Chapter 2

669 26 5
                                    

                   Shane's POV

Pagkarating ko sa coffee shop, sigaw, pangaral at reklamo lang naman ni Ma'am Shane ang sumalubong saken.

Pero lahat ng yon hindi pumapasok sa utak ko. Iniisip ko parin yung huling sinabi nung hot na lalaki kanina.

Paano niya nalaman pangalan ko? Napatingin ako sa taas ng dibdib ko at ayun nailagay ko n pala ang name tag namin dito. Siguro kakamadali ko kanina hindi ko na napansin. 'Ang tanga mo, Shane! '

“ Oh! Ano pang tinatayo-tayo mo diyan? Magbihis ka na don! Anong oras na! Nahiya naman akong Manager dito at mas nauna pa ko sayo! ”, sigaw niya sakin. Napatalon ako dahil sa sigaw ni Ma'am Che na ngayon lang nagsi-shink in sakin.

Agad-agad na akong nagpalit ng usual uniform namin dito. At kinuha mula sa tabi ng counter ang order ng customer.

“ Here's your order Ma'am. Enjoy your coffee!” at sabay ngiti sa customer. Pumanhik na ulit ako pabalik sa counter para maghatid ulit ng orders. Paulit- ulit lang ang ginawa ko, hanggang sa matapos ang oras ng duty ko. It's already 3 PM nang matapos ako, Kaya hindi pa madilim sa labas.

When I arrived at home it's already 3:46 pm, ang traffic kasi kaya natagalan. Nagbihis kagad ako nang pambabay at humiga sa kama. Pagpikit ko, napadilat din ako kaagad nang pumasok na naman sa isipan ko yung lalaki kanina. ‘Haystt! Ano ba toh! Aksidente lang naman yung nangyari pero bakit naalala ko na naman? ’

Nung marinig ko yung huli niyang sinabi, biglang bumilis sa pagtibok yung puso ko. Hindi ko alam kung kinabahan lang ba ako o ano. ‘Haynako, Shane! Kalimutan mo na yon, okay? Huwag mo na siyang isipin, aksidente lang ang lahat! Hindi na ulit kayo magkikita. Tapos! ’

Pumikit muli ako pero siya at siya parin ang nasa isip ko. ‘Argghhhh! Ano ba, Shane?! Tanggalin mo na siya sa isipan mo! ’ Nagpaikot-ikot na ko sa kama wala parin. Harap sa kaliwa, sa kanan, sa kisame at dumapa narin ako lahat-lahat hindi parin siya natatanggal sa isipan ko! Ang ending pagkagising ko sa umaga mukha na akong naka-drugs dahil sa eye bags ko. Ni hindi nga ako nakatulog! Nakakainis na lalaking yon! Bakit ko ba kasi siya iniisip?!

Bumangon na ako at ginawa ang routine ko tuwing mayduty ako. Ang tagal ko bago natapos dahil sa sobrang kabagalan ko kumilos. Gusto ko pa ulit humiga at matulog pero ayaw ko na mang masisante ng tuluyan.

Nakarating ako sa coffee shop around 7 o'clock, as usual pag gantong oras wala pa si Ma'am Che Kaya tahimik pa ang umaga ko. Pero nang dumating si Ma'am Che nasira na naman ang umaga ko.

“ Oh buti naman at NAPAAGA ka ngayon, Shane! ”, she said w/ sarcasm in her tone. Napairap na lamang ako ng palihim. “ Lahat kayo magsihanda kayo ah! May mga Special Customers tayo mamaya! Kaya umayos kayo! Ayokong napapahiya tong shop! At ikaw Shane ikaw ang mage-entertain sakanila. Maliwanag? ”, sabi niya habang nakatutok sakin ang lagi niyang dala-dalang pamay-pay.

‘ W-what bakit ako? Baka mapahiya na naman ako nito! ’ Dati kasi ako narin ang pinag-entertain ni Ma'am kasi ako daw ang kahit PAPAANONG pinakamaganda sa mga staff. Pero ang ending nakabasag lang naman ako ng 15 expensive coffee mug ng cafe at 15 expensive plates , na nagkakahalaga lang naman lahat-lahat ng 32,590. Hindi ko alam bakit umabot ng ganoong halaga. Basta ang nagbayad is yung isa sa mga Special Customer, kasi Hindi ko naman daw sinasadya.

“ Pero Ma'am-”, naputol ako sa sasabihin ko nang tignan ako ni Ma'am Che ng matalim. Kaya napayuko na lang ako.

“ Walang pero, pero! Maliwanag?! Hala! Sige! Magsi-ayos na kayo! ”, napatango na lang kaming lahat. Wala din namang ibang choice, kung hindi kami susunod masisisante lang kami. Kailangan na kailangan ko pa naman ng pera. Nagpapadala ako lagi tuwing sumasahod kila nanay sa probinsya para sa pagpapagamot niya at dagdag narin sa pag-aaral ng dalawa ko pang kapatid.

Ako pa lang kasi ang maaasahan sa amin, kasi ako ang panganay. Pero hindi pa ako nakakapag-tapos hanggang 2nd year College lang, hindi na kasi kinaya ng scholarship ko at walang pang-bayad sa tuition fees kaya pinatigil muna ako. Mag-aaral na lang ulit siguro ako pagtapos ng dalawa kong kapatid.

Nagsimula na kaming mag-ayos na mga staff ng cafe para sa pagdating ng mga Special Customers. It's around 10 am nang dumating sila. Puro mga nakabusiness attire sila, karamihan matatanda pero meron din naman na bata pa na hindi baba sa age ko. ‘ Btw, I'm already 24 XD’

Akala ko kumpleto na silang lahat nang magsi-upuan sila, ngunit tumunog ang wind chimes ng glass door ng cafe at pumasok dun ang paulit-ulit na gumugulo sa isipan ko.

‘ Si hot and Handsome Man’

CEO SERIES #4: Hidden The Ceo's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon