungumbinsi sa sarili ko.

Please... Huwag ngayon. Ngayong plano ko nang sabihin sakaniya ang totoo. Please. Hindi ko kaya... Hindi ko makakaya...

"Hold on baby, pupuntahan lang natin si daddy, okay? " aniya ko haplos ang tiyan ko habang patuloy na tumutulo ang luha ko. Pilit kong tinatago ang hikbi ko para hindi makakuha ng atensyon sa ibang tao. Nang makasakay ako sa taxi, agad ko iyong pinapunta sa Building ni Eion. Nang makababa ako sa taxi agad na akong pumasok sa loob at sumakay sa elevator.

Nang makarating ako sa floor ng office ni Eion, sinalubong kagad ako ng mommy ni Eion. Nasa gilid niya naman si Michael na parang naawa na ano sa akin. Hindi ko kailangan ng awa niyo, please lang!

Pinihit ko kagad pabukas ang pinto ni Eion nang maunlock na ito. Ngunit agad ring napatigil sa nakita. So it's really legit, huh? It's not fake, then! I thought wala nang mas isasakit pa sa nakita ko sa litrato pero mas masakit ito. Dahil harap-harapan na. Harap-harapan nang isinasampal sa mukha ko na totoo ang lahat ng ito.

Nakatalikod si Eion sa akin na nakaupo sa swivel chair kaya hindi niya ako nakita. Hindi gumagalaw si Eion, ngunit si Sofia todo ang lapit sa katawan ni Eion. Nakita ko ang pagsulyap ng tingin ni Sofia sa akin habang nakalapit ang mukha kay Eion. Ni Hindi man lang siya nagulat na narito ako, na para bang inaasahan niya nang pupuntahan at mahuhuli ko sila.

Gustong-gusto ko siyang sugurin! Gustong-gusto ko siyang saktan! Gusto ko siyang itulak palayo kay Eion! Pero sa hindi malamang kadahilanan, hindi ko magawa ang lahat ng iyon. Gusto ko na lamang tumalikod at umalis rito, pero tila napako na ang mga paa ko sa kinatatayuan ko.

Kumikirot ang puso ko sa isiping masaya pa kami nung mga nakaraang araw. Tapos ngayon ganito na kagad. Mali bang naging masaya kami sa saglit na panahaon? Wala naman kaming tinatapakang ibang tao! Pero bakit ganito?...

Ni hindi man lang ako nagulat at napapikit nang biglang bumulong sa likod ko ang mommy ni Eion.

" Dear... What do you think? Mas bagay sila diba? Successful ang anak ko, ganun din si Sofia! Ikaw? Wala ka namang maipagmamalaki sa anak ko! Kaya layuan mo na ang anak ko. Alam ko naman na una palang silang dalawa na talaga. Close na close sila mga bata pa lang. Kaya sinong ibang babae ang ipagpapalit niya sa babaeng matagal niya nang nakasama, diba? Hahayaan mo bang masira ang kasiyahan ng anak ko? Kung mahal mo talaga ang anak ko, magagawa mong layuan siya para sa kasiyahan niya! Kaya-"

" Why? Did you ever love someone before?" malamig kong tanong sa matanda, kahit na sobrang sakit na. Natigilan siya sa tanong ko kaya nagpatuloy ako. " Kung nagmahal ka ngang talaga, maiintindihan kita. Iintindihin kita pero huwag niyo hong asahan na gagawin ko ang sinasabi mo. " aniya ko. " Pero huwag ho kayong mag-alala hindi ko na guguluhin ang anak niyo, kung si Sofia nga talaga ang kasiyahan niya. Asahan niyong hindi niyo na makikita ang pagmumukha ito. " mariin kong sabi sakaniya na tuluyang nagpatigil sakaniya.

Nilapitan ko ang water dispenser at kumuha ng tubig roon. Dinala ko iyon palapit sa dalawa, nagtataka pa si Sofia nang lapitan ko sila. Nakita kong nakapikit pa si Eion. Ano to? Sarap na sarap? Agad kong binuhos sa mukha ni Eion ang tubig, para mahimasmasan. Bigla siyang napabangon at tumingin sa paligid na para bang naguguluhan. Ano nagka-amnesia ka na sa sobrang sarap ng pinalasap sayo ng kababata mo?

" F*ck!?" gulat niyang aniya at agad na napatayo, kaya muntikan pang mahulog si Sofia sa sahig, ngunit buti na lamang ay nabalanse nito ang katawan. " B-baby..." anito na tumingin sa akin. Pagkalito ang makikita sakaniyang mukha. Bakit? Nagtataka ka kung paano ko kayo nahuli, huh!?

" Hindi mo na ako kailangang isipin pa. I know you were just guilty, because I caught you, again. But don't worry... Wala namang tayo, hindi ba? " Tumalikod ako sakanya para hindi niya makita ang luhang nagbabadya na namang bumuhos. Winala ko ang lahat ng reaksyon ko sa mukha habang patuloy parin sa pagtulo ang luha ko. At binanggit ang mga salitang nagpasikip lalo sa dibdib ko. " Goodbye, Eion. I wish we'll not see each other again. Be happy..." at tuluyan nang lumakad paalis.

" B-baby! W-what do you mean? Please baby, listen to me! " rinig ko pang sabi niya habang habol ako palabas. Binilisan ko ang lakad ko pasakay sa elevator, at agad iyong sinara. Bago ko pa iyon masara nakita ko pa ang mga mata niyang nasasaktan. Don't give me that kind of eyes, Eion. Baka hindi ko matiis at bumalik muli sayo. Pero...Bakit ka nga naman pala masasaktan, Eion? You never said you love me. So why..?

At mas okay na sigurong ganito, para hindi na siya patuloy na nahihirapan. Maybe, were not really meant to be with each other... Maybe, Kaya patuloy tayong nasisira ay dahil ito ang paraan ng Diyos para sabihin sa ating, 'tama na' dahil baka hindi talaga tayo para sa isa't isa. Kaya be happy Eion, because I give up this fight for you.

For your happiness at para hindi ka narin mahirapan pa...


Note:

Dapat Mamaya pa 6 pm ang update ko mahaba naman ang Chapter Na ito May Pasok na kami sa Monday Siguro 2 beses na lang ako maguupdate sa isang linggo or 1 beses Magiging busy na ulit ako May pasok na f2f na kami kaya sa gabi na lang ako maguupdate or Pagwala pasok ^_^ Hehehe Goodluck sa mga student tulad ko.💖

CEO SERIES #4: Hidden The Ceo's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon