Chapter 36

262 6 3
                                    

              Shane's POV

Habang nasa elevator ako. Nanginginig pa ang kamay na kinuha ko ang cellphone sa bulsa ko at agad na nagdial ng number. Hindi ko alam kung sinong napindot ko, basta A ang first name. It's either Ace or si Ash sana ang matawaga ko...

“ P-please... P-pwede mo ba akong puntahan dito? ” ilang minuto pa bago nakasagot ang nasa kabilang linya.

“ Sha? What happened? ” naguguluhan at nag-aalala nitong tanong. Dahil sa pag-iyak at sa nararamdaman ko hindi ko na pinansin kung sino ang natawagan ko.

“ Please.. Tulungan mo akong makaalis dito! ” hagulgol ko.

“ Are you okay? Where are you? Pupuntahan kita! Isend mo ang address kung nasaan ka! Ngayon na Sha! ” sigaw niya sa baritono nitong boses.

“ O-okay..” aniya ko at binaba na ang tawag at agad na tinext sakaniya ang address ng building ni Eion.

Nang makaalis ako sa elevator naglakad agad ako palabas ng bulding. Pabalik-balik pa ang tingin ko sa entrance ng building dahil baka sinundan pa ako ni Eion. Ngunit agad ding nanlaki ang mata ko nang makita ko siyang lumabas galing sa elevator at nagpalinga-linga sa paligid na para bang may hinahanap. Agad ako nagtago sa likod ng pader malapit sa entrance.

Ngunit agad din akong napapitlag nang mayhumawak sa braso ko at nakita kong si Eion iyon. Agad akong nagpumiglas.

“ B-bitawan mo ako! ” aniya ko habang patuloy na umaagos ang mga luha ko.

“ Baby... Please, listen to me. What you saw is just a trap, a plan! Please... Don't leave me baby. I can't.. I can't leave without you.. Please. Don't leave...” nanghihina niyang sabi. Napatitig ako sa mukha niya nang makita ko ang mata niyang kuminang dahil sa nagbabadyang luha. Agad akong naglihis ng tingin.

“ Tumigil ka na, Eion! Puntahan mo na si Sofia at baka hinahanap ka na niya! ” sigaw ko habang pilit na tinatanggal ang pagkakahawak niya. Kung kailangan kong ipagtabuyan at saktan siya para lang bumalik kay Sofia, gagawin ko. Masakit na hindi siya magiging masaya sa akin. Masakit dahil inilalayo ko siya sa akin para sa ikakabubuti niya. Ang sakit isipin kasi nakakasama pala ako sakaniya. Tama naman ang mommy niya, e! Wala naman akong maipagmamalaki sakaniya. Hindi ako mayaman tulad ni Sofia, wala akong mga ari-arian at kung ano pa. Isa lamang ako hamak na probinsyana na piniling magtrabaho rito.

“ No! Baby, please... You're the only one I want. ” nagsusumamo niyang sabi. Nasasaktan ako, huwag ganito. Please, Eion. Tama na... Hindi ko kayang makita kang ganito. Ngunit anong magagawa ko? Wala!

“ Tama na, Eion! Pwede ba!? Tumigil ka na! Bumalik ka na kay Sofia, please..” nanghihina ko nang sinabi. Ang sakit kasi nagmamakaawa akong bumalik siya hindi sa akin, kundi sa ibang babae...

“ Baby.. Look. ” aniya at inangat ang baba ko ngunit inilihis ko ang paningin ko sakaniya. “ Please... Look at me baby. Don't do this! I love you please... Don't leave” aniya hawak na ang kamay ko. Napatigil ako sa sinabi niya. He.. He loves me? W-when? H-how? B-but... It's too late, Eion..

“ Sorry. But... I don't love you.” malamig kong sabi. Ang sakit-sakit.. Sobra! Pero ito ang kailangan kong gawin! Ito ang dapat! “ Pinapahirapan mo lang ang sarili mo sa akin, Eion! Bumalik ka na don! Hindi kita kayang mahalin. I'm sorry..” nanghihina ko nang sabi. Tumigil na ang mga luha ko. Pero ang sakit-sakit parin ng dibdib ko! Pigang-piga na ito!

“ N-no! That's not true! That's not what I feel when we're together! Don't be like this, baby...”

Nasasaktan na akong makita siyang ganito kaya bahagya na akong umatras. Akmang lalapitan niya ako nang biglang mayhumarang sakaniya at hinawakan ang braso ko.

“ You okay? What happened? Is this man is harassing you!? ” galit at nag-aalala nitong sabi sa akin. Akmang lalapitan niya si Eion nang hawakan ko ang kamay niya at pinigilan siya. Lumapit si Eion at hinaklit ang ang braso ko.

“ You! Who are you to touch what's mine, huh!? ” galit na sigaw ni Eion kay Azer. My boybestfriend when we're in high school. Kinuha naman ni Azer ang kabila kong braso at hinila.

“ You don't need to know! Bitawan mo si Sha! ” galit na sigaw nito kay Eion. Nanghihina na ako sa lahat ng nangyayari kaya hindi ko na alam kung ano ang takbo ng utak ko. Nakita ko ang galit, selos, panghihina at sakit sa mga mata ni Eion, kaya naglihis ako ng tingin sakaniya.

Hindi ko na kaya ito. Gusto ko nang makaalis. Kaya binawi ko ang braso ko kay Eion at lumapit kay Azer. Kung ko na kailangan kong gawin ang lahat para lang mailayo siya sa akin, gagawin ko.

“ Eion, stop! Can you please stop!? Pagod na pagod na ako. Hindi ko na kayang makasama ka pa! Ayoko nang makita ka pa ulit! Kaya pwede ba!? Umalis ka na! At kung hindi ka aalis kami ang aalis! Tara na Azer. ” pagsisinungaling ko na para bang napakalakas ko pa. Pero deep inside? Durog na durog na ako. Hindi ko na nilingon pa si Eion, dahil baka pag nilingon ko siya. Bumalik ako sakaniya at yakapin siya. Baka tumakbo ako pabalik sakaniya at hindi na siya pakawalan pa. Pero hindi lahat ng iyon ay hindi ko ginawa. Mukha mang napakaliit ng dahilan ko para iwan siya sa kadahilanang hindi ako mayaman at wala akong maipagmamalaki, malaking sampal yun sa akin. Patunay na magkaiba kami ng mundong kinagagalawan. Mayaman siya, mahirap lamang ako. Sorry, Eion. I failed you.

Hanggang sa muli, Eion... Mahal ko.

CEO SERIES #4: Hidden The Ceo's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon