Chapter 32

255 9 3
                                    

Shane's POV

Ilang araw at linggo din ang lumipas, naging masaya naman ang pagsasama muli namin ni Eion.

Wala nang 'Sofia' na mambubulabog na lang bigla. Ngunit hindi ko alam kung ganoon din ba sa opisina ni Eion. Dahil nabanggit niya sa akin nung huling araw na nagpunta rito si Sofia, na ang kababata niya raw ang pumalit sa akin bilang secretary niya.

Or should I say 'sexy-tary'.

Minsan bumabagabag sa akin, kaya't naiisip kong bisitahin si Eion sa opisina niya. Pero paulit-ulit na niya akong sinabihan na huwag daw akong aalis dito sa penthouse, baka daw kasi mapahamak na naman ako pag mag-isa akong aalis.

Hindi ko alam kung ayun lang ba ang dahilan niya O away niya lang na may maabutan na naman akong hindi maganda. I trust him, pero hindi ang higad na babaeng yon! Napasandal ako sa island counter nang makaramdam na naman ako ng pagkahilo. This days madalas na nakakaramdam ako ng pagkahilo at minsan pa nga'y nagsusuka ako. Nahihiwagaan narin ako sa pagiging moody ko at pagkagusto sa mga hindi ko naman gustong pagkain noon.

Maynaiisip akong dahilan ng lahat ng nararamdaman ko, pero natatakot akong maaari ngang mangyari iyon. Ilang beses nang may nangyari sa amin ni Eion, kaya hindi imposibleng may mabuo kami. Pero... Hanggang ngayon wala parin kaming closure kung ano nga ba kami.

Napahawak ako ng mahigpit sa likod ng upuan nang parang umiikot na ang paningin ko. Sh*t! Tuluyan na akong nabuwal sa kinatatayuan ko nang sinubukan kong maglakad. Ngunit bago pa ako tuluyang bumagsak may brasong sumalo sa akin kaya hindi ako bumagsak sa sahig. It's not Eion's arm, I know it because it was a soft arms who catches me.At tuluyan na ako nawalan ng malay.

Nang magising ako at magmulat ng mata, ang puting kisame ang sumalubong sa akin. It's not Eion's room and it's not also my room . Then where the f*ck I am? Nang ipalibot ko ang paningin ko sa kwarto, napagtanto kong nasa hospital ako. Bakit ako nandito?

Napatingin ako sa telang naghihiwalay sa bawat kama, nang mahawi iyon. Nagulat ako dahil ang kapatid ko ang iniluwal non, si Ash.

" A-anong ginagawa mo dito, ash? At bakit nandito ako? ", nagtataka at naguguluhan kong tanong. Agad namang lumapit sa akin ang kapatid ko at hinaplos ang braso ko.

" Ate, chill ka lang. Bawal kang mastress. Alam mo ba kung gaano kadelikado ang nangyari sayo kanina? Paano kung hindi ako dumating? Edi, tuluyan kang babagsak sa sahig! Sa susunod magiingat ka na, ah! Lalo na ngayon ate! Na maybata nang nabubuhay sa sinapupunan mo! ", medyo iritado pero nag-aalalang pangaral ng kapatid ko. Natigilan ako dahil sa sinabi niya. Bata? Sa sinapupunan ko? T-totoo ba ito? Kanina lang iyon ang kinatatakutan kong mangyari, ngayon nagkatotoo na.

" A-anong-", hindi ko matuloy-tuloy ang sasabihin ko dahil nabablangko parin ang utak ko. Paano ko ito sasabihin kay Eion? Matatanggap niya kaya? Willing ba siyang panagutan ako? Napatakip na lang ako sa mukha ko dahil sa mga negatibong naiisip ko.

" H-hindi ito pwede! Hindi pa ako pwede magkaanak! Magulo pa ang buhay ko, Ash... Anong gagawin ko? Pano kung hindi matanggap niya ito matanggap? Paano kung ipagtabuyan niya ako?! ", sunod-sunod kong sabi habang patuloy na may luhang naglalandas sa pisngi ko. Niyakap naman ako ng kapatid ko at hinagod niya ang likod ko.

" Ate, hush... Huwag ka munang mag-isip ng negatibo. Kumalma ka ate, bawal kang mastress. Hindi mo pa naman alam kung anong sasabihin niya. Hindi niya O naman alam na magkakaanak kayo. ", mahinahong sabi ng kapatid ko. Tumigil narin naman ako sa pag-iyak paglipas ng ilang minuto, pero nanatili lang akong nakatulala sa mga kamay ko. Napatingin ako sa kapatid ko na nakaupo sa upuan sa tabi ng kamang kinauupuan ko.

" Paano ka nga pala nakapasok sa penthouse ni Eion? At paano mo nalaman na doon ako tumutuloy? ", tanong ko. Tumingin siya sa akin at ngumiti.

" Binigay niya sa amin ang number niya, ate. Para daw kung sakaling gusto ka naming kamustahin o puntahan at hindi ka namin macontact siya na lang daw ang tawagan namin. Pero nitong nakaraang linggo lang tinawagan niya si Nanay, na nagkataong ako ang nakasagot. He asked kung gusto daw ba namin na bisitahin ka, then I said yes. Ako ang nagpunta dahil hindi na kakayanin ni Nanay na bumyahe pa ng mahaba, binigyan ako nung receptionist ng spare key na pinarequest daw ni Kuya Eion. At pagdating ko, ikaw ang naabutan ko. ", mahabang paliwanag niya. Hilaw naman akong ngumiti.

" Alam niya bang nandito ako sa ospital? ", tanong ko. Umiling naman siya.

" I didn't tell him. Hinintay kong ikaw ang magsabi, dahil alam ko naman ate na kaya mo nang magdesisyon para sa sarili mo. ", aniya at ngumiti sa akin. Malungkot naman akong napangiti.

" Thank you, Ash. Ano na bang sabi ng doctor? Pwede na daw ba akong makalabas?", tanong ko.

" Magna-nine weeks pregnant ka na daw, ate. Kung maaari daw, bawal daw muna ang mga stress at kung ano-ano pang mabibigat na gawain. At mayibinigay na reseta para sa mga vitamins na pwede mong inumin para maging healthy ang pagbubuntis mo. Pwede ka narin naman daw makalabas, kung ayos ka na daw. ", aniya. Tumayo siya at inayos ang buhok kong magulo.

" Magiging nanay ka narin, ate. Hindi na kami ang magiging baby mo. ", tigil niya at bahagyang tumawa. " Mamimiss ko yung mga araw na alagang-alaga mo pa kami nung mga bata pa lang kami. Sana paglabas ng pamangkin namin, magawa rin namin sakanila ang paraan ng pag-aalaga mo sa amin dati. ", aniya at ngumiti. Malungkot na napangiti naman ako sakanya.

Hindi ko alam kung bakit ba ako nalulungkot sa isiping magkakaanak ako. I should be happy because I'm having a baby now. Hindi na ako mag-iisa dahil sa wakas ay mayroon na akong makakasama. But thinking about Eion... I felt so down and anxious. Paano nga talaga kung hindi niya matanggap? Kakayanin ko naman sigurong mag-isang palakihin ang magiging anak ko, diba?

Nung araw na iyon umuwi ako kasama ni Ash, she stayed at Eion's penthouse for awhile. Nagkuwentuhan lang kami na para bang hindi kami galing sa ospital. Sinabihan ko narin siya na huwag na munang sabihin kay Eion, dahil hindi pa ako handa sa magiging reaksyon niya. I need to ready myself first before I tell him about my pregnancy.

Hanggang sa makauwi si Ash at nakatulog na kami ni Eion na magkatabi, hindi ako nagpahalata ng kakaiba kay Eion. Hindi ko alam kung sarili ko ba ang inihahanda ko O si Eion at ang magiging reaksyon niya.

Hanggang sa lumipas pa ang isang linggo. Hindi ko namalayan na sa sobrang pag-iisip ko, nagiging cold na pala ako kay Eion. I just realized it when he asked me that question.

I felt so guilty kaya napagdesisyonan kong supresahin siya sa opisina niya at hatiran ng lunch. Napagdesisyonan ko naring sabihin na sakaniya, dahil karapatan niya rin namang malaman. Then, I'll respect what he can only give. Kung Hindi niya man matanggap, siguro naman kaya kong palakihin ang magiging anak namin ng mag-isa, diba? Kakayanin ko toh! This time hindi lang para sa sarili ko kundi para narin sa anak ko.

Pregnancy changed me. The way I think , kung dati sarili ko lang ang naiisip ko ngayon para narin sa anak ko. Kung dati kumikilos ako base sa kagustuhan ko, ngayon base na sa ikabubuti ng anak ko. It's not all about me from now on, it's all about my child this time. Kaya kung hindi man ako at ang anak ko matanggap ni Eion, then papalakihin ko siya sa abot ng makakaya ko. Hindi ko ipaparamdam sakanya na kulang ang pamilya niya na wala siyang ama. Ibubuhos ko ang lahat ng pagmamahal ko sakanya, at ayun ang sisiguraduhin ko.

Tinawagan ko si Ash para ipaalam ang gagawin ko bukas.

" Hello, ate! Bakit ka napatawag? May kailangan ka? Pinaglilihian? Ano? ", pabirong aniya. Napangiti naman ako dahil don.

" Ano ka ba! Hindi! Gusto ko lang kasing samahan mo ako bukas...", aniya ko at sinabi na sakaniya ang plano ko. Nung una hindi siya sang-ayon dahil paano daw kung hindi maging maganda ang resulta? Baka daw mastress ako lalo.

" Kakayanin ko yon. Nandiyan ka naman, e! Siguro naman hindi mo ako pababayaan? ", aniya ko.

" Haynaku, ate! Sige na nga! Basta kapag iyan hindi naging maganda ang resulta, gegerahin ko talaga yan si Kuya Eion! Mukha pa namang mabait tapos ang yaman at gwapo pa, kaya gustong-gusto ni nanay!", aniya. Naiimagine ko tuloy ang pag-irap niya dahil sa sinabi.

" Oo na! Ganun naman talaga yun si nanay, mahilig sa gwapo! ", tawa ko. " Oh, pano? Bukas ah! Agahan mo pagpunta! Tapusin mo muna ang mga kailangan mong gawin sa school mo, bago ka magpunta. Okay? ", aniya ko.

" Opo, nay.", asar niya.

" Oh, sige na! Babye! Kamustahin mo na lang ako kila nanay, ah? Bye! ", pagpapaalam ko.

" Sige, ate. Bye! See ya bukas! ", aniya at binaba na ang tawag. Nawala naman ang ngiti ko nang maalala ang gagawin ko. Desidido na talaga ako. Sasabihin ko na sakaniya.

Please don't disappoint me again 'Destiny' this time. Kung kami. Kami. Pero kung hindi. Then I'll let go of him with my aching and bleeding heart.

CEO SERIES #4: Hidden The Ceo's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon