Chapter 49

271 8 4
                                    

             Shane's POV

Nang pumayag ako sa kagustuhan ni Eion. Hindi ko inaasahang ganito ang mangyayari. Tahimik at matiwasay na pag-uusap ang inaasahan ko, pero ano pa nga bang aasahan ko sa realidad...

Agad akong sinugod ni Sofia, nagpupuyos pa sa galit ang mga mata nito. At namumula rin ang magkabila niyang pisngi. I'm so proud of myself... * smirk *

“ You f*cking biatch!! How dare you slapped my face, huh?! ” galit niyang sigaw. Aabutin niya na sana ako pero naunahan siya ni Eion. Napigilan na siya nito bago pa dumapo ang kamay nito sa akin. Umatras din ako palayo sakanila, especially sa ahas. Eww~ Ayokong mahawakan ng ahas, noh! Baka mahawa pa ako...

“ Woii! Sinabi ko na sayong huwag mo akong mab*tch-b*tch! Hindi ka talaga nadadala eh noh? Gusto mo pa na ng isang magkabilaang-sampal, huh!? ” inis kong sabi.

“ Mababawian din kita! You palengkera girl! ” sigaw niya pa. Naguguluhan man si Eion sa nangyayari, nagawa parin nitong magsalita.

“ Stop it, Sofie! What's your problem? ” saway ni Eion sakaniya.

Umamo naman kagad ang mukha ng ″Girlfriend″ kuno. At parang kawawang nagsalita. “ EM, you know what? That b*tch slap me! EM, it's hurts... ” paawa niya at tinuro ang namumula niyang pisngi. “ See? Namumula na ang pisngi ko dahil sinampal niya ako ng tatlong beses! Wala akong ginagawa sakaniyang masama, sinaktan niya na lang ako bigla. ” anito at humagulgol na ng iyak. Wow! Pwede na toh magkaroon ng sariling barber shop! Barbero eh!

Nagcross-arm lang ako habang pinapanood sila. Nakayakap na si Sofie ′daw′.

‘ Sorry, dahil Hindi ko naman tinatandaan ang mga pangalan ng mga taong walang kwenta sa buhay ko. Lalong-lalo na yung mga ahas...’

Si Eion naman hindi nga nakayakap pabalik pero busy sa pagpunas ng luha ng ′Girlfriend′ niya. Aww~ Ang sweet naman...

Umubo ako ng pake. Nahiya naman kasi ako, e! Baka nakakaistorbo na ako dito, alis na lang ako. Sayang pa oras ko! “ Kung magmo-moment lang din pala kayo dito. Aba! Aalis na lang pala ako. Dahil hindi naman ako interesado sa mga moment niyo! ” aniya ko. Tumingin naman ng matalim sa akin si Eion. ‘ Oh? Anong ginawa ko sayo? Sa girlfriend mo meron, aminado ako. Pero sayo wala, noh! ’ sa isip ko. Gusto ko sanang isatinig iyon, pero huwag na lang. Sayang sa laway.

“ You're not going anywhere. Stay here. Understood?” madilim at mariin niyang aniya. Para akong nakakita ng pagsabog sa harapan ko na natulala na lang at napako sa kinatatayuan ko. Para akong nakipagkarera sa bilis ng tibok ng puso ko. Hinampas-hampas ko ng bahagya ang dibdib ko sa tapat ng puso. ‘ Ano na namang nangyayari sayo, heart? ’

Lumabas sila sa opisina ng walang sinasabi. Inalalayan ni Eion si Sofie palabas na patuloy parin sa paglabas. ‘ Kawawa ka girl? ’ sa isip ko. Inis ko lang silang tinitigan habang lumalabas paalis. Tss. Sinayang lang ang oras ko.

Ilang minuto ang lumipas hindi parin nakakabalik si Eion. Naghintay lang ako malapit sa pinto, nakatayo. Hindi ko nga alam bakit ko pa hinihintay iyon! Nakakainis! Baka naman mayginagawa nang kababalaghan kaya ganon! Kaya hindi na nakabalik! Tch!

Nagpabalik-balik ako ng lakad. Inilagay ko ang kamay ko sa baba ko at umaktong nag-iisip. Pero nag-iisip talaga ako, noh!

“ Bakit ba kasi ako nakikinig sa lalaking yon!? Diba dapat umalis na ako? Kaysa naman magmukha akong tanga rito kakahintay. Tapos may ginagawa na pala ang dalawang iyon! Tapos ako dito naghihintay parin! ARGHH! ANO BA TALAGA!? AALIS BA AKO O AALIS? ” Kausap ko sa sarili ko. Brain gumana ka naman. Ano na? Maysagot ka na? Ilang minuto pa bago nagkaroon ng sagot si brain ko. “ Aha! Alam ko na! Aalis ako na ako! Hohoho! Kala mo susundin kitang lalaki ka! Hindi, noh! ” aniya ko habang tumatawa na parang nasisiraan ng ulo.

CEO SERIES #4: Hidden The Ceo's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon