Chapter 13

339 11 0
                                    


             Shane's POV

Pagkarating sa apartment, humiga kagad ako sa kama. Hayy! I'm physically and mentally tired.

Hindi pa ako kumakain ng hapunan, pero hindi parin ako nakakaramdam ng gutom sa lahat ng iniisip ko.

Nagbalik na naman sa ala-ala ko ang nangyari kanina at napatakip bigla ako sa mukha ko. Shemss!

Flashback....

Sobrang bilis parin ng tibok ng puso ko. Hindi ako makagalaw dahil sa posisyon namin. Hindi ko nga alam na hindi na pala ako humihinga, kundi niya lang sinabi.

“ Shane, breathe. Do I make you stop breathing? Hmm? ”, nanunudyong aniya.

“ Humihinga ako. Ano bang pinagsasasabi mo? Tss. Pwede ba magtagalog ka naman? Sawang-sawa na ko sa english mo, e! ”, naiiritang sabi ko. Nano-nosebleed na ko dito, e!

“ Hmm.. Why? You like me even more when I speak tagalog?”, nakangising aniya. Aba! Ang hangin nito masyado, ah!

“ Like, like ka diyan! Nano-nosebleed lang ako sayo, noh! ”, sabi ko. Tumawa naman siya ng mahina at nagsalita.

“ Alright. I just get use to it because of my works but don't worry marunong akong magtagalog. Even my family.”, aniya at inihiga ulit ang ulo sa balikat ko.

“ Ano ba kasing trip mo at pinaupo mo pa ako dito? ”, sabi ko. Itinagilid ko ang ulo ko para makita siya, ngunit natigilan ako nang mapagtanto kung gaano kalapit ang mukha niya sakin. Tinitigan niya ako sa mata hanggang sa bumaba iyon sa labi ko. Naalala ko nung unang hinalikan niya ako, it was so soft. Inaamin kong hindi ko iyon first kiss but it feels like unang beses pa lang akong nahalikan sa pagkakataong yon.

Tinitigan ko din siya sa mata, I don't know why I can't take my eyes off of him now. Unti-unti nang lumalapit ang labi niya sakin. Kung gaano katagal lumalapit ang mukha niya sa sakin, kabaligtaran naman niyon ang bilis sa pagtibok ng puso ko.

Ngunit gulat na napatingin ako nang may pumasok bigla.

“ Ah Sir-”, gulat na naptigil si Michael nang makita niya ang pisisyon namin. Kaya agad-agad akong tumayo at nagpaliwanag,

“ A-ah! Nagkakamali ka sa naiisip mo. N-nadulas lang ako dahil sa katangahan ko, pero I'm thankful kasi nasalo ako ni Sir Eion. Y-yun lang yun.”, nahihiya at mayhalong-kaba kong paliwanag.

“ Yeah. She fall for me. ”, nakangising sabi ni Eion. W-wut? Parang iba ang pagkakasabi niya? Ngunit bigla din siyang nagseryoso nang balingan niya si Michael.

“ You disturbed me big time so make sure that was very very important, Michael. ”, he seriously said habang nakatingin ng masama kay Michael.

“ Y-yes Sir. It's about your dad. Tinatawagan ka daw po pero hindi mo daw po sinasagot, so he asked me if you're very busy. Sinabi ko pong nasa office ka. ” kinakabahang paliwanag niya. I saw how Eion's face darkened. Bakit kaya? Pero it's about his dad so it's private and personal so I guess I shouldn't be here.

“ A-ah s-sige aalis na muna a-ako. ”, aniya ko at dali-daling umalis. Narinig ko pa ang pag tawag sa akin ni Eion ngunit hindi ko na siya nilingon dahil narinig ko narin ang pagtunog ng telepono niya. It must be his dad.

End of flashback.

Nakakahiyang nahuli pa kami ni Michael sa ganoong posisyon kanina, naabutan niya pa kung gaano kalapit ang mukha ni Eion sakin. Pero naisip ko rin. Bakit kaya tumawag and daddy ni Eion? At bakit parang maynakita akong galit sa mga mata niya nang mabanggit ni Michael ang daddy niya?

‘Nakoo! Shane! Huwag ka na ngang chismosa diyan! May sarili ka pang po-problemahin! ’ sa isip ko.

Haistt! Kamusta na kaya si tatay? Gumising ba siya? Si nanay? Nakakapagpahinga ba? Ang mga kapatid ko? Si Ace at Si Ash? Nakakapag-aral pa kaya sila ng maayos? Ang daming tanong ng pag-aalala sa isip ko pero hindi ko magawang masagot-sagot dahil hindi ko alam kung kamusta na ba sila.

Ayoko namang tawagan sila dahil baka maslalo lang akong mahirapan kapag narinig kong nahihirapan na din sila. Baka hindi pa ako makapag-trabaho ng maayos kakaisip sakanila. Sa ngayon, ang tanging magagawa ko pa lang ay magdasal at magtrabaho nang magtrabaho. Kailangan kong makapag-ipon para kay tatay. At sa iba pang gastusin.

‘Sana lang matapos narin ang lahat ng ito. Nay, Tay, Mga kapatid ko. Hintayin niyo lang ako. ’

CEO SERIES #4: Hidden The Ceo's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon