Chapter 31

273 12 5
                                    

             Shane's POV

Pagkagising napatakbo ako sa banyo dahil parang hinahalukay ang tiyan ko. Napatakbo kagad ako sa banyo at sumuka sa sink.  Sh*t! Maynakain ba akong masama? Inalala ko ang huli kong kinain kagabi, pero hindi nga pala ako nakakain. Napahawak ako sa ulo ko at napatingin sa repleksyon ko sa salamin. My face was flushed. At namumutla din, maybe because of vomiting? Sinikop ko ang buhok ko at binuksan ang gripo, naghilamos ako at maluha-luha pang bumalik sa loob. Umupo ako sa kama at pinahid ang naluluha kong mata dahil sa pagsuka.

Narinig ko ang pagbukas ng pintuan ng kwarto, ngunit hindi na ako nagtaas ng tingin. Baka naman kailangan ko lang kumain, para mawala ang hilo ko?

“ Hey.. Baby. Are you okay? Here. I cooked breakfast for you. You didn't eat dinner yesterday...”, he said in his baritone voice. Inis na tinignan ko siya sa hindi maintindihan kadahilanan.

“ Ayokong kumain!”, inis kong sabi at bahagyang lumayo sakanya.

“ W-what? Why? Baby, you must be hungry by now. ”, nag-aalala at naguguluhan niyang sabi. Inirapan ko siya at unti-unting nilapitan. Tinignan ko ang tray ng pagkain na dala niya, ngunit hindi pa ako lubusang nakakalapit napatakip nakagad ako sa ilong at bibig ko. Hindi ko gusto ang amoy at para na naman akong masusuka.

“ A-ano yan? Hindi ko gusto yan! Ang baho!! Magluto ka ulit ng iba! ”, nandidiri kong sabi. Naguguluhan naman niya akong tinignan.

“ What? ”, aniya at inamoy ang pagkain. “ Baby, it's not. It's smells delicious though. ”, aniya at inilayo na lamang ang pagkain sa akin nang wala na siyang nagawa. Naglakad na siya paalis ngunit hindi pa siya tuluyang nakakalabas nang tawagin ko ulit siya.

“ Wait! ”, pigil ko.

“ What is it, baby? Need anything?”, aniya at inaabangan ang sasabihin ko. Nagtaas naman ako ng kilay.

“ Gusto ko ng santol. ”, nakanguso ko lng sabi.

“ B-but baby... We can't find that in this kind of seoson.”, nakangiwi niyang sabi. Napataas naman ako ng kilay.

“ Edi maghanap ka! Maykasalanan ka pa sakin kahapon, diba? Wala akong pake, kung walang tayo! Basta gusto ko ng santol! At pag umuwi ka dito ng walang dalang santol, malalagot ka sakin! ”, inis kong sabi. Napagiwi naman siya sa akin, pero hindi na nagkumento. Bumalik ako sa pagkakahiga sa kama at narinig ko naman na ang yabag niya paalis, kaya napangisi ako. Good boy!

Maya-maya hindi ko namalayang nakatulog na naman ako. Nagising na lang ako nang maybahagya nang humahaplos sa pisngi ko. Napadilat ako ng mata at sumalubong sa akin ang gwapong mukha ni Eion, kaya napangiti ako.

“ Hey.. You awake now? Nakapagluto na ako ng panibagong pagkain at naibili narin kita ng gusto mo. Here. ”, aniya at mayinabot sa side table.

“ Naghanap ka talaga? ”, mangha kong sabi at kinuha ang plastik na inabot niya. Kumain kagad ako ng santol at nakaubos kagad ng sampu.

“ You're not angry at me anymore? ”, nag-iingat na tanong niya, na para bang natatakot na anytime ay mabulyawan ko na naman siya. Ngumiti ako ng pagkatamis-tamis sakanya at sumandal sa dibdib niya.

“ What? I'm not angry at you. Thanks for buying this for me. ”, aniya ko at ngumiti ulit sakanya at masayang kumain ng santol.

“ Thanks, God. You're not in a bad mood again...”, hinga niya ng maluwag. Napatawa naman ako sakanya.

“ Bakit sobrang sama ko ba sayo kanina? ”, tanong ko at nag-pout sakanya. He looked at me intently but didn't say anything. Yumakap ako sa batok niya at tinitigan siya habang nanliliit ang mata.

CEO SERIES #4: Hidden The Ceo's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon