Chapter 5

493 19 1
                                    

Kinabukasan, gumising ako ng mga 8:30 am para mga 9:00 am nandun na ako.

Nilaban ko narin yung coat na pinahiram sakin ni Mr. Dela Vega at inilagay sa paper bag. Kinakabahan ako dahil hindi ko pa talaga alam kung anong plano ko.

‘ Ikaw na po bahala Lord! ’  sa isip ko.

Pagdating ko sa cafe as usual hindi gaano karami ang tao. Ganto kasi kapag Saturday dito. Pag pasok ko sa loob sinalubong ako ni Mike.

“ Oh! Bakit nandito ka, Shane? Wala kang duty ngayon diba? ” tanong sakin ni Mike.

“ A-ah! O-oo! Ibabalik ko lang itong coat kay Mr. Dela Vega na pinahiram niya kahapon”, aniya ko sabay ngiti sakanya.

“ Ah! Ganun ba? Kaya palakanina pa nag-aantay si Sir Dela Vega sa table niya, ikaw pala ang iniintay. ”, sabi niya sabay turo kay Mr. Dela Vega sa bandang dulo ng cafe. Nagulat naman ako sa sinabi niya. Kanina pa? So maaga siyang nagpunta dito?

“ K-kanina pa siya dito? Mga anong oras, Mike? ”, tanong ko kay Mike. Bahagya naman siyang napakamot sa ulo.

“ Sorry hindi ko alam, e! Pero baka mga mag isang oras narin siya dito. ” aniya sabay ngiti sakin. Ngitian ko naman siya pabalik at nagpasalamat. Lumapit na ako sa lamesa ni Mr. Dela Vega. Darn! Kinakabahan ako! Hindi ko alam kung bakit. O baka dahil sa plano ko.

Nang makalapit ako sa lamesa niya inabot ko kaagad sakanya ang paper bag, pero hindi niya tinanggap.

“ Can you please sit down first? You want to order, anything?”, tanong niya sakin. Umupo naman ako sa upuang katapat niya. Titig na titig na naman siya sakin, kaya hindi ko alam kung saan ako babaling.

“ Ah. Hindi na. Ayos lang ako. Gusto ko lang ibalik tong pinahiram mo sakin kahapon. ” aniya ko at abot ulit sakanya ng paper bag. Tinanggap naman niya kaya ibinaba ko na kaagad ang kamay ko.

“ Why can't you look at me? ”, seryoso niyang tanong sakin. Bigla na namang bumilis sa pagtibok ang puso ko. Kinakabahan akong nag-angat ng tingin sakanya. He started at me intently. ‘ Bakit ba siya ganiyan makatitig, wala pa kong sinasabi pero parang alam niya na ang naiisip ko. ’

“ Now, happy? ”, aniya ko na may pilit na ngiti. ‘ Puso! Kalma! ’

“ Why would I be happy if you gave me a fake smile? You have a problem.” aniya. Napaiwas ako nang tingin sakanya. ‘ Paano niya naman nalaman? Wala pa nga akong sinasabi? ’

“ Then why would I gave you a sincere smile if I'm not happy. And why would you care kung may problema nga ako? ”, aniya ko na nagtatapang-tapangan.

“ Then don't smile. And that's because I. Cared.”, seryoso niyang sabi habang nakatitig sa mga mata ko. Nilabanan ko ang titig niya, pero sa huli ako parin ang unang umiwas. ‘ Lord kayo na po ang bahala. Bigyan niyo po ako ng kapal ng mukha para humingi ng tulong magkaroon ng trabaho sa 'hot ang handsome' na lalaking to! ’

“ Ahm. Fine. I need your help. ”, aniya ko habang nakayuko.

“ You're the one who needs my help so look at me.” seryosong aniya. Nag-angat naman ako ng tingin sakanya. At yan na naman ang titig niya. ‘ Mamaya talaga mahihimatay na ako nito sa lakas ng tibok ng puso ko! Jusko, Heart! Huwag ka lalabas diyan, baka makita mo siya at mafall ka! Baka Hindi ka pa masalo! ’

“ What kind of help do you need? ”, he asked seriously. Nilunok ko muna ang laway nagbabara sa lalamunan ko  ( XD ) , bago magsalita.

“ Kailangan ko kasi ng isa pang trabaho. Nagkasakit kasi ang tatay ko na nasa probinsiya at tumutulong ako sa pagpapa-aral ng dalawa kong kapatid, kaya kailangan ko ng pera. ”, mahina kong paliwanag. ‘ Please, Lord! Sana naman po kahit dito lang suwertehin ako! ’

“ I can hire you. ”, gulat ako napatingin sakanya. ‘ Thank you, Lord! ’

“ Anong trabaho naman yun? ”, maysa-kaba kong tanong.

“ As my secretary.”, seryoso niyang sabi. ‘ W-what? Seryoso ba siya? ’

“ A-ano? Sorry pero hindi ako college graduate.”, aniya ko.

“ It's okay. ”, aniya. ‘ Really?! Pwede pala yun? Dapat pala matagal na akong nagtry magtrabaho ng ganun.’

“ Seryoso ka ba Mr. Dela Vega? Walang halong-biro? ”, aniya ko habang bahagyang lumalapit sakanya.

“ You can just call me Eion. And I'm not joking. ”, aniya.

“ Thank you! Thank you, Thank you, talagaaa! Mr. - I mean Eion! ”, aniya ko at tayo sabay lapit at napayakap na sakanya sa sobrang tuwa.

“ E-ehem! Ehem! ”, kunyaring nauubo ni Eion. ‘ W-wait!’
Para akong nabuhusan ng tubig sa biglang paglayo sakanya. Ngayon lang nagsi-sink in sakin lahat. ‘ Niyakap ko siya. NIYAKAP KO SIYA!! WAHHHHH! NAKAKAHIYA KA, SHANE! ANG TANGA - TANGA MO BAKIT NGAYON MO LANG NAREALIZE ANG KATANGAHAN MO! NAKAKAHIYA! ’

Napabalik ako sa upuan ko at kunyaring nauubo habang nakayuko sa sobrang kahihiyan. Sh*t!

“ A-ah! I-i don't mean to h-hug you. Sorry. Ehem! ”, nahihiya kong sabi.

“ It's okay. Unless you hug another man” , aniya pero yung huli niyang sinabi hindi ko gaanong narinig dahil mahina na ang pagkakasabi niya.

“ S-so kailan ako pwedeng magstart? ”, tanong ko.

“ You can start tomorrow. Here's my calling card. There's the address of my company.”, aniya at abot sakin ng calling card niya.

“ Thank you very very much, again! Eion. ”, seryoso kong sabi.

“ It's nothing. So I'm going now. Be there in 7 am. And send your resignation letter to your manager. You don't need to work here, again. See you. Ms.? ” aniya.

“ Shane May D. Ocampo. But you can call me Shane or May, anything you prefer.”, aniya ko sabay ngiti sakanya.

“ Shane, then. ”, aniya at umalis na. Nakahinga naman ako ng maluwag. Grabe kinabahan ako don! Nahihiya parin ako sa nagawa ko pero tuwing naiisip ko na may trabaho na akong mas malaki ang sahod, napapangiti na lang din ako.

Tomorrow, is the first day of working for ‘ Mr. Hot and Handsome Man ’

CEO SERIES #4: Hidden The Ceo's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon