Chapter 55

243 5 2
                                    

WARNING:Matured Content,🔞

Shane's POV

Umiiyak ako habang nasa loob ng kotse ni Eion, habang siya masungit ang mukha. Hindi ko alam kung anong problema niya, basta ang iniisip ko na lang ay ang pag-iwan namin kay Azer. Feeling ko ang sama-sama ko nang iwan namin siyang mag-isa doon.

" Mama, stop crying na..." ani Davin. Lumingon naman ako sakaniya, nasa likod kasi siya sa backseat. Dumukwang lang siya para makita ako. Ngumiti akong pilit sakaniya.

" Don't worry, baby. I'm okay. " sabi ko. " Go back to your seat now, baby. "

Sumunod naman siya. Tulog parin si Davis at nakahiga ang ulo sa hita ni Nana sa backseat kaya hindi gaanong maingay. Nang balingan ko si Nana, nakita ko ang malungkot niya ring ngiti sa akin. Alam kong iniisip niya rin si Azer, kaya hindi ko maiwasang mapaisip kung ano na ang gingawa niya ngayon. Umalis na kaya siya sa Condo? Bumalik na sa bahay niya?

Tumingin na lamang ako sa labas at pinagmasdan ang tanawing nadadaanan namin. Sinabi na ni Eion'ng sa bahay niya na kami titira, pero hindi ko parin alam kung saan ang eksaktong lugar. Sa yaman nito, sigurado akong marami itong bahay O baka mansiyon pa. I should be happy, right? Because finally pwede na kaming mabuo, magkakaroon narin ng ama ang kambal. Pero... Ang lungkot ko dahil sa isiping, iniwan namin si Azer ng ganoon.

Ilang oras pa ang lumipas nang tumigil ang kotse. Hapon na nang makaalis kami kanina sa condominium, kaya ginabi kami ng dating dito sa bahay na sinasabi ni Eion. Nang tumingin ako sa labas. Wala akong makita sa paligid kundi ang lamparang sosyal na nakadikit sa magkabilang gilid ng isang harang- No. It's a gate. Matayog at mataas na gate.

Maylumabas na guard mula sa maliit na pinto ng gate sa bandang gilid at nilapitan ang kotse ni Eion. Hindi pa binababa ni Eion ang windshield kaya hindi makita ni manong guard kung sino ang nasa loob. Ala! Baka trespassing na kami dito, ah! Baka mali ang napuntahan ni Eion. Baka sa sobrang dilim at ilaw lang ng kotse ang maliwanag kaya napagkamalan niyang bahay niya to? Nako!

Kinatok ng guard ang bintana sa side ni Eion.

" Eion, baka mali ang napuntahan mo, ah! Nako! Ma-trespassing pa tayo nito! " kinakabahan kong sabi habang nililingon ang guard.

Hindi ako sinagot ni Eion at binaba na lamang ang windshield sa tabi niya. Nagulat ang guard nang makita si Eion. Nako! Manong guard! Baka pati ikaw nabihag ng kagwapuhan neto!?

" K-kayo pala, Sir! Sorry hindi po namin nakilala ang kotse niyo. Iba po kasi ito sa dati niyo pong gamit..." hingi ng paumanhin ni manong guard na napapakamot sa ulo. Ayy Hindi pala... Peace tayo manong guard, hehe!

" It's okay. Pabukas na lang ng gate. " ani Eion. Agad namang kumaripas pabalik ang guard at doo'y kusang nagbukas ang gate. Wow! Automatic pa! Nang tuluyan nang mabuksan ang gate, dun ko lang lubos nakita ang bahay na sinasabi niya. Tulad nung mga naunang dala niya sa akin sa mga sinasabi niyang ′Bahay ′ napanganga ako. Just like WOW! It's not just a simple house, it's a freaking mansion!! Hindi tulad nung napagdalhan niya sa akin dati mas mukhang modern ang design ng isang ito.

Paikot din ang daan nito papunta sa mismong ′bahay ′ kuno. At may isang fountain sa gitna na may isang angel na may hawak na parang pitsel, doon lumalabas ang tubig pagbaba. Umandar ulit ang sasakyan papasok ng gate. Hindi ko na magawang itikom ang bibig ko dahil sa mangha.

" We're here..." anunsiyo ni Eion. Narinig ko ang pag unlock niya sa mga pintuan, kaya binuksan ko na ang pintuan sa gilid ko. Hindi pa ako makagalaw ng maayos nang makababa ako, dahil sa pagkakatulala sa mansiyon na ito. Hindi kasi ito mansiyon na tulad sa mga fairy tales. Ang isang ito ay may mga salamin na dingding kaya makikita mo ang ibang bahagi nito mula sa labas. At ang mga ilaw nito sa labas ay yellow. Sa loob nito ay maliwanag at buhay na buhay na mansiyon. Kung hindi lang dahil sa laki nito hindi mo mapagkakamalang mansiyon ito dahil sa mala-bahay nitong vibes.

CEO SERIES #4: Hidden The Ceo's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon