Chapter 54

261 7 1
                                    

Shane's POV

Tinext ko na si Azer tungkol sa pag-alis namin. Tumawag narin siya ngunit hindi ko na muna sinagot, dahil mahaba-habang explanation na naman iyon. Alam kong tutor siya sa gagawin namin, ngunit wala na siyang magagawa kung si Eion na ang nagsabi. Patapos na ako sa pag-aayos ng gamit ko nang may maingay na kumatok sa pinto. Hindi lang iyon basta katok, isang nagmamadali at atat na atat na katok. ‘ Baka si Nana na iyon... ’ sa isip ko.

“ Sandali lang, Na! Madaling-madali ka naman na, e! ”sigaw ko para marinig ako sa labas. Binitawan ko na muna ang mga underwears na ilalagay ko na sana. Atat kasi toh si Nana, e! Bahala na nakita niya yan, babae din naman si Nana!

“ Sandali lang, Na! Eto na nga, eh! ” sigaw ko habang lumalapit sa pinto. Palakas kasi nang palakas ang katok. Para bang gusto na lang sirain ang pinto para makapasok.

Pinihit ko ang pinto at hindi ko pa tuluyang nakita ung sino yun nang magsalita ako.

“ Nagmamadali ka ba, Na!? ” reklamo ko. Ngunit nang tuluyan ko nang mabuksan ang pintuan, bigla na lang akong naitulak papasok. It was Eion. Gulat akong tumingin sakaniya. Bumilis din ang tibok ng puso ko na para bang nagpapagiwatig na naman ito sa taong bigla-bigla na lang pumasok sa kwarto ko. “ A-anong-” bago ko pa maituloy ang sasabihin ko, sumalampak na ako sa likod ng pinto nang isarado iyon ni Eion.

He trapped me between his ′ so freaking hot ′ body and  the closed door. Nanlalaki ang mata na tinignan ko siya. Magsasalita na sana ako ngunit hindi ko na nagawa nang bigla niya na lang akong siniil ng halik. The h*ck!? What the fudge is happening!?

Naroon na naman ang halimaw na bulate sa tiyan ko. Tila kinakain na naman nito ang lakas ko dahilan nang panghihina ko. Imbes na itulak ko siya napahawak na lamang ako sa dibdib niya dahil sa biglaang panghihina. Nang tumigil siya sa halik, dumapo kagad ang mata niya sa labi ko. Hinaplos niya ang pang-ibaba kong labi at mapupungay ang mga matang tumingin siya sa akin.

“ You done? ” he asked huskily. He looked at me intensely. Ang mga kamay niyang nasa baywang ko ngayon ay mas naramdaman ko nang gumalaw iyon at mas iniyakap ang braso sa kawatan ko. Mas napalapit ang mukha ko sakniya dahil doon. Ramdam ko na ang hininga niyang tumatama sa mukha ko, kaya napapikit ako. Nang magmulat ako doon lamang ako sumagot.

“ M-malapit na. ” sagot ko. He smirked nang makita ang pagdapo ng mata ko sa labi. Nakagad ko ang labi ko. Napapikit ako nang pinatakan niya ako ng halik at tuluyan nang lumayo. Sh*t! I'm getting addicted to his kisses!

“ I'll help you. ” nakangising aniya. Nauna na siyang maglakad palapit sa kama kung saan nakapatong ang mga damit na inaayos ko.

Napako ako ng ilang sandali sa kinatatayuan ko. Napaangat lang ako ng tingin kay Eion nang magsalita siya. Bigla akong pinamulahan nang mapansin kung ano ang hawak niya.

“ You wore this kind of lingerie here?? ” mariin niyang sabi habang taas ang lingerie ko. Sh*t!

Lumpit kagad ako sa sakaniya para kunin ang hawak niya, ngunit itinaas niya iyon para hindi ko maabot.

“ Ano ba!? Bitawan mo nga yan! ” aniya ko. Lalo lang akong namula nang ngumisi siya sa akin. “ Bitawan mo nakasi! Eion! Ano ba!? ” inis kong sabi habang pilit kong kinukuha ang lingerie ko.

Tumingkayad ako at lumapit ng kaonti sakaniya para maabot iyon, ngunit napatili ako nang bigla niyang hapitin ang baywang ko at inilapit ako sakaniya.

“ Wahhh! Ano ba!? Balak mo ba akong patayin sa gulat!? ” bulyaw ko. Bigla namang tumiim ang titig niya sa akin.

“ I'd rather die first before that happens...” aniya habang titig na titig sakin. Hindi na nawala ang piyesta sa puso ko, napakaingay non. Napaiwas ako ng tingin dahil hindi ko mapantayan ang intesidad non. Umatras ako para makaalis sa pagkakahawak niya, ngunit mas hinigpitan niya lang iyon.

“ T-tatapusin ko na ang pag-aayos. Maghintay ka na lang sa labas. Malapit narin naman ako...” aniya ko habang ang tingin ay nasa dibdib niya lang. Unti-unti niya naman akong pinakawalan.

“ Alright. Make it fast. Alright? ” aniya sa baritono at demanding niyang boses. Napatango naman ako.

“ O-okay...” sagot ko. Tumalikod na siya at naglakad palapit sa pinto. Sinundan ko lang siya ng tingin at tinitigan ang bulto niyang papalayo. Nang tumigil siya sa  pinto at mapansin kong lilingon siya sa akin, agad akong umaktong nag-aayos na ng gamit. Nang bahagya akong bumaling sakaniya at sinulyapan siya sa phireperal vision ko, nakita ko pa ang pag-ngisi niya bago tuluyang umalis.

Nang masarado ang pinto, napahinga ako ng maluwag. Naupo ako nang ilang sandali roon bago ko ipagpatuloy ang pag-aayos ko. Sinasara ko na ang bag na pinaglagyan ko ng huling gamit nang mapatalon ako dahil sa biglang katok.

Dahil sa pag-aakalang si Eion iyon. Bumilis na naman ang tibok ng puso ko. Ngunit agad rin akong napabuga ng hangin nang marinig kung sino iyon.

“ Shane, ito na ang gamit ng kambal! Tapos ka na ba? ” ani Nana mula sa labas. Agad naman akong tumayo at tinungo ang pintuan. Nang mabuksan ko iyon naroon si Nana mag-isa at may hawak maleta na sakto lamg ang laki.

“ Salamat, Na. Ako na po ang bahala rito. Mauna na po kayo sa sala. ” sabi ko. Tumango naman si Nana.

“ O, sige! Maiwan na kita rito. ” paalam niya at umalis na. Inayos ko naman na ang maleta ng kambal at akin. Bale dalawang maleta na sakto sa laki at isang bag lahat. Nagpamaywang ako hababg tinitignan iyon at inaalala kung maynakalimuta pa ba, nang maykumatok na naman sa pinto. Ako naman itong naparanoid ay agad na napatalon.

“ Sh*t! ” sambit ko at napahawak sa dibdib ko. “ Sino yan? ” sigaw ko.

“ Ako to! ” boses ni Nana. “ Gusto ko lang ipaalam na tumawag si Aze, papunta na raw dito. Kaya bilisan mo na diyan, bago pa makarating si Aze at baka mapaaga pa ang world war 3 sa sala! ” ani Nana.

“ S-sige po, Na! Susunod na po! ” sagot ko. OA naman nito ni Nana. Hindi naman siguro magkakaroon pa ng gulo, diba? Umiling na lamang ako at agad nang kinuha ang dalawang maleta at bag. Nang nasa pintuan na ako, pinalibot ko ang paningin ko sa kwarto. Kahit papaano'y ma-mi-miss ko rin ito, dahil six years din akong tumira dito. This room witnessed my hardships while taking care the twins when they're still a baby, till they grow up slowly. Maging ang pag-iyak, pag ngiti, saya at lungkot na naranasan ko.

CEO SERIES #4: Hidden The Ceo's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon