Chapter 21

293 12 0
                                    

                Shane's POV

Nang magising ako sumalubong sa akin ang amoy ng ospital at ang puting kisame.

Nang maalala ko kung ano ang nangyari, napabangon kagad ako. Magtatawag na sana ako ng nurse, pero nang makita ko si Eion napatigil ako. Nakaupo siya sa upuan habang nakatagilid ang ulo na natutulog sa gilid ng kinahihigaan ko. ‘Kanina pa ba siya natutulog na ganiyan ang posisyon?’, tanong ko sa isip ko.

Napatitig ako sa maamo at gwapo niyang mukha. Hindi ko namalayang hinahaplos ko na pala ng marahan ang mukha niya. Inilapad ko ang hintuturo ko sa nakakunot niyang noo, nawala iyon nang mahaplos ko iyon. Naglandas pababa ang hintuturo ko papunta sa kilay niya, mata, ilong, hanggang sa bumababa iyon sa mapupula niyang labi. Napapitlag ako nang bigla niyang hawakan ang kamay kong nasa labi niya. Babawiin ko na sana iyon nang ilapit niyang muli iyon sa labi niya at hinalikan ang kamay ko.

Bumilis ang tibok ng puso ko at nagsitaasan ang mga balahibo ko dahil sa ginawa niya. Parang may kumikiliti sa tiyan ko na para bang may mga demonyong bulate don na kinakain lahat ng laman ng katawan ko dahilan ng panghihina ko. Nang magmulat siya ng mata, dumretso ang titig niyon sa akin. He's beautiful blue eyes stared at me like he's searching something deep inside of me. Hindi ko alam kung bakit Hindi ko matanggal ang titig ko sa napakaganda niyang mga mata. ‘ I think... I'm having a good habit now. ’

Nang maypumasok na nurse at hinawi ang telang naghihiwalay sa bawa't kama, doon lamang natanggal ang titig ko sakanya, binawi ko ang kamay ko at umayos ng upo. Si Eion naman dahan-dahan lang ang galaw at umayos sa pag-upo na para bang wala lang sakanya ang lahat, kahit pa may makakita sa amin sa ganong posisyon.

Napapantiskuhan namang napatingin sa amin ang nurse, ngunit ngumiti parin nang mapansing nakatingin ako sakanya.

“ So... Ms. Ocampo, right?- ”, napatigil ang nurse sa iba pa niyang sasabihin ng biglang sumingit sa usapan si Eion.

“ Soon to be Mrs. Dela Vega. ”, he said and smirked at me. Napatigil naman ang nurse at naguguluhang nagpalipat-lipat ang tingin sa akin at kay Eion.

“ Uhh... Okay?... Congrats then?....”, naguguluhang sabi ng nurse. Inis na tinignan ko naman si Eion na nakangisi lang.

“ Tumigil ka nga diyan! ”, inis kong sabi sakanya at umaambang susuntukin siya. Kainis to! Baka tuluyan na talaga akong atakihin dito sa bilis nang tibok ng puso ko e!

“ Huwag niyo na lang po siyang pansinin, Miss. Ah.. Mayproblema po kasi yan sa you know sa pag-iisip. Ano nga po ulit yung sasabihin niyo? ”, aniya ko at ngumiti sa nurse. Narinig ko pa ang angal ni Eion sa sinabi ko pero tinakpan ko na ang bunganga niya ng kamay ko.

“ O-okay po. Ah I just want to inform you Ms.? Uh, Ocampo. Because of stress at sa sobrang pagod po kaya kayo nawalan ng malay kanina, kaya as much as possible take a rest for a while. Pwede naman na po kayong madischarge kung gusto niyo na pong makauwi. Yun lang po. ”, aniya ng nurse at ngumiti. Pagkaalis ng nurse, binalingan ko kagad si Eion.

“ Ano palang nangyari nang mawalan ako ng malay? Kamusta na si tatay?”, tanong ko at nasa kaniya ang buong atensiyon, naghihintay sa isasagot niya.

“ I guess... His okay now. Because the operation is successful. But his still unconscious. ”,  aniya. Gumaan naman ng konti ang pakiramdam ko. Ngunit maypangamba parin dahil Hindi pa siya nagigising.

“ Magdi-discharge narin ako dito. Ayokong dumagdag pa sa gastos. Dahil alam kong malaking halaga ang ginastos mo para sa operation ni tatay. ”, sabi ko at akmang aalis na sa kama nang hawakan ako ni Eion sa braso at seryoso akong tinitigan.

“ No. You're not going anywhere. Stay here. You need to take a break. Ako na muna ang bahala sa pamilya mo. I promise. I'm going to take care of them. Just please. Rest here. ”, aniya at ibinalik ako sa pagkakahiga at hinalikan ako sa noo. Napapikit ako dahil sa ginawa niya.

“ Why are you doing this? You don't even need to help me and my family. You don't have a responsibility to do that for us. ”, naguguluhang tanong ko sakanya.

“ Because I want to. You're my baby, remember?”, he said teasingly like I didn't asked him seriously.

“ Tss. Then, I'm going to pay you for these. Because I'm working in your company and you're my BOSS, remember?”, I said teasing him too. His face went dark and his jaw clenched. His teasing face disappeared and replaced by ' I'M. F*CKING. SERIOUS.' face.

“ I'm not. Because we're not in my company, right?”, he fire back.

“ Then, when I'm in your company.”, bawi ko at ngumisi, ngunit nawala yun nang mas ngumisi siya ng malapad.

“ Nah. You're not my secretary from now on, sweetie. ”, aniya na nagpatigil sa akin. Wut?! Edi paano ko siya mababayaran kung mawawalan na ako ng trabaho?

“ A-ano? Edi paano kita mababayaran kung mawawalan ako ng trabaho, ha? ”, natataranta at naguguluhan ko nang tanong sakanya.

“ Later. Now take a rest. Pupuntahan ko muna ang pamilya mo. And when it's all fine and okay... Then, baby. Be ready. Because it's payback time. ”, aniya at ngumisi. Umalis siya at iniwan na naman akong tulala.

What is it, this time?...

CEO SERIES #4: Hidden The Ceo's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon