Prologue

2.1K 45 11
                                    


"Erika!" Agad akong lumingon no'ng marinig ang pangalan ko.

"Nicole!" Lumapit ako sa kanya at hinawakan 'yong braso niya.

"Tara, bilis. Five minutes nalang!" Hinila ko na siya papasok ng building namin.

"Gagi, oo nga pala! Si Maranjo pa naman prof natin!"

Pareho kaming pawis na pawis at hinihingal pagkarating namin ng room. Mabuti nalang ay wala pa 'yong terror naming prof.

"Akala ko late na kayo," natatawang sabi ni Aya sa amin.

"Ipagdadasal na sana namin kayo," dagdag pa ni Armin, 'yong gay friend namin.

"Awit nalang kapag ma-late, ayaw ko pang bumagsak," Nicole also laughed.

Ako naman ay napahawak muna ng bahagya sa noo at leeg ko. Oh, patay! Nakalimutan kong uminom ng gamot.

"Nga pala, Ekay okay ka na ba?" nag-aalalang tanong ni Aya.

"Oh, okay na!" agad kong sagot kahit na medyo hindi pa ako sigurado doon.

Nagkalagnat ako no'ng isang araw pati 'yong mga kapatid ko at napilitan akong umabsent no'ng Martes, pero ngayong araw ay hindi dapat ako lumiban dahil may klase kami kay Maranjo. Auto 5 points deduction kasi kapag may isang absent, terror I know, but he's good in teaching. And besides, ngayon din namin ifafinalize 'yong research namin, malapit na kasi 'yong finals.

"Sure ka? Overnight tayo sa apartment ni Armin mamaya, g ka ba?" Agad naman akong tumango kay Nicole bilang sagot.

"Good morning, class!" bati ng propesor. Agad naman kaming nagsiayos no'ng pumasok na 'yong prof namin.

The morning class except sa nervewrecking first period class namin ay okay naman. Pero as usual, pagdating no'ng lunch ay pareho nanaman kaming gutom lahat.

"Ays! Tinanghali ako ng gising, hindi man lang ako nakapagbreakfast!" reklamo ni Armin habang sinusubo 'yong sinangag.

"Ako hindi ko na kaya 'yong diet hahaha stop na ako!" natatawang dagdag ni Aya.

Inilabas ko naman agad 'yong baon kong ginisang monggo, kaya ako muntik ma-late kanina dahil nagluto pa ako, wala kasi si mama sa bahay kaya ako 'yong in-charge sa mga kapatid ko at sa mga gawaing bahay.

Apat kaming magkakapatid, tatlong babae at isang lalaki which is 'yong bunso namin. Wala ng tumatayong ama sa amin at mahigit sampung taon na rin ang nakakalipas. Si mama naman, nagtatrabaho siya sa maintenance department ng isang sikat na hotel dito sa Manila pero maliban do'n ay marami pa siyang raket katulad ng pagbebenta ng mga beauty products at kung anu-ano pa online, tinutulungan naman namin siya pagdating doon total kami namang lahat ang makikinabang. Bilang panganay medyo nakakapressure pero buti nalang scholar ako since senior high school hanggang ngayong third year ako, 'yong sumunod naman sa akin ay grade 12 ABM student ngayon at scholar din siya dahil student athlete, 'yong sumunod naman ay grade 10 sa isang science high school at siyang iniingatan talaga namin dahil nagkaroon ng problema sa puso niya no'ng baby pa siya, at 'yong bunso ay grade 8 na siyang pinakapasaway sa amin.

Kapag naiisip ko silang lahat ay parang puputi ng mabilis 'yong buhok ko.

Napailing nalang ako at itinuon 'yong pansin sa pagkain. Mabilis naman akong natapos dahil maiksi lang ang break namin bago mag-afternoon class.

I'm a 3rd year BS Pharmacy student. Life is not easy pero nakakasurvive naman. Sabi nga nila hindi raw halata sa akin na nahihirapan dahil mayroon akong natural na maaliwalas at masayang mukha, but looks can be deceiving, there were also some points in my life that I just wanted to cry and give up pero sa tuwing naiisip ko ang magiging buhay ko at ng pamilya ko kung susuko ako ay humihinga nalang ako malalim, tatayo, at kikilos na ulit.

One Fateful NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon